Chapter 1

110 10 15
                                    


We never get to choose the people we have to meet, or we have to be friends with but we exactly know why we love them...

Chapter 1
"Saiyah... Saiyah..."

Hindi na pinansin ni Saiyah ang pagtawag sa kanya ng kaibigan niyang si Torrance at nagpatuloy siya sa tahimik na paggawa ng assignment.

"Sasabog na yata ang utak ko. ahhh..."

Muli ay hindi niya pinansin ang reklamo nito. Kanina pa kasi siya hindi makapag-concentrate sa ginagawa, hindi dahil sa walang humpay na reklamo ng kasama kundi dahil sa mga estudyanteng nakamasid sa kanila sa cafeteria na iyon. At hindi na kailangan pa ng matinding eksplinasyon kung bakit hindi mapigilan ng mga taong iyon ang tumingin sa gawi nila kahit pareho lang silang mga first year. Most likely, kay Torrance lang naka-focus ang tingin ng mga ito. Dahil kahit hindi nito i-announce, pansin na pansin dito ang naghuhumiyaw nitong lahi.

Torrance Scott, isang half Filipino at half British. Ngunit mas litaw sa itsura nito ang pagiging Briton. Maganda, maputi, matangkad at natural na kulay blonde ang buhok ng dalaga na kumikinang kapag tumatapat ito sa araw. And what else do you know? Kulay asul din ang mga mata nito. Mukha nga itong manika.

Hindi nga niya inakala dati na marunong itong magtagalog. Well, sinabi nitong sa Pilipinas na ito lumaki kaya hindi nakapagtatakang tuwid itong magsalita ng Filipino. If there is one thing to know about her is the fact that...

"Ayoko talaga sa math," wika nito na tila sumurender na sa buhay kasabay ng pagsubsob nito sa libro.

She hated studying, yeah.

"You hate all our subjects, Torrance," pagtatama niya.

Hindi ito gaanong mahilig mag-aral. Ni hindi nga ito gaanong nagsasalita ng English dahil nahihirapan ito other than that, magaling na ito sa maraming bagay lalo na sa gawaing pang-kamay. Hinangaan nga niya ito noong gumawa ito ng isang mininature ng bahay at iba pang mga bagay. At kaya ito hindi makapag-concentrate sa ginagawa ay dahil nahahati ang atensyon nito sa ginagawang sketch ng isang aso.

Patuloy pa rin si Saiyah sa pagso-solve ng math equation na assignment niya sa algebra. Easy lang naman iyon sa kanya.

"Basic lang naman ito, Torrance."

"Sinasabi mo iyan dahil pinagkalooban ka ng power para makaintindi ng math. Kaya nga ako nag-HRM kahit pinipilit ako ng mga magulang ko na kumuha ng Engineering dahil ayoko sa math. Mamatay ako doon."

"Lahat naman halos ng kurso ay dumadaan sa algebra."

Nangangalahati pa lang ang first semester kaya minor subjects pa lang ang kinukuha nila.

"Anyway, kung ayaw mo nang mag-aral, umalis ka na lang dito para hindi na tayo pinagtitinginan ng mga tao. Papakopyahin na lang kita mamaya."

Nangangalahati pa lang ang semester pero sikat na sikat na sa buong unibersidad si Torrance kaya pati siya ay nadadamay kapag ganoong pinagtitinginan ito ng mga estudyante.

Come to think of it, bilang isang simpleng estudyanteng gaya niya ay mas gusto niyang magkaroon ng simple lang ding mga kaibigan, iyon ang isa sa mga goal niya bago pumasok sa private school na ito. But her circle of friend right at that very moment was far from what she imagined to be.

Napangiti si Torrance. "Parating na sina Chiaki at Ash."

Kung mayroon siyang kaklaseng half British, may kaibigan naman siyang half Japanese. Si Chiaki Aihara.

"Konichiwa!" Bati ni Chiaki.

For some reason, nag-aaral na daw itong magsalita ng Japanese. She was very cute. Maliit lang ang mukha nito maging ang ilong nito. Katamtaman lang din ang tangkad nito. Pareho silang mga first year. At advertising naman ang kurso nito.

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now