Chapter 8

45 6 74
                                    


(Gawan natin ng magandang chapter sina Saiyah at Hak. Ereng-ere na kasi ang ating bida para makausap ulit ang crush niya :)

By the way, Hak here is my dearest anime boyfriend Usui Takumi. (You cant imagine how I am so inlove with him.)

************************************************************************************

Naglalaro sa isipan ni Saiyah ang pag-uusap nila kanina ni Kyouhei pagkatapos nilang kumain.

“Anong gusto mong gawin ko? Magtapat ako sa kanya?”

“If you can why not?”

“You think I can do that?”

“Then you will be most likely end up like your friend, Chiaki.”

“As if naman na magagawa kong mag-confess kay Hak.” That would be the most impossible thing to do. Kasalanan nga niya hindi niya magawang aminin sa nanay niya, ang magtapat pa kaya kay Hak? Most likely, matutulad na lang din siya kay Chiaki. Nakakalungkot.

Itinuwid niya ang tingin, naglalakad siya sa corridor ng mag-isa dahil tinawag nanaman ng mga kaklase niya si Torrance upang tumulong. Iniisip naman niya kung saan siya pupunta upang gugulin ang natitira pang oras bago umuwi.

Sa library na lang siguro.

Sa paglalakad niya ay may nakita siyang isang maliit na notebook sa sahig na mabilis naman niyang pinulot.

“Kanino naman kaya ito?” Palingon-lingon siya at namataan niya ang isang matangkad na lalaki na naglalakad sa kanyang harapan. Hinabol niya ito at kinalabit sa likod. “Hey, nahulog…mo yata…”

Hindi na niya natapos ang sinasabi nang humarap ang lalaki sa kanya.

(Fallen Angel, Hak!)

“Saiyah?”

(Fallen angel, Hak…)

“May kailangan ka ba?” Tanong nito sa malumanay na boses.

Hindi nanaman yata siya kikibo sa harap nito nang tila naramdaman niya ang pagtapak kanina ni Kyouhei sa kanyang paa.

Damn that bastard.

At tila nag-echo din sa tainga niya ang mga sinabi nito.

“You know, you should just talk to him when you feel like it. Kung ganyan ka palagi, ewan ko kung anong kahihinatnan ng feelings mo kay Hak. Baka magsisi ka din sa huli. If you have something to say, just tell him. Don’t waste your chance.”

Tama. Nasasayang ang mga ganitong pagkakataon kapag ganoong hindi siya nagsasalita. Sa recitation nga kinakaya pa niyang makipagdebate.

“Hi! Ah, sorry. Hindi ko alam na ikaw pala iyan,” wika niya.

“Hmm, so bakit mo ako kinalabit kung hindi mo pala alam na ako ito?”

Ipinakita niya ang napulot na notebook. “Baka kasi ikaw ang nakahulog nito.”

Hak looked at the notebook in her hand. “Oh… Sa akin nga iyan!”

“Napulot ko ngayon ngayon lang.”

“Oh. Nahulog ko pala iyan. Akala ko nasa bulsa pa rin ng pantalon ko.” Kukunin na sana nito ang maliit na notebook ngunit iniwas ni Saiyah ang kamay.

“Next time, huwag mong ibulsa ang mga ganitong bagay. Pocketbook nga hindi naibubulsa, di ba?”

Yes. That’s right Saiyah, talk. Talk like you mean it. But wait a minute, hindi ba parang senermunan niya ito?

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now