Chapter 22. 5

11 1 0
                                    

"And babe, let the time crumbles to the ground because I'm not letting any moment or any chance to pass. Believe me love, this time its real. Ohhh let me have your heart again I promise you this time it will never end..."

"Trick! Mahal kita Trick!" Halos ngumawa si Saiyah sa huling kanta na iyon ng Euphonics.

"Thank you so much guys for having us here! We are really overwhelm dahil sa dami ninyo ngayon!"

Lalong nagsigawan ang mga tao. Gaya ng inaasahan, dinagsa ng marami ang performance ng Euphonics. At kahit nga isang oras lang iyon ay talagang sulit na sulit naman. At heto nga at matatapos na sila.

"Grabe, angguwapo ni Trick!"

"Haaay, nako Saiyah. Inspired nanaman ako ng buong sem dahil nakita ko sila."

"Ureshii!"

Magkakasama sina Saiyah, Torrance, Millarey, Chiaki at Asheron. Wala si Jessie marahil ay kasama nito si Jade. Wala din si Kyouhei.

"Angtigas talaga ng ulo ng Kei na iyon," gigil na sabi ni Millarey.

"Bayaan mo nga iyong tao, Miles." Tumayo si Saiyah. "C.R lang ako ah?"

"Sus! Natapos lang ang Euphonics, aalis ka na!"

"Kahit sumama ka pa sa akin Torrance."

"Sige na Sai, kapag nakita mo si Kei isama mo siya dito para mabatukan ko."

Nagpunta si Saiyah sa C.R. sa labas ng stadium. Habang palabas na siya ay nakasalubong niya ang ilang estudyante.

"Waah! Grabe talaga si Trick ano? Angguwapo niya!"

"Angganda pa ng last song nila, akala ko maiiyak ako."

"Reev is so hot!"

"So does Dylan! And God! Angganda talaga ni Carra."

Nilampasan lamang ng mga ito si Saiyah. Samantalang kahapon lang ay nagpapicture ang mga ito sa kanya.

"Hindi lang ako nakacostume at nakamake-up, hindi na nila ako nakilala?" Umiling na lamang siya at naglakad.

Although okay lang naman iyon. Hindi siya sanay na pansinin siya ng mga tao gaya noong kahapon. Sa patuloy niyang paglalakad ay namataan niya si Kyouhei.

Napangiti tuloy siya. "Kyouhei!" Tawag niya saka ito nilapitan.

"Yo."

"Hinahanap ka ni Miles, babatukan ka daw niya."

"That's more reason to avoid her."

"Hindi ka kasi nanood eh."

"Nanood ako. Kasama ko ang mga classmates ko. Sa dami ng tao hindi ko kayo makita kaya hindi ko na kayo hinanap."

"Eh di sana nagtext ka sa akin, pupuntahan naman kita eh."

Napalingon si Kyouhei kay Saiyah. "You will do that? How sweet."

"Oo naman, yes! Friends tayo eh."

"So... babalik ka pa ba doon sa loob?"

"Hmm, yeah. Ikaw? Hindi na?" Nagtaka pa siya dahil tinitigan siya nito.

"Come on, sumama ka muna sa akin," yaya ni Kyouhei.

"What? Saan?"

"Basta. 'Lika na."

Hindi man sigurado si Saiyah kung saan siya nito dadalhin ay sumama na rin siya. Ang alam lang niya, masaya siya kapag kasama niya ito. Bakit? Saka na lamang niya aalamin kung bakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now