Chapter 16

22 2 0
                                    


“Chiaki, sigurado ka bang mauubos mo iyan?” Nanlalaki ang mga mata ni Saiyah habang nakatingin sa mga pagkaing inorder ni Chiaki. “Dalawang order ng spaghetti, large fries, may lumpia ka pa at hotdog sandwich.”

“Hihirit pa iyan ng ice cream mamaya,” dagdag pa ni Torrance.

Makaseru, minna-san! Kayang-kaya kong ubusin ito dahil gutom ako.” inumpisahan na nitong lantakan ang hotdog sandwich. “Nakakagutom iyong last activity namin. Ubos ang energy ko. Muntik na nga akong magpabuhat kay Ash habang naglalakad kami.”

“Chia eats like a hog. So don’t worry, mauubos talaga niya iyan,” paninigurado naman ni Asheron. “Actually, akin iyang lumpia.”

Pagkatapos ng klase nila ay nagyaya siyang magmeryenda muna sa snack house na malapit sa school. Agad namang sumama si Chiaki basta pagkain ang pinag-uusapan. Mapapansin na may mga estudyanteng taga-ibang school din sa restaurant na iyon.

“Parang hindi ko nakita si Kyouhei ngayon.” Napatingin si Torrance kay Saiyah. “Nakita mo ba siya? Hindi siya nakisabay sa atin kanina.”

Nakita lamang niya kanina si Kyouhei sa hallway. Kinamusta lamang niya ang pakiramdam nito at sinabi nitong maayos na ito. Kahapon, pagkatapos nilang kumain ay nakatulog siya sa couch. Nagising na lang siyang nagtatanong sa sarili kung bakit napakataas ng kisameng nakikita niya. Noon niya naalalang nasa bahay pala siya ni Kyouhei. Pagbangon niya ay nasa couch na si Kyouhei habang siya ay nasa kama nito. Hapon na nang makauwi siya.

“Baka may ginawa siya, o ayaw nanaman niyang sumabay sa atin. Alam niyo naman ang isang iyon, may saltik sa ulo.”

“I kinda feel like, nasasanay na akong kasama natin si Kei-senpai.”

Ganoon din ang pakiramdam ni Saiyah. For her, even if Kyouhei wont admit it, he was already part of their group.

“Eh nasaan naman sina Millarey at Jessie? Akala ko ba tinext niyo sila?” Tanong ni Torrance.

“Earlier I saw them together,” sagot ni Asheron. “Hindi ko nga lang alam kung anong pinag-uusapan nilang dalawa.”

Chiaki looked at him. “Baka hindi ka lang interesado kaya hindi ka nakinig.”

That’s true. Asheron seemed to be uninterested with other people, unless its Chiaki.

“Well excuse me if eavesdropping is not my skill.”

Ngiting pa-cute lang ang sagot ni Chiaki sa tingin ni Asheron. “Sabi ko nga. Bawal makinig sa usapan ng ibang tao. Oh, tikman mo itong lumpia.”

“Why not, ako naman ang umorder niyan.”

Its fun watching those two. Saiyah thought. But it was also painful for Chiaki. Hanggang kailan kaya magpapatuloy ang ganoon?

Maya-maya lang ng kaunti ay dumating din ang dalawa. Sina Jessie at Millarey. Kunot ang kanilang mga noo habang nakatingin sa mga paparating. Jessie was smiling widely while Millarey was clinging to his arms. Parang bagong kasal ang mga ito na kulang na lang ay buhatin ni Jessie si Millarey.

“What’s gotten into them?” Hindi maipaliwanag na tanong ni Saiyah.

Nahulog ni Chiaki ang kinagatang lumpia nang masaksihan nito ang ginawang paghalik ni Jessie sa pisngi ni Millarey. Asheron just picked it form the table and ate it.

“Anong nangyari sa dalawang ‘yan?” Tanong din ni Torrance.

Nakanganga pa rin sila hanggang makalapit ang dalawa sa kanila.

“Hey guys,” nakangiting bati ni Jessie. Hawak pa rin nito si Millarey sa balikat.

“Ahm, so… kayo ba… hindi nawiwirduhan sa isa’t isa ngayon?” Inosenteng tanong ni Chiaki.

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now