Verdum Showtrum!"Prinsesang Selosa"
Opening day ng shop, ipinangalan ito kay Prettymini "Princess Prettymini Bread Kingdom". Invited ang mga kasamahan ni Paolo sa shooting. Maging ang mga executives ng AVS CBN ay dumating. Maraming media press ang invited din. Maraming tao ang nakapaligid at nanonood. Ang iba ay napapatili pa sa mga artistang dumarating. Kislapan ang mga flash bulbs at nagkuhanan ng mga videos. Si Paolo ang gumupit sa red ribbon na nakatali sa pintuan ng shop. Pumasok na silang lahat. Lahat ay napamangha sa ganda ng loob at naamoy nila ang mga nakalutong ibat-ibang tinapay at cakes na si Mang Senen at Aling Cely ang nagtimpla gamit ang recipe mula sa libro ng kaibigan nilang dwende.
Isang opening prayer ng isang pari at kasunod ay blessing ng shop ang ginawa muna. At nag serve na ng pagkain ang mga tauhan nila na libre lahat maging sa mga tao sa labas para matikman ang tinda nila. Mga ngiti ang sumilay sa kanilang mga mukha, nasarapan sa mga tinapay kakaiba raw ang lasa na tila gusto pa nilang kumain pa.
Maging ang mga namimili sa katabi nilang sikat na bakeshop ay naglabasan at sa kanila pumunta. Nakitikim sa kanilang paninda. Ang iba ay umorder na ng maramihan. Marami ang bumati sa binata. Natutuwa naman ang prinsesa sa kanyang nakikita. Masaya siya na masaya ang mahal niya.
Dumating sina Angela at Ricky. Lumapit si Angela kay Paolo at nakipag beso-beso. Napayuko pa ang prinsesa ng muntik na siyang masagi ng baba ni Angela. Namula ang dulo ng ilong niya.
*******
Sa kaharian ng Krokos ay galit na galit si Prinsipe Odek sa ibinabalita sa kanya ng kaniyang espiya.
" Anak ka ng baklang buwaya! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na wala ang prinsesa at sumama sa isang tagalupa? Gusto mo bang gawin kitang tuko ngayon?" sigaw ni Prinsipe Odek sa espiya.
" Huwag naman po aking prinsipe. Hindi lang po ako maka-alis kaagad sa kaharian ng Mordavia. "
" Nasaan na sila ngayon?"
" Nasa kabilang mundo po sila." Nagpupuyos sa galit si Prinsipe Odek . Tinawag niya ang isang gwardiya.
" Ikaw gwardiya tawagin si Medusa dali!" Agad na tumalima ang inutusan. Alam niya kung paano magalit ang prinsipe. Dumating naman si Haring Dupax.
" Ano na naman at galit ka Odek. Kanina ka pa putak ng putak. Nabulahaw ako sa aking pagtulog!" Galit na sabi ng hari.
" Ama, nawawala ang prinsesa. Sumama siya sa isang tagalupa!"
" Ano? Niloloko lang pala tayo ni Haring Ergo?"
" Oo ama at magbabayad sila ng mahal."
Isang maitim na usok ang biglang sumingaw sa loob ng bulwagan at nang mapawi ito ay lumitaw ang isang matandang babaing dwendeng itim. Buhaghag ang mahabang buhok hanggang talampakan. Maitim at makapal ang kutis na may bukol-bukol pa. May dala itong isang malaking bolang kristal.
" Ipinapatawag mo raw ako aking prinsipe? Hi hi hi."
" Oo Medusa. Gusto kong makita kung nasaan na ngayon si Prinsesa Prettymini. " Lumapit ang bruhang dwende sa prinsipe.
" Masusunod po kamahalan . BOLANG KRISTAL, ipakita mo sa akin kung nasaan si Prinsesa Prettymini"
Biglang lumiwanag ang bolang kristal. Lumitaw sina Prettymini at Paolo na nasa bakeshop. Masaya ang mga tao. Naka-upo ang prinsesa sa balikat ni Paolo. Lalong nagalit si prinsipe Odek sa kaniyang nakikita.
Halos umusok na ang ilong ng prinsipe sa galit. Tinawag niyang muli ang gwardiyang nakabantay sa pintuan." Ikaw, halika rito. Dali! " Kaagad na lumapit ang gwardiya.
" Tumalikod ka sa akin!! " Tumalikod ito sa prinsipe. At ubod lakas na sinipa niya ito sa puwitan. Napasubsob sa sahig ang pobreng dwende.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.