Kabanata 5 ... Umiibig na ang Prinsesa

182 21 1
                                    

"Lostrum Latrum Verdum!"

"Umiibig na ang Prinsesa"

--------------

LABIS ang tuwa ng prinsesa sa mundo nang mga tao. Hindi niya alam ay unti-unting napapalapit ang kalooban niya sa binatang si Paolo. Mula pa sa pagkabata ay hindi pa siya nakaramdam ng kalungkutan. Maraming nagmamahal sa kanya kahit alam nilang napakapilya niya.

Matapos silang maligo ay gumawa ang binata ng pamingwit ng isda. Kinuha niya ang tansing nylon na may sima sa kahon na pinaglalagyan niya ng sabon. Naghanap siya ng mahabang patpat. Itinali ang dulo ng tansi sa patpat. Pinanonood lang siya ng prinsesa. Naglakad ang binata sa tabi ng batis sa may maputik na bahagi ng pampang. Humukay ang binata. Nakakita siya ng mga tipaklong. Humuli ng isa at tinanggal ang ulo.Tinuhog sa sima. Inihagis ito sa may malalim na bahagi ng lawa at umupo na siya sa isang malaking bato. Maya-maya pa ay gumalaw ang patpat. Hinihila ng nabingwit na isda ang tansi. Hinila ng binata ang tansi at natuwa siya sa nahuli. Isang malaking carpa. Dinala niya ang isda na kakawag-kawag pa sa tansi. Pinatong niya sa isang malapad na bato. Namulot siya ng mga maliliit na tuyong sanga ng kahoy at damo. Inipon niya . Pumili siya sa mga kahoy na mahaba-haba at tinuhog niya ang isda. Isang tuyong sanga ang kiniskis niya ang dulo sa isang bato para tumulis. Nang makita niyang matulis-tulis na ay namulot siya ng malapad na tuyong balat ng kahoy. Nilagyan niya ng tuyong damo. Tinayo niya ang tinulis na sanga sa gitna ng maliit na tumpok ng damo. Pinaikot niya sa kanyang dalawang palad ang kahoy pakaliwa at pakanan. Unti-unting umiinit ang dulo ng kahoy, umusok at nagkakabaga. Hinipan niya ng dahan-dahan ang tuyong damo na nagbabaga hanggang sa magliyab. Nilagyan na niya ng maliliit na tuyöng sanga. Lumaki ang apoy. Kumuha na siya ng malalaking tuyong kahoy at inilagay sa apoy. Kinuha niya ang isda at nagsimula na siyang mag-ihaw. Lahat ng ginawa ng binata ay pinapanood ng prinsesa. Lalo siyang humanga sa binata. Sa kanila kasi, isang kumpas lang may apoy na sila. Nang maluto na ang malaking isda ay kumuha ang binata ng isang dahon ng saging. Ipinatong ang isda.

"Halina kayo aking magandang kaibigan at Onyok, kumain tayo." Yaya niya sa dalawa.

Lumapit ang dalawa. Naamoy nila ang inihaw na isda. Kumurot ang binata sa malamang parte ng isda at nilagay sa harap ng prinsesa. Kumurot ang prinsesa at tinikman.

" Ang sarap naman nito Paolo. " aniya sa binata.

"Ganito ang ginagawa ko matapos maligo rito. " sagot ng binata.

Kumain sila.

" Wala pala tayöng tubig, teka lang. Nostrum Latrum Verdum!"

" Poof!" Isang pitsel na malamig na tubig at mga baso ang biglang lumitaw at may kasama pang mga prutas.

"Ayan Paolo, kain na tayo!Hi hi hi!"

Napangiti at napa-iling ang binata.

" Prettymini, okey lang ang ginawa mo. Sana kapag tayong dalawa na lang ay pwede ka ng mag-magic pero kapag may ibang tao ay huwag mong gawin katulad ng kanina sa bahay. Magtataka sila. Baka iba ang isipin nila. Ayokong may maka-alam tungkol sa iyo at mapasama ka rito sa mundo namin. "

" Opo. Hayaan mo Paolo huli na ito. Itatanong ko naman sayo sa susunod kung pwede o hindi."

" Salamat Prettymini."

Nang matapos silang kumain at makapagpahinga ay pinatay na ng binata ang apoy at umuwi na sila. Malayo pa lang sila sa bahay nina Paolo ng makita nilang maraming tao sa bakuran  at sa kalsada. May dalawang van sa tapat ng bahay. Nakaupo ang prinsesa sa balikat ni Paolo. Nakasakay naman si Onyok sa aso.

"Ayan na pala si Paolo." sabi ng isang kapitbahay.

" Bakit po! Ano ho bang nangyari rito at bakit maraming tao?"

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon