Kabanata 24 ... Merlo

117 12 1
                                    


"Verdum Leotrum Wintrum!"

--------
"Merlo"
--------

Umatras lahat sina Paolo papasok sa palasyo. Lumiit sina Leo at Lea at pumasok na rin sila sa palasyo. Isinara na ang malaking pinto ng palasyo. Sa tore ay nakatayo si Merlo.

" Verdum Bastrum Malitrum!"

Unti-unting lumiliit ang berdeng dome at bumababa ang baston ni Haring Ergo hanggang nasa ibabaw na lang ito ng palasyo. Lumiwanag ang buong palasyo ng kulay berde. Nasa labas pa rin sina Paolo at ang prinsesa.

" Mahal ko. Gumawa tayo ng malalim na hukay paikot sa palasyo. " Sigaw ni Paolo.

Tumango ang prinsesa. Magkatabi sila ni Paolo habang sila ay lumilipad.

" Verdum Nostrum! " Bulong ng prinsesa.

Isang malalim at malapad na hukay ang pumalibot sa palasyo. Sinundan ni Paolo.

" Espritrum" Sigaw ng binata.

Nagkabutas na parang tunnel patungo sa isang malaking batis at tumigil bago tuluyang mabutas at makapasok ang tubig. Napangiti ang binata sa kanyang ginawa. Nagamit niya ang kanyang pinag-aralan kaya nga lang ay magic ang ginamit niya. Bumalik sila ng prinsesa sa palasyo. Nasa balkonahe si Haring Ergo.

" Aking mga kapatid, ito na ang labanang hindi na natin kaya pang atrasan. Hindi natin ibibigay sa kanila ang Mordavia. Lalaban tayong lahat!"

Nagtaasan ng mga kamay ang mga kawal at mamamayan. Nagsigawan sila. Umakyat na ang mga kawal sa ibabaw ng malapad at mataas na batong pader ng palasyo.

Nakarating na ang buong pwersa ng mga dwendeng itim sa gilid ng malalim at malapad na hukay. Pinalibutan nila ang palasyo.

" Sumugod kayo. Ubusin sila. Pulbusin ang buong palasyo. Ha ha ha!"

Sigaw ni Haring Dupax na katabi sina Odek at Medusa. Bumaba ang mga mandirigma sa hukay gamit ang mga mahahabang hagdang kahoy. Maging ang mga alakdan ay napilitang bumaba sa hukay. Mataas ang batong pader ng palasyo kaya gumawa ng mahahabang hagdan ang mga mandirigma. Nakita ni Medusa kaya. . . .

" Malak Alakak!" Bulong niya.

" Poof! Poof! Poof!"

Lumitaw ang mga hagdang mahahaba na nakadikit na sa pader. Nagsimulang mag-akyatan ang mga mandirigma ni Haring Dipax. Sa itaas ng pader ay naka dungaw ang mga kawal ng palasyo.

" Soldrum! Soldrum! Soldrum!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Pinasinagan ang mga mandirigmang umaakyat sa mga hagdanan. Nahuhulog sa ibaba ang tinataman ng mga sinag na maging ang kasunod na umaakyat ay napapasama. Nagsisiksikan na ang mga mandirigma sa hukay. Nagsisimula na ring umakyat ang mga alakdan sa batong pader na may nakasakay na mandirigma.

Lumabas si Haring Ergo sa palasyo. Pinapasok niya ang lahat ng mamamayan sa loob ng palasyo. Lumapit sa kanya sina Leo at Lea.

" Magandang araw po mahal naming hari. Gusto po naming makatulong ni Lea. Bigyan po ninyo kami ng lakas!" Sabi ni Leo.

" Salamat aking mga kaibigan. Siya, yumuko kayo. VERDUM Leotrum Wintrum"

"Poof! Poof! " Nagkapakpak ang dalawang leong bato.

" Salamat po mahal na hari. Tayo na Lea"

Lumipad sila. Sa ere ay unti-unti silang lumalaki. Nakita nila ang mga alakdang umaakyat sa pader at pabulusok silang lumipad pababa.

" GROWLLL! GROWLLL"

Kinakagat nila ang mga alakdan at nahuhulog ang mga sakay na mandirigma. Nakalapit na ang mga katapulto ni Haring Dupax at nagsimula na silang magpa-ulan ng mga bolang apoy sa loob ng pakuran ng palasyo.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon