Chapter 20

15 1 2
                                    


This chapter is for my sweet friend here in wattpad, Ms. Jeanny dela Cuesta. I don’t know how to put it in a way that she’d be notified so sana, mabasa niya ito if she is still reading up to this point. ^______^

Guys, I hope you will also check her stories.

Thanks for always supporting me, JeannyDelaCuesta!

***********************************************************************************


“Katapusan na ng mga kasamaan mo, Lezura!”

“Hindi… Hindi!” Saiyah pushed her self down the stage. Doon na nagtatapos ang parte niya bilang masamang mangkukulam sa role play. Ilang sandali lang ay naramdaman na niya ang kanyang pagdapo.

“You okay?”

Nakapikit pa rin siya sa kabila ng tinig na iyon ng taong sumalo sa kanya. Dama nanaman niya ang kakaibang pakiramdam na iyon sa loob ng bisig nito. Just a little bit more…

She opened her eyes and once again, she was greeted by the most beautiful set of brown eyes she had seen. At kahit na makailang beses na siyang sinalo nito sa tuwing matatapos ang parte niya sa role play, tila hindi naman siya nasasanay at talagang nagugulat pa rin siya sa tuwing dumadapo siya sa matatag na katawan ni Kyouhei. That overwhelming feeling of anticipation that she couldn’t still figure out.

He wiped her bangs away from her eyes. “’You okay?” Tanong muli ni Kyouhei.

Napalunok pa siya bago makasagot. “Y-yeah…”

Ibinaba na siya nito at balewalang umalis upang umakyat sa stage.

Nawiwirduhan pa rin si Saiyah sa kanyang sarili habang nakasunod ang kanyang tingin kay Kyouhei na umakyat na sa stage. Kasalukuyan silang nagrerehears para sa role play nila. Medyo madalian lahat ng preparasyon nila kaya naman puspusan ang pagtatrabaho nila sa paggawa ng mga props at sa pagpapractice. Mabuti na lang at medyo dumami ang kanilang mga kasama pagkatapos ng ilang araw na paghahanap.

“Lezura…”

Muntik na siyang mapatalon dahil sa ginawang pagbulong na iyon ni Millarey sa kanyang tainga.

“Pambihira naman Miles!”

Tumawa lang ito. “Masyado ka kasing nakatutok diyan, sino bang tinitignan mo?”

“Eh di, iyang mga bida sa kwento.”

She nodded. “Ah… akala ko… oh well, Kei seems to be fine catching you again and again.”

“Eh di ba, ikaw ang nagsabi na gawin niya iyon kapag tapos na ang role ko?”

“Why not? Kesa naman semento ang sumalo sayo, di ba?”

Oo nga naman, kumpara sa matigas at nakakabasag-ulo na semento, doon na siya sa komportableng katawan ni Kyouhei, sigurado pa siyang may magandang view sa bawat pagbukas niya ng kanyang mga mata. Maganda din ang feeling.

“Fantasizing again?” untag ni Millarey.

“Shut up.”

“Okay! Break time muna guys,” pasya ni Millarey sa mga nagpa-practice.

Nagsibabaan naman ang mga ito sa stage. Unang-una na doon ay si Jessie na pinuntahan si Torrance.

“Jess, tignan mo itong costume mo oh, nadrawing ko na.” Ipinakita ni Torrance ang sketch notebook kay Jessie.

“Oh, wow you’re really great. Pero bakit parang very conservative naman ito? Parang pangmatanda?”

“Eng-eng ka naman eh. Natural, ano bang role mo? Di ba ikaw iyong tatay ng prinsesa?”

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now