Chapter 13

23 2 0
                                    

Chapter 13
Ngingiti-ngiti si Saiyah pagkatapos niyang inipit sa pahina ng libro ang bookmark na ginawa dati ni Torrance para sa kanya. Itinigil muna niya ang pagbabasa dahil kailangan muna niyang huminga at kiligin dahil talagang sobrang nakakakilig ang parteng iyon na nabasa niya.

Binabasa niya ulit ang book 4 ng Midnight Moon Chaser at kahit na nabasa na niya ang fantasy book na iyon dati ay nae-excite pa rin talaga siya. Magtatapat na kasi ang bidang lalaki pero biglang nagbago ang isip nito dahil wala talagang kaide-ideya ang babaeng bida. Nagalit tuloy bigla si Lancer sa kaignorantehan ni Amethyst.

Naiyakap niya ang sarili kasabay ng pagbasak sa kama. "Eiiiiihh!! Lancer really is so cute! Waaa! I love wolves above all! Kyaaaa!!" Nagpagulung-gulong pa siya sa higaan.

Muli siyang napatingin sa dalawang librong nasa study table niya. Sa oras na hinawakan niya ulit ang mga iyon, hindi nanaman niya mapipigilan ang sariling basahin iyon. Alas onse na ng gabi. Baka hindi siya makabangon bukas at malate siya.

Imbes ay ang cellphone niya ang kanyang kinuha at nagtext kay Kyouhei.

'Hey... I really, really like the books! Thank you so much! Akin na ang mga ito, okay?'

Pagkatapos ay napatingin siya sa kisame at inalala ang kaninang nangyari na talagang pinagtakahan niya.

Loaded ang buong araw ni Saiyah, ni wala nga silang bakante. Todo nanaman ang reklamo ni Torrance.

Pabalik na sana siya sa classroom galing sa c.r. nang makasalubong niya si Kyouhei. Noon lamang niya ito nakita dahil hindi ito nakisabay maglunch sa kanila.

"I have something for you," wika nito.

"What is it this time?"

Isang Economics book ang ipinakita nito sa kanya. "Do me a favor. Gawan mo ng outline ang libro na 'to."

"Iyang buong libro?" Ah, ito na ang kapalit ng pag-imbita nito kay Hak sa lunch. "Buong libro talaga?"

"Yup. Buong libro. In return, I'll give this to you." Then he handed her something in a paper bag.

"Ano naman ito?" tanong niya.

"Tignan mo. I know you'll like that."

Tinignan nga niya ang laman ng paper at muntik na siyang mapasigaw. "Oh...my... Oh my God!" Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Kyouhei. "Seriously?!" Hindi siya makapagsalita. Dalawang libro ng Midnight Moon Chaser ang nasa paper bag na bigay ni Kyouhei. "Saan mo ito nakuha? Alam mo bang wala na akong makitang ganito sa mga bookstore?!"

"May kilala akong nagbebenta ng libro online-"

"Inorder mo ba ito para sa akin? Wow, angsweet naman, Kyouhei! 'Love these!"

"What the- hi-hindi ko iyan inorder p-para sayo! Stupid. Nakita ko lang iyan doon sa pinag-oorderan ko kaya umorder na din ako," pautal-utal pang sabi nito.

"Still, ibinibigay mo pa rin sa akin ito kaya... eiih! Thank you!"

"Gosh, stop looking at me like that. And more importantly, iyang ipinapagawa kong outline ang isipin mo."

"Okay! Okay! Thanks a lot, sweet Kyouhei!"

Hindi talaga niya inasahan iyon. Samantalang sinabi nito na hindi ito mahilig sa ganoong libro. Meaning talagang para sa kanya iyon. Malawak ulit ang kanyang ngiti dahil sa naisip natigil lamang siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. Si Kyouhei ang tumatawag.

"Hello!"

"So, nagbabasa ka na? Paano iyong pinapagawa ko sayo? Natapos mo na?"

Mabilis niyang pinatay ang tawag maging ang cellphone.

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now