Chapter 20.5 (Extra Chapter)

20 1 0
                                    


Author’s Note:
So yeah, idadagdag ko ‘to making it sub-chapter of chapter 20. Medyo mahaba na kasi ang chapter 20 kapag idinugtong ko pa ito at medyo maikli ito para gawing another chapter. That’s all, happy reading!

And sorry din po sa slow update, medyo busy po ^___^

Vote and comment! Thanks!

JeannyDelaCuesta, Jeanny my friend you are still here!

P.S.
vellcraze12! Thank you so, so much for the book cover! It meant a lot!

*************************************************************************************

*As the preparation for the role play continues…*

“Wow! Natapos mo na ang sketch ng mga costume, Torrance-chan!” Sabik na tinignan ni Chiaki ang sketch notebook ni Torrance. “Kakkoi!” (Amazing!)

“Ayos ba?” Nagmamayabang na tanong ni Torrance.

Maluha-luha sa kasiyahan si Chiaki. “Oh my… oh my…” Binuklat pa nito ang sketch notebook upang tignan pa ang ibang costume. “My god…”

“Eh… okay ka lang ba, Chia?” Tanong tuloy ni Torrance. Para kasing bubuhos na ang mga luha ni Chiaki ano mang oras.

“Torrance-chan… We are going to wear these? Oh my God… this is like cosplaying.” Napahawak pa sa dibdib si Chiaki. “I am so excited, my heart wont stop going crazy.”

Napakamot na lang ng ulo si Torrance habang pinagmamasdan ang nahihibang niyang kaibigan. Truly, Chiaki is someone who defies comprehension all the time.

“Then, I get to see them wearing these elegant costumes. Ureshii… Totemo ureshii!” (Im happy, I am so happy.)

Lalo na kapag nagsasalita na ito ng kakaibang lenggwahe. She defies comprehension, indeed.

Dalawang kamay na ni Torrance ang nasa kanyang ulo. “Magkaka-migraine ako sayo, Chia. Akin na nga iyan.”

Chotto matte, hindi pa ako tapos—“

Hinawakan na ni Torrance ang hawak nitong sketch notebook. “Amin na nga.”

“Hindi pa nga ako tapos.” Mahigpit ding hinawakan ni Chiaki ang notebook.

“Ipapakita ko din sa iba,” pilit ni Torrance.

Naghilahan silang dalawa sa notebook hanggang sa makabitaw si Chiaki ng biglaan. Hindi tuloy nabalanse ni Torrance ang sarili at napaatras.

“Hya—“ Akala niya ay matutumba siya ngunit may nabunggo siya sa kanyang likod kaya napigilan niya ang sarili.

“Ack—“

Angkaso, ang taong iyon naman ang halos masubsob sa semento.

Nakatakip ang dalawang kamay ni Chiaki sa bibig nito. While Torrance was clutching the notebook tightly on her chest as if her entire life depended on it. And then she looked at that person.

“My gosh, Torrance!” Sigaw ni Jessie pagtayo nito. “You almost pushed me to my death. Akala ko mababagok ang ulo ko sa semento.”

True. Mabuti na lang at napigilan nito ang pagbagsak sa pamamagitan ng dalawang kamay nito kanina. Although, nadapa pa rin ito.

“Sorry, hindi ko sinasadya,” labas sa ilong niyang sabi. “Eto kasing si Chia, hindi nag-iingat.”

Napatingin tuloy si Jessie kay Chiaki.

Reaching For LoveWhere stories live. Discover now