And when he smiled at me, the world suddenly turned into a different color. The kind that I never thought there was; the kind that my eyes only wanted to see.
The color that he gives to me.Chapter 2
Madalas gugulin ni Saiyah ang bakanteng oras sa library kapag ganoong wala siyang klase. Hindi niya naisama si Torrance dahil mas gusto daw nitong magcomputer kaysa ma-suffocate sa istriktong atmosphere ng library. Medyo masungit kasi ang librarian.Kanina nga ay nasaksihan niya ang panenermon nito sa ilang mga estudyante. Hindi na lang niya inalam kung bakit, baka kasi madamay pa siya at masermunan din dahil sa pag-uusisa. Mabuti na lang at hindi niya kasama si Torrance. Mahilig pa naman umusisa ang Briton na iyon sa mga ganoong bagay.
Isang libro ang nakakuha sa kanyang atensiyon. Kinuha niya iyon upang masiguradong hindi siya nagkakamali.
"Oh it's the real thing," bulong niya habang hawak ang kontrobersiyal na librong iyon. Tinignan pa niya kung may katulad pa iyon. As expected, nag-iisa lang ang libro.
Into the real world of cannibalism.
Iyon ang title ng kontrobersiyal na libro. Nabasa niya dati na ipinagbawal ang naturang libro dahil sobra itong photographic. Sinabi din ng author na totoo ang lahat ng pangyayari doon, na ito mismo ang nakasaksi.
Natatakot tuloy siyang buklatin iyon.
Naramdaman niya ang presensiya ng isang tao mula sa kanyang likod. Nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa hawak na libro kaya hindi niya pinansin ang taong iyon."Into the real world of cannibalism?" Wika ng lalaking nasa likod ni Saiyah.
Hindi siya sumagot. Nakatingin pa rin siya sa hawak na libro na hindi pa rin niya tinatangkang buksan.
"I didn't know our library possesses that book. Akala ko ipinagbawal ang librong iyan dahil sa brutal at hindi kapanipaniwalang mga pangyayari. Alam mo ba na mayroon lamang iyang siyam na kopya sa buong mundo?"
Sino ba ang taong ito na nangingialam sa buhay ng gaya niyang nananahimik sa isang tabi?
Saiyah smirked while still looking at the book. "Actually, there are eleven copies of this book," pagtatama niya sa sinabi nito. "Dalawa lang ang ganitong libro sa buong Asia. One is in Thailand at ang isa naman ay nandito sa Pilipinas. Pero sinong mag-aakalang narito pala ito sa library natin?"
"And where are the other copies?" tanong ng lalaki.
"Probably nagkalat sa buong mundo ang siyam pang kopya."
"You're good. Typical sa mga book geek."
She smirked again. "And you shouldn't be going around saying wrong information." Napairap pa siya. Doon na niya hinarap ang taong kausap. At kung kaya lang niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya, ginawa na niya. Dahil ang tao palang kanina pa nasa kanyang likod ay walang iba kundi si Hak!
(Oh my God!)
Shit! Saiyah! Talk! Say something! Say! Something!
"A-ah... eh..."
Damn! But she cant talk! Lalo na ngayong nakangiti sa harap niya ang crush na crush niyang si Hak. Was he always handsome up close like this? Alam naman niyang guwapo na talaga ito, pero mas guwapo pala ito sa malapitan. And he was really tall and her heart was beating so fast that she cant think of anything at all.
"Are you okay?" tanong nito.
Kinausap siya ni Hak! Kinakausap siya ni Hak!
Nabitiwan tuloy niya ang libro. Iyon marahil ang kanyang sagot.
Nakasunod ang kanyang tingin sa ginawa nitong pagyuko at pagpulot sa libro. And then he smiled at her again. And again, nawala nanaman sa katinuan si Saiyah.
YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?