Chapter 5

33 6 26
                                    

“Hindi mo kasama si Torrance?” Tanong ni Millarey kay Saiyah.

“Sinamahan niya ang mga kaklase ko na magdesign ng bulletin board,” sagot ni Saiyah habang abala sa pagti-take note mula sa binabasang libro. “Torrance loves doing those things. I’m sure maganda ang kalalabasan ng ginagawa nila.”

“Yeah, but not coming here samantalang nandito naman tayo?”

Nag-angat ng tingin si Saiyah upang tignan ang mga kaibigan. Kasama niya sina Millarey, Chiaki at Asheron. Okupado nila ang isang mesa sa library. May meeting daw kasi ang mga faculty member kaya wala silang klase sa umaga.

“Don’t tell me, talagang ayaw niya dito?” Tanong pa ulit ni Millarey.

“Torrance-chan said she cant relax in here,” ika naman ni Chiaki. “I don’t know what she meant.”

She just gave out a sigh. “Baka daw kasi marinig ng librarian ang paghinga niya at pagalitan siya. She thought she cant talk in here. Ang totoo hindi lang niya mapigilan ang magsalita ng malakas.”

“And she said I am the loudest here,” wika ni Chiaki habang tumatawa ng mahina. “Baka.”

“Wala din si Jessie.” Nilingon ni Millarey ang tahimik na si Asheron. “Nasaan ang haliparot na iyon?”

“Hindi ko pa siya nakikita,” maikling sagot ni Asheron pagkatapos ay bumalik na ito sa hilig nitong gawin, ang manahimik.

“Baka nagpapacute nanaman iyon sa mga babae.”

“Aish… That guy should just get a girlfriend. The serious type.”

“Miles, you know na si Jessie ang sira-ulo. Kahit na makakilala siya ng seryosong babae, titingin pa rin sa iba ang unggoy na ‘yon.” Isinunod ni Saiyah ang isa pang libro upang basahin. “Jessie thinks he is made for all the women to consume.”

“Consume? Ano siya pagkain?” Umingos si Chiaki. “I wonder why those girls really go after that pervert. Hentai.”

“I know right,” sang-ayon niya.

“Well, you know, he is really charming. Nakakatawa lang dahil hindi naman alam ng mga babaeng iyon na isang lampa si Jessie.”

Mahina silang tumawa sa sinabi ni Millarey. Natigil lang sila nang marinig nila ang biglang pagtaas ng boses ng librarian sa di kalayuan.

“Hala, may pinapagalitan yata si Ma’am Arinas?”

“Most likely,” sagot ni Chiaki kay Millarey.

“Kawawa naman kung sino man iyang pinapagalitan niya,” mahinang sabi din ni Saiyah.

“You know the rules here Mr. Santillan. Hindi puwedeng tumagal ng lampas isang linggo ang panghihiram ng libro. Pero ikaw, lampas dalawang linggo na sayo ang aklat na iyon. It’s also the reason why you are avoiding this place, right? Ngayon nasaan na ang hiniram mo?”

Habang pinakikinggan nilang magkakaibigan at ng iba pang mga estudyante ang panenermon ng librarian ay kinukutuban naman si Saiyah. Diyata at kilala niya ang taong pinapagalitan ni Mrs. Arinas.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap upang masilip ang taong iyon. At hindi nga siya nagkakamali.

(Si Kyouhei!)

“I’m sorry ma’am. Papalitan ko na lang po ang librong nawala ko.”

“Akala mo ba may makikita ka pang ganoon ngayon? Iilan na nga lang ang aklat na ganoon dito, mawawala pa ang isa.”

Sinalakay ng libo-libong konsensya si Saiyah habang lihim na pinapanood ang kalagayan ni Kyouhei. Sigurado siyang ang librong nasa kanya ang hinahanap ng librarian.

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now