“So, puwede bang pakiulit ang dahilan kung bakit nandito ako, kasama kayo?” Tumutok ang mga mata ni Kyouhei kay Saiyah. “You told me its an emergency, right?”
Si Chiaki ang sumagot kay Kyouhei. “Andito nga tayo para abangan si Millarey dahil may date siya. Narinig ko siya kahapon sa c.r. hindi niya alam na nandoon—“
“And why the hell do I need to be here?” mariing tanong ulit ni Kyouhei.
“Hindi ka ba interesado?”
“Hindi. Not even a bit.”
Napanguso na lang si Chiaki pagkatapos nitong sungitan ni Kyouhei.
Narinig daw kahapon ni Chiaki na may kausap sa cellphone si Millarey at pumayag daw si Millarey na makipag-date sa taong iyon. Dahil likas na idolo ni Chiaki si Millarey ay iginiit nitong pumunta din sila upang makita ang kadate ni Millarey. Kaya naman naroon sila sa isang high-class hotel and restaurant na iyon, umiinom ng sobrang mahal na inumin habang hinihintay na dumating si Millarey at ang lalaking kadate nito.
“Hoy, Chia. Sigurado kang pupunta dito si Miles, ha?” nagbabantang wika ni Torrance. “Tignan mo naman, sobrang mahal nitong inumin na inorder natin. As in sobra. Wala na nga akong pang-taxi mamaya. Kaloka, ha?”
“Don’t worry, Torrance-chan. Dadating iyon. Sigurado ako sa narinig ko. Meanwhile, enjoy-in na lang muna natin itong drinks natin. Grabe ang mahal talaga nito.”
Sa tabi nito ay si Asheron na wala ding reklamo. Basta niyaya lang ito ni Chiaki at pumayag na agad ito.
Kaharap naman ni Saiyah ay si Kyouhei. Bad trip pa rin ang mukha nito nang malaman nitong gusto lang nilang makita ang kadate ni Millarey. Sabado noon kaya tinawagan niya ito at sinabi ngang may emergency. Hindi naman niya sukat akalain na pupunta din ito pagkatapos ng sandamakmak na reklamo.
“Nasaan si Jessie?” Tanong ni Kyouhei. “Pupunta din ba siya dito?”
“Tinawagan ko siya pero naka-off ang cellphone niya,” sagot ni Asheron. “So I just texted him. Pero wala pa ring response mula sa kanya.”
“This is crazy. Mas maganda pang umuwi na lang ako.” Tumayo na si Kyouhei na agad namang bumalik sa upuan matapos sipain ni Saiyah ang tuhod nito. “What was that for?” Halos pasigaw na tanong nito.
She gave him a warning look. “Stay put.” She even pointed him. “Sisirain mo ang plano naming ito kapag nakita ka ni Miles. Baka papunta na siya dito at makasalubong mo sila.”
“And you need to kick me?”
Nginitian lang niya ito ng nakakaloko. “Sorry.”
Suddenly someone showed up. A tall, good-looking man wearing an elegant suit with a nice wide smile on his lips.
“Hello. Good day sa inyo.”
The man must be in his late-twenties. At matangkad talaga ito. Bagay na bagay din dito ang suot nitong suit.
(Wow, sino siya? Artista?)
Nginitian din nila ang lalaki maliban kina Kyouhei at Asheron.
“Ako ang may-ari ng hotel and restaurant na ito,” magalang na pagpapakilala nito. “Napansin ko na parang ngayon ko lang kayo nakita dito. I hope you are enjoying the place.”
Napangiti dito si Saiyah. “Ye-yes sir! Nagustuhan po namin ang buong lugar.”
“That’s so good to hear. Kung gusto niyo puwede pa kayong mamasyal dito. Open ang buong hotel para sa inyo.”
“No need,” sagot ni Kyouhei. “May hinihintay lang kaming tao. Pagkatapos aalis na kami.”
Napatingin silang lahat kay Kyouhei.

YOU ARE READING
Reaching For Love
RomansaWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?