Chapter 9
"Conan?! O my God! Ikaw nga!"Naglalakad ng mag-isa si Torrance upang hanapin ang kaibigan nang makita niya ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Conan Residas. School mate niya ito noong high school.
"My gosh! Hindi ko alam na dito ka din nag-aaral!"
Conan laughed at her. "Hindi ka nagbago, Torrance. Napakatahimik mo pa rin!"
Malakas din siyang tumawa sa sinabi nito. Hindi man sila magkaklase noon dahil ahead ito ng isang taon pero nagkaroon sila ng maraming pagkakataon na magkasama sa mga activities. Nagpapicture pa nga silang dalawa noong graduation nito sa high school.
Masayang-masaya talaga siya sa pagkakaalam na nasa iisang unibersidad silang dalawa.
"Grabe. Hindi ka gaanong nagbago, Conan. Atleast tumangkad ka ngayon."
Simple pa rin ito gaya noong high school, although mapapansin na guwapo ito sa kabila ng pagiging simple nitong manamit. At napakaaliwalas palagi ang ngiti nito."On the other hand, you changed quite a lot, Torrance. Mas lalo kang gumanda!"
(Jeez, eenglisan nanaman ako ng isang 'to.)
"Anong kurso mo?" Tanong niya.
"Computer engineering."
"Ah, sabi ko na nga ba." She can remember how good he was in computer commands back then.
"HRM naman ako."
"HRM? Wow. So hilig mo pala ang magluto. Naalala ko dating magaling ka sa paggawa ng mga bagay akala ko kukuha ka ng engineering course."
Natawa siya. "Hindi kaya ng ulo ko ang kursong iyon."
Napatingin sa paligid si Conan. "Napapalingon pa rin ang mga lalaki sayo, hanggang ngayon. You've gotten prettier than the last time I saw you."
"Ayah! Tigilan mo nga ako." She inch a little closer and whispered to him. "Wala naman akong pakialam sa mga ganyang atensiyon."
"Hindi ka nga talaga nagbago, Torrance. Wala ka pa rin bang nagugustuhan hanggang ngayon?"
"Hmmm. Wala. Hehe."
"You're really something."
"Ikaw?" Nanunuksong nginitian niya ito. "May nagugustuhan ka na ba?"
His face suddenly turned red while he was looking at everywhere but her face.
Oh... so his youthful year was beginning. Naalala niya kasing may pagkamahiyain dati si Conan kahit na matalino ito at may itsura.
"Ah... medyo nagkakaproblema nga ako ngayon sa isang babae." Nahihiya itong napatingin sa kanya. "I don't know how to talk to her when she is around. She's really nice and pretty and heck, she's very popular. Men gather around her..."
Marami pa itong sinasabi na hindi na nasundan ni Torrance dahil iisa lang ang nasa isip niya.
(Para siyang si Saiyah na hirap na hirap ding kausapin si Hak.)
Yeah, it felt like she was seeing a male version of Saiyah.
"Pero mabait siya dahil kinakausap niya ako madalas at nginingitian niya din ako. Last year she was hailed as the prettiest face of the school at matalino din siya."
Para nga itong si Saiyah na nagkakagusto sa isang sikat na estudyante sa eskuwelahan.
"Mas maganda kung kaibiganin mo muna siya." Gaya ng ginagawa ni Saiyah. "Atleast kinakausap ka niya, kaya huwag kang papatay-patay kapag nasa paligid siya." Huwag mong gayahin si Saiyah na kinailangan pang humingi ng tulong sa iba. "Kausapin mo lang siya. Malay natin di ba?"

YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?