Kabanata 4 . . . Postamus Baliktum

192 22 1
                                    


"POSTRAMUS BALIKTUM!"

---------

Sa kaharian ng Mordavia ay galit na galit si Haring Ergo. Ipinatawag niya ang kanyang ministrong si Rasput. Nang dumating ang ministro ay nakita niya ang hari na palakad-lakad sa bulwagan. Tila umuusok pa yata ang mga tenga. Kilala niya ang hari kapag galit kaya kailangan niyang sumagot ng maayos

"Kamahalan, ipinatawag daw po ninyo ako!"

Tinignan ng hari si Rasput na humahangos papalapit sa kanya. Humihingal ito sa pagmamadali. Kahit galit siya ay hindi niya napigilan ang mapangiti dahil sa hitsura ng kanyang ministro. Dahil sa katabaan at sobrang laki ng tiyan ni Rasput ay nahuhubo ang kanyang pantalon na hinihila niya pataas palagi habang mabilis na naglalakad.

" Rasput, utusan mo lahat ang mga taga sundo at mensahero na hanapin si Prinsesa Prettymini. Mula kaninang umaga pang hindi ko nakikita. Umiiyak ang mahal na reyna at nag-aalala na!"

" Masusunod po mahal na hari. " tumalikod na ang ministro at nagmamadaling lumabas sa bulwagan hila-hila pa rin ang pantalon. Nakasalubong niya si Merlo sa pasilyo at hindi niya kinibo. Matagal na silang may alitang dalawa. Hindi rin siya pinansin ni Merlo at pumasok ang pantas sa bulwagan. Nakita siya ng hari.

"Merlo! Nakita mo ba ang mahal na prinsesa? "

" Hindi ho kamahalan. Kaninang umaga ho nagpaturo siya sa akin ng ilang mahika. "

" Tila nawawala siya Merlo. Nag-aalala na ang reyna. "

" May paraan pa ho para malaman kung nasaan siya. Ang mahiwagang salamin sa silid ng mahal na reyna. "

" 0o nga pala! Tayo na at tignan natin." Lumakad sila. Pumasok sa silid ng reyna. Naabutan nila itong naka-upo sa kama at malungkot.

" Aking kabiyak na hari. Nakita na ba ang mahal kong anak? "

" Hindi pa kabiyak kong reyna. Tatanungin ko ang mahiwagang salamin baka alam niya kung nasaan ang prinsesa. " Lumapit ang hari sa isang bilog na malaking salamin na nakasabit sa dingding.

" Verdum Pakitum!" Sambit ng hari na nakaharap sa mahiwagang salamin. Lumiwanag ito. Lumitaw ang mukha ng isang magandang babae.

"Magandang araw mahal na hari. May gusto kayong makita?"

" Oo mahiwagang salamin. Hinahanap ko ang mahal na prinsesa. Ipakita mo sa akin kung nasaan siya."

" Masusunod po kamahalan. " Lumitaw ang makapal na puting usok sa mahiwagang salamin. Nang mapawi ay lumitaw ang prinsesa at nakasakay sa ibabaw ng isang malaking aso. May kasama siyang isang tao. Masaya ang dalawa at naghahabulan ang tao at ang aso. Humahalakhak ang prinsesa.

" Nasa daigdig ng mga tao ang aking anak? Papaano siya nakarating doon? Merlo! Alam mo ba ito? " Nagulat silang tatlo sa kanilang nakikita sa mahiwagang salamin.

" Hindi ho kamahalan. " sagot ni Merlo.

" Sige na mahiwagang salamin, salamat." Nawala na ang kanilang napapanood sa mahiwagang salamin.

" Mahal kong kabiyak. Mabuti pa kaya ay puntahan mo ang anak natin!" sabi ni Reyna Raya.

" Huwag kang mag-alala na mahal ko. Malaki na si Prettymini. Tiyak ako, kasama niya si Onyok. Hayaan muna natin sila sa kabilang daigdig. "

" Bakit mahal kong kabiyak. Ikaw na rin ang may utos na walang sino man ang pupunta sa kabilang daigdig ng walang paalam sayo at parurusahan ang lalabag sa utos mo. "

" Mahal ko! Alam ko yan. Magtiwala ka sa akin. May dahilan ako kaya hahayaan ko na muna ang anak natin. "

" Ano yun mahal ko?" na nagtaka sa sinabi ng hari.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon