Chapter 6

31 6 27
                                    

Nagulat na lang si Saiyah nang bigla siyang inakbayan ni Kyouhei mula sa kung saan. Hindi lang iyon, napakalapit pa ng kanilang mga mukha. At tila nalulunod siya sa titig nito. Alam na niyang maganda ang mga mata nito ngunit may mas igaganda pa pala ang mga iyon kapag nakangiti ito.

(What’s with him suddenly appearing from nowhere?)

At bakit ba tila kakaiba ang pakiramdam niya habang magkalapit sila ng ganoon?

“What the hell?” Tanong niya pagkatapos ay tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang balikat. “Ano bang pumasok diyan sa ulo mo at bigla ka na lang nang-aakbay?” Hindi naman ito si Jessie. Si Jessie lang ang gumagawa ng ganoon.

“Don’t frown at me when Im about to make you a favor.”

Lalong kumunot ang kanyang noo. “Ano?”

“First.” Inayos muna nito ang mga dalang libro. “You need to make sure na relax ka ngayon.”

“What? Paano ako makakarelax ngayon eh ginulat mo ako kanina?” Wala siyang kaide-ideya sa ano mang sinasabi ng Kyouhei na ito.

“Oh e di chill ka lang.” Lumingon pa ito sandali sa pinanggalingan bago muling tumutok kay Saiyah. “Huminga ka para mawala iyang nerbiyos mo.”

“Ano bang pinagsasasabi mo?”

“Sumunod ka na lang.”

The funny thing was, kahit hindi siya sigurado sa sinasabi nito ay lihim namang sinusunod ni Saiyah ang utos nitong huminga siya. Nagulat kasi talaga siya sa biglaang pagsulpot nito sa mukha niya. Hindi lang iyon, ramdam pa rin niya ang init dala ng pagkakaakbay nito sa kanya kanina.

“Okay ka na?” Tanong pa ulit nito.

“Puwede ba? Sabihin mo na lang iyang kinasasabikan mong bagay diyan—huh?”

Pinasa nito sa kanya ang hawak nito kaninang mga libro. Anim na makakapal na libro na maganda sanang itambak sa mukha ni Kyouhei kung kaya lang niyang iangat ang mga iyon. Mabigat.

“Ano ba? Kyouhei?”

Ngunit inihawak lamang nito ang dalawang kamay sa kanyang mga balikat at nakangiting nagsalita.

“Listen to me. Whatever happens, you have to pull your self together and talk.”

“What are you saying—“

Inikot siya nito at pinaharap sa direksyong pinanggalingan nito kanina. Mula sa isang classroom ay lumabas doon ang isang lalaki na okupado din ng mga librong hawak nito.

“Ha- Hak…”

Bumulong sa kanya si Kyouhei. “Thank me later.”

Ito ba iyong pabor na sinabi nito? Teka lang, bakit kailangan pa niyang dalhin ang mga librong iyon. Angbigat ha?

Lumapit na si Kyouhei kay Hak.
“Kei?” Tanong ni Hak.

“Pasensya na, may naalala akong gawin,” pagdadahilan naman ni Kyouhei. “Anyway, siya na lang ang tutulong sayo.”

And then he just walked and left them nang hindi man lang lumilingon sa kanya.

Ngumiti naman si Hak habang palapit na sa kanya. “Sorry to bother you. Kung okay lang, puwede bang tulungan mo akong dalhin ang mga ito sa library?”

Hak’s smile… Hak’s voice… Hak’s gentle stride… Hak is here!

Muntik na niyang mabitawan ang mga dala nang maalala niya ang mga sinabi kanina ni Kyouhei.

PULL YOURSELF TOGETHER AND JUST TALK! JUST FREAKING TALK!

Tumikhim muna siya. “Ah, yeah. I don’t mind. Okay lang.”

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now