Kabanata 15 . . . Batong Berde

125 14 1
                                    

Verdum Espiritrum!

----------

"Batong Berde"

----------

SA isang posh subdivision na lumipat ng tirahan sina Paolo. Magkakasama silang mag-anak. Sa sala, nagbabasa si Paolo ng pang-umagang pahayagan. Binabasa niya ang balita tungkol sa kanyang pelikula. Sabay na ipinapalabas ang kanilang pelikula ni Ricky sa maraming sinehan sa buong Pilipinas.

Sa unang araw ng palabas ay blockbuster ang record sales ng pelikula niya. Kumita kaagad ito ng 30 milyong piso malayo sa 4 na milyong pisong kinita ng pelikula ni Ricky. Katabi niya ang prinsesa. Wala sina Mang Senen at maaga silang nagpunta sa kanilang pwesto sa mall.
Nasa movie gossips rin ang inasal ni Ricky Alba at tinanggal siya sa pamilya ng AVS CBN Cinema Production. Kaya alam ni Paolo na malaki ang galit sa kanya ni Ricky na ayaw niyang patulan. Magkatabi sila ng prinsesa na naka-upo sa mahabang sofa. Nang biglang lumitaw si Onyok.

" Poof!"

" Mahal na prinsesa, may mahalagang ipinasasabi sa inyo ang inyong amang hari!" Nakatayo si Onyok sa ibabaw ng maliit na center table.

" Ano yun Onyok? "

" Pinapag-ingat po kayo. Nakapasok na ho rito sa mundo ng mga tao si Prinsipe Odek. "

" Ha? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? "

" Hindi ho mahal na prinsesa pero may ipinabibigay po sa inyo ang inyong amang hari. Heto ho." Iniabot niya ang batong berde sa prinsesa.

" Alam na raw po ninyo ang gagawin."

" Oo Onyok, salamat."

" Sige ho mahal na prinsesa, nasa tabi lang po ako."

"ERRATUM! "

" Poof!" nawala na si Onyok.

Nag-iisip ang prinsesa kung ano ang gagawin niya. Nag-aalala na siya. Nagtataka naman ang binata sa kanyang narinig. At nakikita niya sa mukha ng mahal niya ang labis na pag-alala.

" Aking prinsesa, ano ang ibig sabihin ni Onyok? "

" Mahal ko, kaming mga puting dwende ay may kalabang isa pang kaharian, ang Krokos. Sila ay mga dwendeng itim at masasama ang kanilang mga budhi. Nakapasok na rito ang kanilang prinsipe at nag-aalala kami ni amang hari kung anong masama ang binabalak ni Odek. Kaya may ipinabigay sa akin si ama."

" Ano yun mahal ko? "

"Heto Paolo mahal ko, kunin mo at lunukin. Ito ang tutulong sayo para sayong kaligtasan at sa mga mahal mo. Bigkasin mo lang ang salitang "Verdum Espiritrum" at makararamdam ka ng pagbabago sa katauhan mo."

Kinuha ng binata ang munting bato. At kanyang nilunok sabay bigkas ng . . .

" Verdum Espiritrum!"

Lumiwanag ng saglit ang buo niyang katawan. Nakaramdam nga ng pagbabago si Paolo. Para siyang lumakas bigla.

" Ngayon aking Paolo, anong mang gusto mong mangyari ay matutupad, isipin mo lang at bigkasin ang "Espritrum!"

Nag-isip ang binata. Naisip niyang umangat.

" Espiritrum!" at dahan-dahan siyang umangat sa kanyang kina-uupuan hanggang sa tumama na siya sa kisame. Nagitla ang binata. Wala pa siyang kontrol sa sarili.

" Mahal ko, isipin mo na ngayon kung ano ang gusto mong gawin."

Nag-isip ang binata na hihiga siya at siya ay napahiga sa ere. Inisip niyang bumaba at siya ay bumaba sa sofa. Napatawa siya ng malakas.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon