Chapter 14

19 2 0
                                    


“So. Torrance,” untag ni Saiyah sa katabi niyang si Torrance. “Bakit ba parang masama palagi ang tingin sayo ni Emmedy?”

“Napansin mo din iyon, Saiyah-chan?”

“Kilala mo siya?” Tanong si Saiyah kay Chiaki.

“Well, nasa iisang building lang kasi ang department namin. And heck, I just found out recently how popular she is.  Everyone in the building is like this, ‘Oh, she’s so pretty! She’s very cute! Oh my God Ms. Prettiest face is looking this way!’ Others will say, ‘I want to talk to her. I want to date her. I want to marry her even I am a girl.’ Haay nako. But then, totoo naman ang sinasabi nila. Emmedy-sama is such a goddess.” Tumutok ang mata ni Chiaki kay Torrance. “But why on earth does she hate you?”

Maagang nag-lunch sina Saiyah at Torrance dahil wala silang klase sa last period nila sa umaga. Sumama naman sa kanila si Chiaki dahil wala na din daw itong klase. Hindi nito kasama si Asheron dahil kasama daw nito ang mga kateam nito sa basketball.

Kanina ay nasa kabilang table lang si Emmedy. Nakita ni Saiyah ang ginawang pag-irap nito kay Torrance na hindi naman na nito napansin. Umalis na si Emmedy pagkatapos nitong kumain.

“Ganito siya tumingin sayo, Torrance-chan.” Ginaya pa ni Chiaki ang pag-irap kanina ni Emmedy. Eksaherado nga lang ang pagkakagaya nito. “Ganern! Gosh ang sakit kaya sa mata iyong ginawa niya.” Minasahe pa nito ang mata.

“Sobra naman kasi iyong pagkakademonstrate mo, Chia. Slight lang na irap. Parang may intent na murder pero konti lang.”

“Hay nako…” Torrance rolled her eyes heavenward. “Iyong babaeng iyon talaga.”

“So magkakilala talaga kayo?” Tanong ni Saiyah. “Sabi mo dati hindi?”

“Yeah. Problema ko nga ang babaeng iyon.” Napatingin-tingin pa ito sa paligid bago nagpatuloy. “Naalala mo pa si Conan?”

“Conan… iyong nakita ko na kausap mo dati?”

“Conan? Dare?”

“School mate siya ni Torrance, noong high school daw sila,” paliwanag ni Saiyah kay Chiaki.

Minsan niyang nakita si Torrance na may kausap na lalaki. Nagtaka pa nga siya dahil hindi naman ganoon ka-friendly sa mga lalaki si Torrance.

“Naikuwento sa akin ni Conan na may nagugustuhan na siyang babae. Pero dahil likas namang mahiyain ang isang iyon, hindi niya masabi doon sa babae na ganoon nga. And then, bigla na lang akong nilapitan ng Emmedy na iyon noong monthly school cleaning natin. Sabi niya, huwag ko na daw lalapitan si Conan. Akala niya may something sa amin ni Conan.”

“So, basically, may gusto itong si Emmedy kay Conan?” Saiyah summarized the whole idea.

“Ganoon na nga.”

“Oh… Emmedy-sama has someone she likes already? Naruhodo.”

Saiyah looked at Chiaki. “Naruho-what?”

“Oo. Si Conan nga iyon. Kaya sinabi ko sa kanya na may ibang gusto si Conan. Na head over heels siya doon sa babae. Na wala siyang pag-asa kay Conan. Kaya tigilan na lang niya si Conan.”

“Oh… for sure she was hurt hearing those things. Kaya ba siya galit sayo dahil sa mga sinabi mong iyon?”

“Hindi siya dapat magalit sayo dahil sinabi mo lang naman ang totoo, di ba?” Kunot noong sabi ni Chiaki.

“Doon nga ako nagkamali,” Torrance said while scratching her head. She suddenly looked troubled. “Hindi ko  dapat sinabi ang mga iyon sa kanya.”

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now