Verdum Nostrum Kristum!
"Wagas na Pag-iibigan"
--------
Naglakad ang maganda at seksing-seksing babae at dumaan sa tabi ng mesa nina Esper at Direk Guillena. Napatingin silang lahat . Naamoy nila ang kakaibang bango ng babae. Maging ang ibang bisitang mga artista ay nakatingin . May nagbubulungan na kung sino siya. Pati na rin ang mga taong nasa labas ng shop na nakasilip sa mga dingding na salamin. Ang babae ang tinitignan na nila. Lumapit ang babae kina Paolo at Angela. Maging si Kristel ay nagulat ng makita ang babae na biglang tumabi kay Paolo. Ipinokus ng kamera man ang kamera sa babae.
" Hello Paolo. Isa ako sa mga tagahanga na mahal mo rin. At mahal rin kita. Uhmuahh! "
Hinalikan niya sa mga labi ang binata. Nawala sa sarili si Paolo. Naramdaman niya ang halik at kilala niya at alam na iisa lang ang makahahalik ng ganoon sa kanya.
" Prettymini!"
Ngumiti lang ang prinsesa. Itinaas ang sunglasses niya at pinikitan ang binata. Napadilat naman ang mga mata ni Angela.
"Parang nakita na kita. Hindi ko lang matandaan kung saan." sabi ni Angela sa prinsesa.
Ngumiti lang ulit siya.
"Look who's here? Paolo, sino siya? Ang ganda naman niya!" sabi ni Kristel.
" Bye. Paolo. Lover boy ka pala ha!" Sabay talikod ng prinsesa kay Paolo.
Sinusundan siya ng kamera. Naglakad siya papalabas ng shop.
" Teka lang! PRETTYMINI! SAGLIT LANG. MAGPAPALIWANG AKO. " sigaw ng binata.
Napokus kay Paolo ang kamera. Hinabol niya ang prinsesa na nakalabas na ng shop. Lumabas din siya. Nagsisiksikan ang mga tao sa labas. Hindi siya makaraan lalo na ng maglapitan sa kanya ang iba na nagpapapirma ng autograph.
Tuluyan ng hindi nakita ni Paolo si Prettymini. Nawala ang prinsesa sa dami ng mga tao. Nag-alala siyang bigla. Bumalik siya sa loob ng bakeshop. Napokus muli sa kanya ang kamera. Lumapit si Kristeta.
" Paolo, bigla ka nalang umalis. Siya ba ang lucky charm mo?" hindi kumibo si Paolo.
Napa-upo siya sa isang silya. Sumenyas si Kristel sa kamera man na cut na ang pagkuha ng video. Sinunod naman. Lumapit sina Esper at Direk Guillena kay Paolo. Umupo sila sa tabi ng binata.
" Paolo, hindi ba siya yung babae sa Boracay?" tanong ni Esper. Tumango ang binata.
" Napakaganda niya Paolo. Sino ba siya talaga? Saan mo siya nakilala?" tanong ni direk.
" Pasensiya na ho direk. Wala muna ho akong masasabi."
" Okay lang iho, naiintindihan kita. Tinawag mo siyang Prettymini. Kay gandang pangalan. Very pretty siya talaga. Sana maipakilala mo naman siya sa amin next time."
" Kung makikita ko pa ho siya."
" Cheer up Paolo, makikita mo pa siya. Nakita ko sa mukha niya na she loves you. " sabi ni Esper.
Hindi kumibo ulit ang binata. Naging successful ang opening ng bakeshop. Umuwi ang mag-anak halos madaling araw na. Masaya sina Mang Senen at Aling Cely pero matamlay si Paolo na hindi nila napansin. Pagdating sa condo ay pumasok kaagad si Paolo sa silid niya. Umupo siya sa kama. May naririnig siya. Parang humihikbi.
Lumapit si Paolo sa minihouse. Lumakas ang naririnig niyang hikbi." Hum! Hum! Hum!"
"Aking prinsesa, hindi ka naman dapat magtampo. Wala ka naman pong dapat ipagtampo. Alam mo naman na pinakamamahal kita. Ikaw lang at wala ng iba ang laman ng puso ko aking prinsesa."
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.