If I tell you whats on my mind, would it make you happy? Or would it make you sad? Would it change you? Or would it scare you?Chapter 4
Tahimik na naghihintay si Chiaki sa bakanteng classroom na iyon. Nagtext si Asheron at sinabi nitong parating na ito na may dalang shawarma. Tapos na ang klase nila, hinihintay na lamang niya ito para sabay na silang umuwi.Come to think of it. Medyo matagal na rin silang magkaibigan ni Asheron. Sa tagal hindi na rin niya gaanong maalala. Basta since high school magkaklase na sila. He was one of the few people who can really put up with her non-stop talking mouth. Idinamay din niya ito sa pag-aaral niya ng Japanese language. She also dragged him to be friends with Saiyah and the others. He knew her very well. Wala siyang hindi sinasabi dito. Maging ang desisyon ng kanyang ama na tumira siya sa Japan balang araw ay sinabi niya agad kay Asheron. Its just that she cant keep anything from him. Gusto niya palaging marinig ang opinion nito sa lahat ng bagay na sinasabi niya. If there was one thing she hasn't told him yet...
Bumukas ang pinto ng classroom at mula doon ay pumasok ang isang matangkad at guwapong lalaki, wearing a half smile that really suited his face. May hawak itong shawarma sa magkabilang kamay nito.
(Asheron-kun)
"I got this from the cafeteria," he said while walking towards Chiaki. "May ganito na pala ngayon doon."
At first she thought his name was weird. But now... well it still sounds weird though. But that weird name had been her companion for so many years.
Asheron.
Paglapit nito ay bigla na lang niyang itong sinugod. Iniyakap niya ang kanyang kamay sa baywang nito at pinuwersang patumbahin sa sahig. Nagtagumpay naman siya.
"Ugh! What the hell was that for?!"
While she was on top of him, Asheron landed flat on the floor. Nabitawan na nito ang hawak na pagkain. Nakakunot na ang noo nito.Chiaki just smiled at him. "You know the meaning of this?" Tanong niya. Dahan-dahan niya inilapit ang mukha kay Asheron. "It means, its time to fight me."
Diniinan niya ang kanang tuhod sa tiyan nito habang pinipigilan ito sa balikat ng kanyang dalawang kamay.
"You're really sure about this?" Kalmadong tanong ni Asheron. "You have to pay for that food you just wasted. Alam mo bang pumila pa ako para-"
"Katapusan mo na ngayon, Ash!" Lalo pa niyang diniinan ang tuhod sa tiyan nito at inilagay pa niya ang braso sa ilalim ng baba nito while pushing it upward.
Dahil sa pagiging athletic nila ay napagkatuwaan na din nilang labanan ang isa't isa kapag naisip nila. Madalas ay binibigla niya ito gaya ngayon. Kampante naman siya dahil hindi naman siya sasaktan ni Asheron. Well, sasaktan siya nito ng kaunti.
Asheron moved and pushed her. Nahulog tuloy siya at napahiga sa sahig.
(Ouch...)
Tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya nito. Si Asheron na ngayon ang nasa ibabaw.
"Pay," he said.
"No way!" and then she punched him na nasangga naman agad ni Asheron. Sinuntok pa niya ulit ito na hindi man lang sumagi kay Asheron hanggang sa mahuli na nito pareho ang dalawa niyang kamay.
"Suko na?" Tanong nito na may ngiti na sa labi.
"No way!" and she head-bat him. Malakas na pati siya medyo nahilo.
(Aray...)
Umepekto naman iyon dahil nakawala siya dito.
"Ahh..." daing ni Asheron
YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?