Chiaki happily dismounted from her scooter. As expected, nasa baba na ng apartment nito si Asheron. Naghihintay na sa kanya.
“I’m impressed. You’re on time.”
She had a smug smile while looking at her watch. Sakto ngang five-fifteen ng umaga.
“Kailan ba ako nalate sa araw ng birthday mo?”Ngumiti din ito sa kanya. Kaarawan ngayon ni Asheron, gaya ng nakagawian nila, ibibigay niya ang regalo para dito sa eksatong oras ng pagkapanganak nito.
“I see, you didn’t sleep last night.” Itinuro niya ang mata. “You have bags in here.”
“Alam ko kasi na makakatanggap ako ng regalo ngayon, so I’m a little excited," Asheron said, smiling shamelessly.
“So its only the gift that’s why you’re hyped up, huh?” Namaywang siya at napatingin sa paligid. “Samantalang ilang araw kong pinagisipan ang ireregalo ko sayo ngayon. Oh god. Nawala na ang excitement ko.”
Tatawa-tawang humawak ito sa balikat ni Chiaki. “I appreciate you and your gift, Chia. Arigatou-gosaimasu. Now , hand me the gift so I can get back to my bed.”
Whats with him being so cute already early in the morning?
Inilabas niya ang regalo na mabilis na kinuha ni Asheron.
“This must be expensive. Alam mo namang hindi ako tumatanggap ng cheap na regalo.”
That’s another joke. Wala namang reklamo si Asheron kahit anong regalo ang matanggap nito. Masaya na ito kapag ganoong nakakatanggap ng regalo.
Kitang-kita ang saya sa mukha nito nang mabuksan ang maliit na kahon.
“You like it?” Tanong niya. Binigyan niya ito ng isang bracelet na may pendant na half moon.
“Not much,” sagot ni Asheron samantalang nakasuot na agad sa kamay nito ang bracelet. Nakangiting tumingin ito sa kanya. “I love it. When did you have a good taste? Huh?”
“Of course I have to pick the best for you.”
Wala naman kasi siyang magagawa dahil mahal niya si Asheron. Kaya lahat ng makapagsasaya dito, ibibigay niya. Dahil para kay Chiaki, kulang pa iyon sa mga ginawa ni Asheron para sa kanya. Dahil pinili siya nito. Pinili nitong manatili sa kanya.
Mayamaya ay umangat ang kamay ni Asheron papunta sa kanyang ulo. He pulled her towards his chest.
“Asheron-kun?”
“I have to hold you like this, so you wont see my blushing face.”
Mahina siyang natawa habang nakasubsob sa dibdib nito. “Usotsuki. Kelan ka naman natutong magblush?”
“Just recently,” tugon nito. Ipinatong nito ang baba sa ulo ni Chiaki. “Angbango ng shampoo mo.”
“Hindi pa ako nakakaligo.”
“Hmm? Sabi ko na nga ba.”
They both laughed. It’s the moment like this when her heart could almost explode because of happiness. Sa mga ganitong pagkakataon gusto niyang magtapat kay Asheron. Ngunit pinipigilan niya ang sarili. There was no better relationship than this. Ayaw niyang masira ang lahat dahil lang sa nararamdaman niya.
“Ash, napili ka ng official player ng basketball team di ba?”
“Yeah,” sagot ni Asheron. Hawak pa rin nito si Chiaki sa balikat. “Ikaw? Napili ka bang official player sa volleyball?”
“Hindi pa. Kumpleto pa kasi ang mga player ngayon. So I am just an added bench warmer for now. Di gaya mo na makakapaglaro na next sem.”
“I’m sure they will soon see your potential.”
YOU ARE READING
Reaching For Love
Roman d'amourWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?