*few days after the contest*Nanggagalaiti si Saiyah sa inis habang binabasa ang script na halos hindi na niya maintindihan dahil sa init ng kanyang ulo. Sa kabila naman niya ay si Kyouhei na kanina pa hindi tumitigil sa kakatawa nito. Lalo tuloy na umuusok ang kanyang ilong dahil dinadagdagan nito ang inis niya.
“Ungrateful person… siya na nga itong tinutulungan tapos bibigyan pa niya ako ng pangit na role!”
(That bitch!)
Tinapunan niya ng masamang tingin si Kyouhei kaya agad itong tumigil sa pagtawa nitong akala niya ay wala ng hanggan.
“Hey, come on don’t sulk there. Ano namang masama sa role mo? Mas maganda nga iyon dahil mas tatatak sa mga tao ang character mo…” hindi na nito natapos ang sinasabi dahil tumawa ulit ito. “Seriously, what did Emmedy see in you to fit in that role? Really funny.”
Hindi na din nakapagpigil si Saiyah kaya ibinato na niya dito ang katabi niyang libro. Sapol sa mukha si Kyouhei.
“Aray—!” malakas na sigaw nito.
Napatakip ng bibig si Saiyah. Hindi naman kasi niya akalaing matatamaan niya sa mukha si Kyouhei. “Ooops…”
He picked up the book and tossed it somewhere… then looked at Saiyah. “You really had the guts to pick fight huh?”
Saiyah had the feeling her life is in danger… “S-sorry…”
“I don’t accept sorry.”
Eiiiiaaaa! Demon!
Agad na napatayo si Saiyah nang magsimulang lumapit sa kanya si Kyouhei, natumba pa nga ang inupuan niya sa ginawa niyang pagtayo.
“I’m sorry!” sigaw niya at tumakbo ng mabilis. Hinabol naman siya ni Kyouhei.
Masasalubong niya sa daan sina Millarey , Torrance at Jessie.
“Saiyah! ‘Bat ka tumatak—“ Hindi na nakapagpreno si Saiyah at nabunggo na niya si Torrance.
“S-sorry!” Sigaw niya.
Natumba si Torrance kasama si Jessie sa semento ngunit nagpatuloy lang sa pagtakbo si Saiyah. “’Wag niyong sasabihin kay Kyouhei na nakita niyo ako! Uwaaaa!”
“Ouch… Loka-loka talaga ang Saiyah na ‘yon…”
“God… Saiyah could’ve pushed someone in me instead of you, Torrance,” reklamo pa ni Jessie na noon ay halos matabunan na ni Torrance.
Lalo pang diniinan ni Torrance ang kanyang likod na nasa mukha ni Jessie. “Papatayin na lang kita kesa naman may maperwisyo ka nanamang babae.”
Mayamaya ay si Kyouhei naman ang tumatakbo ng mabilis. “Did you see Saiyah here?”
“She went that way,” sabay na tugon ni Millarey at Jessie. Magkasalungat nga lang ang tinuturong lugar ng mga ito.
Napatingin si Kyouhei kina Jessie at Torrance na noon ay nasa sahig pa rin na parang nagre-wrestling. Clearly, Torrance was winning although Jessie looked like enjoying it… a lot.
“Nice hobby, there,” komento lamang ni Kyouhei.
Sa huli ay ang direksyong tinuro ni Millarey ang sinundan ni Kyouhei.
Millarey had a satisfied smile while looking at Kyouhei chasing after Saiyah. Saka siya napalingon sa dalawang nasa sahig pa rin. Lalo na kay Jessie na sinubukan pang mangsabotahe kanina lang.
“You two can both get-up now. Konti na lang pang-SPG na ang scene na ‘yan.”
Bahagya pang siniko ni Torrance sa mukha si Jessie. “Sorry, di ko sinasadya.”
YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?