Chapter 3

53 8 35
                                    

Nasa opisina ng student council si Saiyah at ang kanyang mga kaibigan pagkatapos ng kani-kanilang klase. Malaya silang nakakapapunta doon dahil kaibigan nila si Millarey. Naroon silang magkakaibigan maliban kay Jessei na marahil ay may klase pa o kaya naman ay nagpapagala-gala nanaman at naghahanap ng mabobolang babae.

"Oh? Saiyah, kumusta naman pala ang pag-uusap niyo ni Kei?" tanong ng katabi niyang si Torrance. Inaayos nito ang mga fresh roses sa isang vase. "Okay ba? Pumayag ba siya?"

Napatigil siya sa binabasang libro nang maalala ulit ang bigo niyang pagkumbinsi sa taong iyon.

"Unfortunately hindi daw sila magkaibigan ni Hak. Kaya hindi daw niya ako matutulungan."

"Oh, that's sad," wika ni Chiaki na nakaupo sa kaharap niyang couch. Sa tabi naman nito ay Asheron.

"Hindi sila magkaibigan?" Tanong din ni Millarey.

"Magkakilala lang daw sila dahil dati silang schoolmate," sagot niya. "I wasted so much energy while talking to him, sana sinabi na lang niya agad." Naguguluhan kasi siya dahil hindi niya makalimutan ang ginawa nitong pagngiti sa kanya. Ewan ba niya, pero habang tumatagal ay nare-realize niyang guwapo nga talaga ang Kyouhei na iyon.

Nagkibit-balikat na lamang siya. "Di bale na nga. Mag-iisip na lang ulit ako ng ibang paraan kung paano ko malalapitan si Hak."

"You can do it, Saiyah-chan! I'll support you all the way!"

"Ayusin mo muna ang lenggwahe mo bago ka sumuporta ng ibang tao," pang-aasar ni Torrance kay Chiaki.

"Urusai."

"Ano daw? Samurai?"

Tinawanan lang ni Chiaki ang inosenteng si Torrance.

"She said shut-up," paliwanag naman ni Asheron.

"Ah, shut up pala ha? Eh kung ipakulam kaya kitang haponesa ka, ha? Type mo?"

Chiaki held out a peace sign with a bright smile. "Sumimasen!"

"Bumalik ka na lang sa planeta mo. Iwanan mo kaming mga nomal dito." Binalikan nito ang ginagawang pag-aayos ng mga bulaklak sa vase.

Ilang segudo silang tahimik nang biglang magsalita si Asheron.

"Dry nanaman ang buhok mo, Chiaki."

"'Pansin mo? Oo nga eh."

Napatingin sina Saiyah at Torrance sa dalawa. Hawak ni Asheron ang buhok ni Chia habang ini-eksamen iyon.

"Araw-araw ka nanaman sigurong nagsha-shampoo."

"I cant help it. Araw-araw tayong may pasok. Weekends lang ako hindi nagsha-shampoo."

Inilapit ni Torrance ang mukha kay Saiyah at saka ito bumulong. "Tatay ba ni Chiaki si Ash?"

"More like nanay," bulong din niya. "I heard Ash also does her manicure at ginugupitan din niya ng buhok si Chia."

"Ah? Ganoon ba?" bulong nanaman ni Torrance. "Hindi ko tuloy alam kung husband material itong si Ash or what?"

"Or what," tugon niya.

"Asheron gives me the creep," bulong ulit ni Torrance. "Hindi kaya kasama siya sa federation?"

She wondered too. "Huwag kang maingay, baka marinig ka niya, Ten footer," biro ni Saiyah sa malaking paa ni Torrance.

Umingos sa kanya si Torrance. "Nine and a half lang ako, gaga."

Bumaling ulit siya sa dalawang magkaibigan. They were really cute. Iilan lamang ang kilala niyang lalaki at babae na magkaibigang matalik, Asheron and Chiaki's friendsip was gold.

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now