Pagdating ng sabado ay pumunta nga silang makakaibigan sa bagong bukas na hotel and resort ng uncle ni Jessei. The place was really superb. Kaunti pa lang noon ang mga tao kaya naman talagang naenjoy nilang magkakaibigan ang mga lugar sa hotel. Not to mention libre lahat ng service.
"Jessie's family is really something."
"Oo nga. Sobrang ganda dito sa hotel na ito. At sobrang sasarap pa ng pagkain!"
Tatawa-tawang pinagmasdan ni Saiyah sina Chiaki at Torrance.
"Nakarami nga ng calamares itong si Chiaki kanina," komento din niya. "Si Torrance binanatan iyong fruit salad."
Kasalukuyan silang nasa spa at nagpapabody massage noon. The best din ang mga masahista sa lugar. Mukhang wala nga talagang maipipintas sa hotel ng pamilya ni Jessei.
"Nasaan naman ang mga boys natin?" tanong ni Torrance.
"I think nasa sauna sila."
"Theres a sauna?!" bulalas ni Chiaki. "Hindi ako papayag na hindi natin iyon masubukan!"
"Come on, Chia. Hindi ka pa ba kuntento sa massage na 'to? Ako nga tanggal na lahat ng stress ko."
"You've got a point there, Saiyah-chan."
Nagtungo sila sa kuwarto pagkatapos ng spa session nila. Nasa iisang kuwarto silang mga babae at sa isang kuwarto din sina Jessie, Asheron at Kyouhie.
"I really wish Millarey-senpai is here."
"Ewan ko ba doon kung bakit hindi siya sumama. Saiyah, bakit daw ba siya hindi nakasama?"
Nagsusuklay ng kanyang mahabang buhok si Saiyah sa harap ng salamin. "I also don't know. Basta sabi lang niya na busy siya."
"Come to think of it, wala ako masyadong alam kay Millarey-senpai. Ang alam ko lang siya ang pinaka-ahead sa ating lahat."
Sa kanilang magbabakarda ay si Millarey lang ang third year. At wala din siya masyadong alam tungkol sa personal na buhay nito. Ang alam lang niya ay galing ito sa maimpluwensyang pamilya. She never heard Millarey having a boyfriend.
"Yeah, masyado nga siyang mausisa pero wala naman siyang ishini-share tungkol sa kanya."
"Anyway, tara na sa lounge," yaya ni Torrance. "Mukhang magandang mag-unwind doon."
Unwind. Pretty sure na hindi lang simpleng unwind ang ibig sabihin ni Torrance.
(These people are going to drink, for sure.)
Well, okay lang naman siguro basta kaunti lang.
"Mauna na kayo," wika ni Saiyah. "Maliligo pa ako."
"Okay. Dalian mo ha?"
Pag-alis ng dalawa ay saka naman siya pumasok sa banyo at naligo sandali. Nakasuot na siya ng kanyang underwear nang maalala niyang nasa bag pa ang kanyang damit. Hindi na niya gaanong naayos ang robang suot at lumabas na sa banyo upang kunin ang isusuot.
Nagpupunas siya ng buhok habang naglalakad nang malaman niyang hindi siya nag-iisa sa kuwarto. Prenteng nakaupo sa couch si Kyouhei at nakatingin sa kanya... to her horror.
Nanlaki ang mga mata ni Saiyah nang maalala niyang nakaunderwear lang siya sa loob ng robe. At nakahantad ang kanyang dibdib sa harap mismo ni Kyouhie!
She was loss for words while Kyouhei was... nothing. Hindi man lang ito nabigla o ano man. Imbes ay tumayo lang ito.
"Surprisingly, you have a pretty pair of breast in there." Iyon lang at tumalikod na ito. Lumabas sa pinto at iniwan siyang tigagal sa nangyari.

YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?