Chapter 22

13 1 0
                                    


Pangalawang araw ng school festival. Marami pa ring event sa eskuwelahan. May mga programa at kanya-kanya din ng pakulo ang bawat section ng mga estudyante. Pastry shop ang naisipang ihanda ng section nina Saiyah at Torrance na pumatok naman sa marami.

Dahil ayaw nilang magbenta ay nagvolunteer silang sumama na lang sa mga magbebake. Wala namang problema dahil talagang hilig nila ang magbake. Lalo na si Torrance na kanina pa naglalagay ng icing sa mga cake at cupcake. Lalong nagiging cute at attractive ang mga paninda nila dahil sa mga design nito.

“Oy, Saiyah, may ginawa akong cookies oh!” Masayang pinakita ni Torrance ang ipinagmamalaki nitong cookies na may desenyong hindi niya maintindihan.

“Anong iyang design na…” tinitigan pa niya lalo ang cookie. “Is that Hak?”

“Hihihi, cute di ba?” Tila nga iyon chibi version ni Hak kung tititigang mabuti. “Dali kainan mo na si Hak!”

“Eww, Torrance angpangit ng wordings mo, ha?” Kinuha na lamang niya iyon at kinain ng buo. “Infairness, angsarap niya ha?”

“Yuck Saiyah, angpangit din ng wordings mo.”

Humagikgik silang dalawa. Mayamaya lang ay dumating ang isa nilang kaklase mukhang kukuha ulit ito ng panibagong cake upang ibenta.

“Mamaya, matatapos na din ang shift natin.”

“Oo nga, pagod na din ako eh,” sagot ni Saiyah.

“True. Gusto ko ding matignan ang ibang pakulo ng mga estudyante.”

“Hanggang mamayang gabi daw meron pang event.”

“Ow talaga? So, hanggang mamaya pa tayo dito?”

“Ayaw mo?” tanong ni Saiyah.

“Siyempre gusto.”

“Apir!”

“So, ano pala ang ginagawa ng iba nating kaibigan?” Tanong ni Torrance.

“I heard Millarey is selling an organic tea na nadevelop nila some months ago.”

“Hmmm. Ah! Oo nga pala, may laro si Ash mamaya. Siguradong nandoon din si Chiaki.”

“Manonood ka ba?” Tanong ni Saiyah habang nagsusukat ng harina.

“Pagkatapos ng shift natin,” sagot ni Torrance na naghahalo naman ng chocolate at butter.

May ilang sandaling pinagmasdan lamang ni Saiyah ang kaibigan. “Hmmm, Torrance. Crush mo pa rin ba si Asheron?”

“Paano mo naman nalaman iyon?” Tanong ni Torrance na hindi lang nabigla o napatingin sa kanya. Patuloy pa rin ito sa ginagawa.

Well, hindi naman kasi nito kailanman binanggit ang tungkol doon.

“Hula lang,” sagot niya. “Dati kasi parang nakikita kitang nakatingin sa kanya ng pasekreto. Pero ngayon parang hindi na. Saka naalala ko din na kabisado mo ang birthday niya.”

“Wow, angtalino mo talaga.”

“Wow, hindi mo idedeny?”

“Gwapo si Ash saka cool kaso, pipi eh.”

“Dahil ba inlove sa kanya si Chia?”

“Hindi no?” Napatingin si Torrance kay Saiyah. “Bago pa umamin sa atin ang lukaret na ‘yon hindi ko na crush si Asheron.”

“Sa una lang talaga mo siya naging crush?”

Ngumisi si Torrance. “Guwapo pa rin siya para sa akin lalo na kapag naglalaro, pero hindi ko na siya type.”

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now