Pakiramdam ni Saiyah ay para siyang isang ina na nahuli ang anak na naglalaro ng computer pagkatapos nitong sabihin na may sakit ito habang tinitignan si Kyouhei na nakasalampak sa sahig. Mukha ngang wala na itong sakit di gaya kanina na halos himatayin ito sa bench.
Her hand was on her waist. “May sakit ka ba talaga? Bakit naglalaro ka na diyan?”“I feel better now. Kailangan ko lang ng kaunting pahinga. That’s all I need,” sagot nito habang nakatingin sa monitor ng computer.
“Eh iyon naman pala eh, bakit kailangan pa nating pumunta dito? Puwede ka namang magpahinga sa clinic?”
“Ayoko doon. The young nurse is so annoying. What’s her name again? Cris? Crisle… whatever, she’s so annoying.”
Criselda!
“Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang pasukan ang klase mo.” Itinuro niya ang pagkaing dinala niya sa kuwarto nito. “Kumain ka muna.”
(Bago ko ipakain sayo ‘yang computer.)
Now look at that. The mighty Kyouhei Santillan, after all was just a normal person playing computer games. Akala niya ay puro lang ito aral kahit nga medyo tamad ito. At kanina nga lang ay nakita niyang halos mamatay ito sa iniindang panghihina dahil sa anemia. Why everything about him still surprised her, every single time.
Yeah, Kyouhei was just an ordinary person living alone in a huge high class condo unit.
“Hindi ka ba kakain?” Tanong ni Kyouhei na noon ay kumakain na.
“Naglunch na ako kanina.”
“Baka ayaw mo lang tikman ang luto mo.”
“I’m pretty confident with my skill, you know.”
“Okay,” wika nito bago humigop ng sabaw at muling tinignan si Saiyah. “You should eat too. Sayang, masarap pa naman itong niluto mo.”
Hindi na siya nakatanggi nang iabot nito sa kanya ang serving spoon. Kung sabagay, kagana-gana nga naman ang mukha ni Kyouhei habang masigla itong kumakain.
“May gusto ka bang itanong sa akin?” untag ni Kyouhei.
Napatingin siya dito pagkatapos niyang humigop ng sabaw. “Yeah. May ESP ka ba? Paano mo nahulaan ang nasa isip ko?”
“Iyon na ba iyong tanong mo?”
“Nasaan ang pamilya mo?” Kanina pa kasing iyon ang gumugulo sa isip niya. Sa lawak ng condo nito parang ito lang ang tao doon. “May family house ba kayo? Doon sila nakatira?”
“Nasa America sila. Ako lang ang nandito.”
Kung ganoon, mag-isa nga talaga ito. Wasn’t that a little lonely?
“My mom is a professor in college. May ari naman ng hotel chains ang papa ko. Matagal na silang nakatira sa America.”
(Oh. Rich… really rich.) “May kapatid ka?”He nodded. “I have one older brother. He’s a lawyer. Nandoon din siya.” Tila napaisip pa ito sandali. “And yeah, I have a younger sister.”
“Bakit parang muntik mo ng nakalimutan na may sister ka pa?”
Ngumiti ito. “We had a little fight before they left. Pinipilit niya akong sumama pero tumanggi ako. She said makakalimutan daw niyang may isa pa siyang kuya kapag hindi na kami magkikita… so yeah inuunahan ko na siya.”
Saiyah chuckled while chewing. “You’re such a bully. So? Bakit hindi ka sumama?”
“Last year lang nagpasya ang dalawang iyon na gusto nilang mag-migrate sa America para makasama sina mama at papa. First year pa lang ako at umpisa na ng klase. Kapag sumama ako, mag-aayos nanaman ako ng mga papeles ko para sa transfer at magpapaenroll ulit ako. Its such a bother, kaya hindi na ako sumama.”

YOU ARE READING
Reaching For Love
RomanceWho would she reach for? The one with a warm gentle smile or the one with deep captivating brown eyes?