“Oh, it’s a pretty day…” Minsan pang napahikab si Saiyah bago muling itinuwid ang tingin sa daan. Napansin niyang nagpupunta na ang mga estudyante sa quadrangle para sa weekly flag ceremony kaya doon din siya pupunta.
Lunes nanaman at tila mabilis lang na lumipas ang weekend. Saglit niyang naalala ang pinasyalan nilang hotel and resort ng uncle ni Jessie. Napakasarap magrelax sa mga ganoong lugar.
(Lalo na kung libre…)
“Sana makapasyal ulit ako doon.” Naglalakad habang nangangarap na si Saiyah na nasa spa ulit siya doon. “That would be very nice.”
Natigil ang pantasya niya nang mapansin niyang hindi na siya nag-iisang naglalakad. Kasabay na niya si Kyouhei.
“Is this yours?” Itinaas nito ang bagay na hawak.
Agad niyang hinawakan ang mahabang buhok. Her hair tie was no longer at the end of her hair. “Oh, sa akin nga iyan.” Dinampot niya ang ponytail niya sa kamay nito. “Thank yah.”
She looked at him sideway while walking. Its just a little new to see him this early. Mukhang kokompetensiyahin pa nito ang ganda ng sikat ng araw dahil sa kakisigan nito. He was looking dazzling this morning and more dazzling when he matched her stare.
“Pupunta ka ba sa quadrangle?” Tanong nito.
“Oo naman,” sagot niya at inilagay ang kanang kamay sa dibdib. “I am a proud Filipino. Nadadagdagan ang pagmamahal ko sa bayan kapag sumasaludo ako sa ating watawat.”
He smiled lopsidedly. “Ang dami mo pang sinabi.”
“Ikaw, pupunta ka?”
“Of course. Pero ichecheck ko muna ang attendance ng bawat year level ng department ko.”
“Wow feeling leader ka talaga ha.”
“I didn’t ask for it. I got nominated and the last thing I knew, ako ang napili.” Hinaplos nito ang batok. “Its a little pain in the neck.” Pagkatapos ay tumingin ulit ito kay Saiyah. “Kaya huwag kang papayag na maging representative ng department niyo.”
“Anong akala mo sa akin? Hindi ko kayang maging leader?”
“Ikaw ang nagsabi niyan.”
“Tse. Diyan ka na nga. Bahala ka sa buhay mo, leader.” Tinalikuran na niya ito upang hanapin din ang linya nilang magkakaklase. Ngunit bago siya nakahakbang ay pinigilan siya nito.
“Wait,” he said while holding her wrist.
“Hmm?” Tanong niya pagharap niya. “What?”
Binitiwan nito ang kamay ni Saiyah at ngumiti. “Maglunch tayo mamaya.”
“Huh?” Napakurap-kurap siya habang nakatingin pa rin sa mukha nito. “Lunch?”
“Yeah.”
Nakakapanibago ang pagyayaya nito nang hindi pinipilit. Nakakapagtaka lang talaga.
Wait lang, hindi kaya… “Isasama mo ba si Hak?” masayang tanong niya.
His smile faded. “Never mind, forget it.” And then turned away.
What was that? “Hey! Sige na yayain mo siya para sa akin.”
“Nope, ikaw na lang ang magsabi sa kanya.”
Naiwan si Saiyah na nakatingin sa likod ni Kyouhei. “Mababaliw talaga ako sa taong iyon.” Napailing na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad para hanapin ang mga kasama.
Naihilamos naman ni Kyouhie ang kamay sa mukha. “Just what the heck am I thinking?”
Hindi na lang sana niya aalalahanin ang request ng babaeng iyon ang kaso namataan naman niya ang taong iyon na alam niyang ikakatuwa ni Saiyah na makasabay kumain.

YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?