Kabanata 17 ... Merlo

140 17 1
                                    

Verdum Erastrum!

--------

"Merlo"

--------

Magulo pa rin sa gusali ng AVS CBN. Maraming tao na sa labas at loob ng compound. May dumating na mga pulis para mag-imbistiga. Nasa gate pa sila ng istasiyon at ayaw papasukin ng mga gwardiya ng istasyon.

Sa conference room. Lahat ay shocked pa rin sa kanilang nasaksihan. Hindi sila makapaniwala na may dwende nga talaga. Isinara ang pintuan ng conference room at iilang tao lang sila sa loob. Naka-upo na sina Angela at Ricky. Kapwa nangiginig pa sa takot ang dalawa. Ikinukwento ni Ricky ang nangyari sa kaniya sa condo ni Angela. Ang pagkakakita niya sa isang dwendeng itim. Alam niya ang nangyayari sa kaniya. Buhay ang kanyang diwa pero wala siyang magawa at walang kontrol sa sarili. Akala niya ay mamatay na siya ng dagitin siya ng higanteng agila. Nakikinig lamang sina Paolo at ang iba pa.
Umiiyak pa rin sina Ricky at Angela. Nakaramdam ng awa ang mga nakikinig sa kanilang kwento.

" Patawarin mo ako Paolo. Dahil sa aking ingit at galit ay pumayag ako sa gusto ng dwendeng itim. Salamat, magbabago na ako. " sabi ni Ricky.

" Kalimutan mo na yun Ricky. Ngayon dapat na lang tayong magtulungang lahat. Naririto pa si Odek." Tinapik ng binata ang balikat ni Ricky.

" Sinong Odek Paolo?" tanong ni Miss Charito.

" Isa ho siyang prinsipe ng mga dwendeng itim sa aming mundo." sagot ni Prettymini.

"Isa ka rin bang dwende Prettymini?"

"Opo mam Charito. Patawarin po ninyo ako kung naglihim ako sa lahat at kung bakit naririto ako sa inyong mundo. Dahil po yan sa pagmamahal ko kay Paolo."Lumapit siya kay Paolo at yumakap.

" Wala kang kasalanan Prettymini. Totoo nga pala kayo. Ngayon ay naniniwala na ako sa mga dwende" Sagot ni Miss. Charito.

" Tayo ngayon ang may malaking problema. Napanood ng buong bansa ang naganap. Paano natin maipaliliwanag ito. " sabi ni Mr. Roman.

"Dumarami na ang mga tao sa labas ng gusali ng istasiyon. Nagpupumilit na ring makapasok ang mga pulis. Pero pinipigilan sila ng mga security guards natin." Aniya. Bakas na ang pag-alala ni Mr. Romano Lopes.

" Bossing, may idea ho ako. Ano ho kaya kung sabihin natin na ang naganap ay part ng bagong pelikula nina Paolo at Prettymini? Tutal press conference natin ngayon. " sabi ni Direk Guillena

Kumislap ang mga mata ni Mr. Roman at napangiti.

" Maganda ang naisip mo Laurice. Gusto ko yan. Sige, magpahanda kayo ng isang live press release ng istasyon at magsasalita ako. Ha ha ha! "

" Papaano ho si Prettymini bossing." tanong ni Esper.

" Bakit Esper? Mukha ba siyang dwende? Ang napanood ng mga tao ay sasabihin nating gawa ng bago nating mga Hologram projectors na parang totoo. Kayong lahat nang naririto sa loob ng silid ano man ang nasaksihan at narinig ninyo ngayon ay mananatiling lihim. " sabi ni Mr. Romano.

Tumango lahat sila. Napangiti ang prinsesa tinignan niya ang binata at yumakap. Nagtakip ng mga mata si Onyok sa nakita at naglaho.

Pinapasok na rin ang mga pulis na imbestigador. Dinala sila sa ibang silid at kinausap sila ng isang abogado na napagsabihan na ni Mr. Romano.

Nagpa press release naman ang istasyon. Live at napapanood sa buong bansa. Naka via satellite pa at napapanood sa TPC sa ibang bansa. Naka-upo sa mahabang mesa sina Mr. Romano Lopes , Miss Charito Santos, Direk Guillena, Paolo at ang prinsesa. Ipinaliwanag ni Mr. Romano na isang eksena ng ginagawa nilang pelikula ang nakita ng mga tao. Gumamit sila ng tatlong 3D Holograms projectors na sabay-sabay na nag project sa kalawakan kaya parang totoo ang napanood ng mga tao. Dahil marami ang gustong malaman ang totoong nangyari halos lahat ay nanonood sa press release. Sinamantala ng prinsesa ang pagkakataon at bumulong siya.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon