Few more days passed and the preparation for the role play continued. With Torrance acting as the leader for the props and costumes, Conan for sounds and effects and Emmedy as the stage manager and as the whole leader of the role play, everything settled a day before the actual role play. Nakibasado na rin ng mga cast ang kani-kanilang linya.
Dalawang araw ang school festival at first day ang role play nilang pinamagatang The Sleeping Princess Selena. Maaga pa lang ay abala na ang buong cast sa pag-aayos ng stage. Maging sina Saiyah at ang iba pa ay tumulong na rin.
“Are you okay?”
Napalingon si Emmedy kay Conan. “Ye-yeah.” May ilang minuto na lang bago ang play at unti-unti ng dumadami ang mga tao sa buong main hall ng eskuwelahan.
Ang totoo ay hindi niya maiwasang kabahan. Taliwas kasi sa inaakala niya ay talagang malaki at bonnga ang buong role play na mangyayari. Napakarami ding bisita na dumalo hindi lang mga estudyante.
Nawala ang kanyang iniisip nang maramdaman niyang may humaplos sa kanyang buhok. Si Conan.
“Relax, Emmedy. Kapag kinabahan ka, kakabahan din kaming lahat.”
“Yeah. Tama ka.” Huminga siya ng malalim at ngumiti kay Conan.
“’Wag kang mag-alala. Alam nila ang gagawin nila.”
Napatango na din siya. Basta kasi si Conan ang nagsasalita, alam ni Emmedy na mapapanatag siya.
Samantala kanya-kanya na din ng ayos at pagsusuot ng costume ang mga cast ng role play. Hindi makapaniwala si Saiyah sa kanyang suot.
“Are you sure ito ang isusuot ko?” Nagyon lang kasi niya nakita ang costume niya dahil tiwala naman siya kay Torrance. Ngunit hindi niya inaasahan na ganoon pala ang kalalabasan ng kanyang costume.
Well, maganda naman ang suot niya. Its just that…
“Don’t you think it’s a little ah… sexy?” Tinakpan pa niya ang kanyang cleavage na medyo makikita na sa see-through neckline niya.
“Nah, okay lang. bagay nga sayo eh,” wika ni Torrance.
“Its sexy pero desente namang tignan, Saiyah-chan,” segunda ni Chiaki.
“Oh, wow! What do we got here,” napasipol pa si Jessie na kakatapos lamang magbihis. “Saiyah, that looks so good on you. Truly a goddess, except that you are Lezura, the witch.”
“My King, you are looking too much at her boobs samantalang nandito naman ako,” sabi ni Millarey na noon ay kararating lamang mula sa pagbibihis.
Napatili si Chiaki. “Oh my God! Kaichou! Angganda mo!”
“Yes, you too, Chia.”
“But Saiyah, no joke. You slay that costume. Bagay na bagay sayo.”
“What if I slay that eyes of yours, pervert king? Huh?” buwelta niya kay Jessie.
“Tama na nga iyan. Nakita niyo na ba si Jeanny?”
“Oh there she is.”
“Wow, angganda ng suot niya.”
“At angganda-ganda niya din.”
“Hi guys,” bati ni Jeaany nang makalapit. “Torrance, thanks sa costume. Nagustuhan ko sobra.”
“Yes. Mabuti naman nagustuhan mo.”
“Yeah, and the second gown too is so gorgeous.” Dalawa kasi ang costume ni Jeanny, sa bandang huli nito isusuot ang mas bongga pang gown nito. “Medyo kinakabahan ako pero nakikita ko namang maganda ang kalalabasan ng role play natin.”

YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?