"Verdum Beltrum!"
----------
"Muling Pagkabuhay"
----------Lumabas ang hari sa bulwagan ng palasyo. Tahimik lahat ang mga kawal na nakabantay maging ang mga mamamayang nasa loob ng bulwagan. Ayaw ni Haring Ergo ang nakikitang lumuluha ang kanyang pinakamamahal na anak at makitang unti-unting nawawala ang binata na napamahal na rin sa kanya. Naglakad siya paikot sa bulwagan. Lumuluha siya. Dapat ay tinulungan niya sila ng kinakalaban nila ang mga dwendeng itim. Para siyang nakokonsensiya. Nasasaktan. Patuloy ang ang kanyang paglalakad. Naalala niya ang mga magulang ni Paolo. Isa rin siyang ama at masakit ang mawalan ng anak. Naalala niya ang tuwa nila nang huli silang magkita. Nang biglang may naalala siya. Huminto siya sa paglalakad at . . . .
" MERLO! MERLO!" Sigaw niya. Humahangos na pumasok sa bulwagan si Merlo na nagpupunas pa ng mga luha sa pisngi.
" May isa pang lunas Merlo. Ihanda mo ang karuwahe dali at babalik ako rito."
" Opo mahal na hari. "
Patakbong lumabas ang hari sa bulwagan.
Nakayakap ang prinsesa kay Paolo na lumalamig na rin ang katawan. Hinihimas niya ang mukha ng binata at hinahalik--halikan ang mga labi.
" Paolo, gumising ka na aking mahal! Hu hu hu!"
Bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok si Haring Ergo.
" Buhatin ninyo siya, dali! May isa pang lunas at dadalhin natin siya doon. " atas niya sa mga manggagamot.
Napatayo ang prinsesa. Lumapit ang mga manggamot sa binata at kanila itong binuhat.
" Ama kong hari, saan po ninyo siya dadalhin? Hu hu hu!"
" Sumama ka aking mahal na anak para makita mo."
" Gusto kong sumama aking mahal na kabiyak!" sabi ng inang reyna.
"Sige mahal ko. Tayo na dali. "
Sumunod silang lahat kay Paolo na buhat-buhat ng mga manggagamot. Pagdating sa bulwagan ay nakahanda na ang malaking karuwahe na hila ng walong unicorn. Isinakay ang binata at sumakay na rin silang lahat kasama sina Aling Cely. Inutusan ng hari ang mga unicorn.
" Aking mga alaga ilipad kami nang mabilis "
Lumakad ang mga unicorn ng mabilis at umangat sila sa sahig. Lumipad na ang karuwahe papalabas ng bulwagan.
Mabilis ang lipad ng karuwahe. Agad itong nakarating sa hangganan ng kaharian ng Mordavia. Naka-unan ang ulo ng binata sa mga hita ng prinsesa. Sinusuklay ng prinsesa ang buhok ng binata. Hindi umaalis ang mga mata niya sa kanyang pinakamamahal. Makisig na nakapikit ang binata.
Nakarating ang karuwahe sa isang kagubatang may malalaking puno at higanteng kabuti. Pumasok ito at naglabasan ang mga ada. Sumalubong sila sa karuwahe. Mabilis ang lipad ng karuwahe. Agad nitong narating ang Puno ng Buhay at Pag-ibig. Lumapag ito sa tabi ng maliit na lawa ibaba ng puno. Bumaba ang mahal na hari.
" Verdum Beltrum! " Bulong ng hari.
Umangat ang katawan ni Paolo sa ere. Dinala ito sa batis ng buhay na lumalabas sa ibaba ng higanteng Puno ng Buhay at Pag-ibig. Inilubog ng hari ang katawan ni Paolo at mukha lamang ang nakalitaw sa ibabaw ng tubig. Sumama si Prettymini at lumublob na rin siya sa batis. Tumabi kay Paolo. Hawak niya ang ulo ng binata. Naghintay sila.
Naglapitan ang mga libo-libong ada. Lalong lumiwanag ang buong paligid. Isa-isang lumalapit sa mukha ng binata ang mga ada at hinahalikan ang pisngi niya. Napangiti naman ang prinsesa sa kanyang nakikita. Dahil unti-unting nawawala ang pangingitim ng mukha ng binata.
Nakayakap ang isang kamay ni Reyna Raya sa kanyang kabiyak na hari at nakangiti silang pareho na pinagmamasdan nila ang dalawa sa batis. Maging si Merlo ay napapangiti na rin nakikita niya kung gaano kamahal ng prinsesa ang binata at nawala na ang pangingitim ng mukha nito.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.