Chapter 20 - Together

305 13 2
                                    

Chapter 20 : Together

Shannon's Point of View

Nagising ako nang nasa kwarto ako.

"Ahh."Daing ko nang sumakit bigla ang ulo ko.

Bigla kong naalala yung nangyari saakin kagabi.
I swear that was his voice.

Tumayo na ako at naghilamos para mahimasmasan naman ako.

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako kaagad.

"Oh Shannon,gising ka na pala."Sabi ni Lola Imelda habang nagpupunas ng lamesa."Umalis sila Hiro at Kira."

"Ha?Saan naman po sila pumunta?"Tanong ko.

"Ewan ko ba dun sa magpinsan na iyon.Mukhang nagmamadali nga eh."

Tumango nalang ako at nagsimula ng kumain.

Matapos kong kumain ay inilagay ko na yung pagkain ko sa lababo at tumaas na agad sa kwarto para maligo.

Lumabas na ako ng bahay para maglakad-lakad.

I need to know more about them.About The Royalties and what they do.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapansin ang mga taong nagbubulungan habang nakatingin saakin.

Ano bang tinitingin tingin nila?May dumi ba sa mukha ko?

Hindi ko namalayan na may poste pala sa daang nilalakaran ko dahilan para mauntog ako dito.

"Aray!"Daing ko."Psh.Badtrip.Nakakahiya madami pa namang tao."Bulong ko sa sarili ko.

"Ang cute niya."

"Siya ba talaga yung prinsesa?"

"Magpa autograph tayo!First time kong makakita ng prinsesa sa personal!"

"Eh kung kidnappin kaya natin?Magkakapera tayo."

"G*go!Ikaw kaya ibenta ko?Mas makakakita pa ako nang dahil sa kakaibang mukha mo.Akalain mo 'yon?Baboy na nasa katawan ng tao?Jackpot!"

Rinig kong bulungan ng mga tao.

"Huh?"

Prinsesa?

Tinignan ko silang lahat at lahat naman sila ay nakatingin saakin.

Binilisan ko na ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa library.

"Siya yung prinsesang hinahanap diba?"

"Siya pala 'yon.Linggo-linggo siyang pumupunta dito hindi man lang ako nagpapicture!"

Pinagtitinginan at pinagbubulungan nanaman ako ng mga tao nang makapasok ako.

How did they even know that I'm a princess?!

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon