"Soldrum!"
-------
"Simula na ang Digmaan"
-------
Sa loob ng bulwagan ng palasyo ng Mordovia ay pinulong ni Haring Ergo ang kanyang mga pinuno. Sinabihan kung ano ang dapat nilang gawin. Kailangan ipagtanggol nila ang reyno hanggang sa kahulihulihang kawal na nakatayo. May higit kumulang na tatlong libong kawal lamang ang kaharian. Sina Paolo at Prettymini ay sasama sa mga kawal na magtatangol sa hangganan ng Mordavia. Ang Reyna Raya at sina Aling Cely ay kasama ang ilang kababaihan na tutulong sa mga manggagamot para sa mga masusugatang kawal at si Mang Senen ang mamahala sa mga kalalakihang magbubuhat sa mga kawal na masasaktan at dadalhin sa pagamutan nila. Si Jillian ay kasama ng mga batang dwende sa loob ng palasyo. Ang hari ang magtatanggol sa palasyo kasama ang mga piling kawal. Handa na sila sa pagsalakay ng mga Krokosyan
Kinagabihan, nasa tore si Merlo. Sumisilip siya sa kaniyang teleskopyo. Hindi niya namalayan ang pagdating ni Paolo.
" Magandang gabi ho Merlo"
Umupo ang binata sa tabi ni Merlo. Lumingon sa kanya ang pantas.
" Magandang gabi rin naman sayo Paolo. Mabuti at napunta ka rito?"
" Kayo ho talaga ang sadya ko Merlo."
Umupo ang pantas.
" Ano yun Paolo? "
"Nag-aalala ho ako para sa Mordavia. Siguro ho kung hindi kami nagkakilala ni Prettymini ay hindi mangyayari ito."
" Hindi Paolo. Nagkakilala man kayo o hindi ay mangyayari pa rin ito. Hangga't may natitirang kasamaan ay hindi ligtas ang kabutihan. Siguro panahon na rin para sila ay lipulin. Alam ko ang nararamdaman mo Paolo. Maging ako ay nag-aalala rin."
Tumayo ang pantas at sumilip sa kanyang teleskopyo. May nakita siya. Isang dwendeng itim na pasuray-suray sa paglalakad na tila hindi nakikita ang pupuntahan dahil sa madilim. Kahit sa kadiliman ay nagagamit ni Merlo ang kanyang teleskopyo. Napatawa si Merlo kaya sinusundan niya kung saan papunta ang dwende. Hanggang sa makarating ito sa hangganan ng sagradong gubat.
Sa tuwa ng pantas ay tinutukan na niya ang tila lasing na dwendeng itim. Kung minsan ay nadadapa pa ito." Ha ha ha! Tignan mo ito Paolo. Isang ligaw na dwendeng itim. "
Tumayo ang binata at sumilip siya sa teleskopyo. Nakikita niya ang dwende na bumangga pa sa isang puno at natumba. Tumayong muli. Napangiti ang binata. Muling natisod ang dwende, napasubsob at gumulong pababa. Nalublob ang isang paa sa isang maliit na batis. Hindi na tumayo.
" Parang nakatulog na siya Merlo, ha ha ha! " Muli niyang sinilip. Damit na lang ang kanyang nakita. Nawala ang dwendeng itim. Biglang nagtaka si Paolo.
" Merlo, nawala ang dwende." Tumayo si Merlo at sumilip.
" Ha ha ha! Baka naligo na ng tuluyan."
Inikot niya ang pokus at wala na nga ang dwendeng itim. Inilipat niya ang teleskopyo at sinilip ang palasyo ng Krokos. Maraming ilaw sa paligid. Tila hindi na yata sila natutulog. Parami ng parami ang mga ilaw. Lalong kinabahan si Merlo. Nagmamartsa na ang mga mandirigmang dwendeng itim.
"Paolo papunta na rito ang mga dwendeng itim."
Walang sumagot sa kanya. Paglingon niya sa binata ay wala na sa tabi niya. Umi-iling-iling na lang ang pantas. Bumaba na siya para sabihan ang mahal na hari na paparating na ang mga dwendeng itim.
Sa himpapawid ay lumilipad si Paolo patungo sa sagradong gubat.
Kinabukasan ay nasa balkonahe ng palasyo sina Haring Ergo at ang prinsesa. Nasa ibaba ang mga kawal. Naka-ayos sila ng pila. Halos isang libo lamang ang mamamana at kulang sa dalawang libo ang may sundang.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.