******
No part of this book maybe reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage or retrieval system without the written permission of the author.
This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.
*******
Sa mundo ng mga engkanto at pantasya ay walang imposible. Dito nabubuhay ang mga nilalang na paminsan-minsan ay dumadalaw sa mundo ng mga tao. At isinilang sa mundong ito ang isang pilyang prinsesa ng mga puting dwende na makapagbabago sa mundo ng mga engkanto at ng tao.******
"Putim Redum!"
Once upon a moon sa mundo ng mga engkanto sa kaharian ng Mordavia ay isinilang ang pinakamagandang prinsesa ng mga puting dwende. Lahat ng mga mamamayan ng Mordavia ay nagbunyi dahil mayroon na silang prinsesang tagapagmana ng korona ng reyno. Mula ng mag-asawa kasi sina Haring Ergo at Reyna Raya hindi sila nabiyayaan ng anak. Naging malungkot ang reyno noon. Lahat ay nagdarasal na sana ay magkaroon na silang mamahaling tagapagmana ng reyno.
Limang daang taon pa silang naghintay bago nagdalang dwende si Reyna Raya. Salamat sa kanilang pantas na si Merlo dahil siya ang nagpayo sa hari kung papaano magkaka-anak ang mahal na reyna. Akala ng mga dwende noon ay baog na ang mahal na hari kaya naman laking tuwa nila sa pagdadalangdwende ni Reyna Raya.
*******
Isang araw bago magdalangdwende
ang mahal na reyna ay malungkot na malungkot si Haring Ergo. Hindi siya mapalagay. Balisang-balisa at panay ang lakad niya sa kanyang silid tanggapan. Nang hindi na siya makatiis ay ipinatawag niya ang pantas ng reyno na si Merlo. Isang tagasundo ang nakasakay sa isang dahon ang naghanap kay Merlo. Halos nalibot na ng tagasundo ang buong reyno bago niya nakita si Merlo na nanghuhuli ng tipaklong bundok sa hangganan ng reyno."Mahal naming pantas. Ipinapatawag po kayo ng mahal na hari!" Sigaw ng tagasundo.
"Bakit daw?" Tumayo mula sa pagkaka-upo sa isang malaking bato.
"Aba, ewan ko ho. Ipinapasundo lang po kayo sa akin!" sabi ng tagasundo.
"Haayyy! Nakatitiyak ako dating problema na naman ang sasabihin sa akin ng mahal na hari. Kaunti pa lang itong mga nahuhuli kong mga tipaklong." sabi ng pantas.
"Eh ano ho ang gagawin ninyo sa mga yan?"
"Ano pa nga ba? Eh di iluluto ko mamayang gabi. Sawa na ako sa kabute. Tara na nga!"
Sumakay sila sa dahon at sa isang kumpas ng tagasundo ay umangat ang dahon sa lupa at lumipad. Lumapag sila sa balkonahe ng palasyo. Kaagad na nagpunta si Merlo sa silid tangapan ng hari. Naabutan niya itong palakad-lakad at mukhang balisa nga.
"Mahal na hari, ipinapatawag ninyo raw ako." bungad ni
"Oo Merlo! Naaawa na ako sa aking mahal na reyna. Kailangan na naming magka-anak!" Tumigil siya sa paglalakad at umupo sa isang silya.
"Sabi ko na nga ba. Ikalibong tawag na niya ito sa akin. Hay! Sawa na ako sa kakapayo at kakaisip kung anong paraan ang dapat niyang gawin para sila maka-anak ng mahal na reyna. Teka nga maiba naman. He he he!" sa isip ni Merlo.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.