Kabanata 14 . . . Prinsipe Odek

139 14 2
                                    

Verdum Kristum!

"Prinsipe Odek"

------

Naging mainit ang tambalan nilang magkasintahan na tanggap ng kanilang mga tagahanga. Pinapirma ang prinsesa ng kontrata nina Miss Charito at Mr. Roman. Ganap ng isang artista si Prettymini. Isang project ang nakahanda na para sa kanilang dalawa ni Paolo na ikinatuwa ng prinsesa. Maraming artista na rin ang humanga sa kanya. Pero maraming artistang naiinggit pa rin sa kanila, una na sina Angela Maxim at Ricky Alba. Itinapat ni Ricky ang araw ng pagpapalabas ng pelikula niya sa araw ng pagpapalabas ng unang pelikula ni Paolo.

Premiere night ng unang pelikula ni Paolo. Ginaganap ito sa Mall Of Asia theaters. Apat na sinehan na magkakatabi ang magpapalabas ng kanyang pelikula at sa anim na magkakatabing sinehan naman ipapalabas ang pelikula ni Ricky Alba. Dagsaan ang mga tao. Habang hindi pa binubuksan ang mga sinehan ay nagsisiksikan na sila sa mga lobby para makita ang kanilang mga paboritong artista na isa-isa ng dumarating. Naunang dumating sina Angela at Ricky. Tuwang tuwa si Ricky sa nakikita niyang makapal na mga taong gustong manood. Lalong kumapal ang mga tao sa labas ng mga cinemas.

Dumating sina Paolo at Prettymini kasama sina Aling Cely, Mang Sene at Jillian. Nagtiliian ang mga kababaihan at mga bakla. Pumapalakpak ang iba. Sigawan sila.

" PAOLO! PRETTYMINI! PAOLO!" Sigaw ng karamihan sa mga tagahanga ng dalawa.

Nakangiti naman ang dalawa sa kanilang mga tagahanga. Pumasok sila sa cinema. Marami ng tao sa loob. Puno na ang mga upuan. Lumapit sa kanila ang usher na babae at tinuro niya kung saan sila uupo. Naka-upo na rin sina Esper, Direk Guillena, Miss Charito, Mr. Roman at mga casts ng kanilang pelikula. Nagkabeso-beso pa bago naka-upo ng tuluyan ang dalawa. Unang pasok pa lamang ng prinsesa sa isang sinehan at natutuwa siya. Namatay na ang ilaw. Humawak ang prinsesa sa braso ni Paolo. Isinandig ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Nagsimula na ang palabas.

Napamangha ang prinsesa sa laki ng screen at lakas ng sound. Tahimik ang mga tao habang nanonood. Pagdating sa mga eksenang maaksyon ay pumapalakpak sila. Hanggang sa dumating sa eksenang magkasama sina Paolo at Angela. Dumiretso ng upo ang prinsesa. Halos hindi siya kumukurap sa halikan nina Paolo at Angela. Bumulong ang binata sa kanya.

" Mahal ko, akting lang po yan. Basta ikaw lang ang pinakamamahal ko wala ng iba pa. Aray! " Kinurot siya ng prinsesa.

Inakbayan niya ang prinsesa. Tumingin sa kanya. Hinalikan ng binata sa mga labi. Habang naghahalikan sila ni Angela sa screen ay naghahalikan naman ang dalawa.

Natapos ang palabas. Bumukas ang mga ilaw at nagtayuan ang mga tao at pumapalakpak. Sumisigaw ang iba. Tuwang-tuwa sina Miss Charito at Mr. Roman. Maganda ang kinalabasan ng unang pelikula ni Paolo. Naglabas ng champaign at mga baso ang isang crewember. Isa-isa silang binigyan. Hawak nina Paolo at Prettymini ang kanila. Tinaas ni Mr. Roman ang kanyang baso.

" For you Paolo, and the rest na bumubuo ng pelikulang ito, congratulation! Cheers!" Malakas na sabi ni Mr. Roman.

Sabay-sabay silang uminom at pagkatapos ay nagpalakpakan silang lahat.

" Paolo, ang sarap nito." bulong ng prinsesa.

" Oo, huwag ka lang iinom ng sobra at malalasing ka. "

" Ang galing mo kuya." sabi naman ni Jillian. Napatawa ang binata. Masaya siya dahil masaya ang kanyang mga mahal. Lumabas na sila sa cinema.

Magkasabay na natapos ang dalawang pelikula kaya sabay ring naglabasan ang mga artista at manonood. Halos lahat ng tao ay nasa mga cinemas nila Paolo. Nang nasa labas na sila ay sigawan ang mga tagahanga nila. Nakasalubong ng dalawa sina Angela at Ricky. Masama ang tingin ni Ricky kay Paolo. Habang kinakamayan ni Paolo ang mga fans niya ay nilapitan siya ni Ricky na amoy alak pa.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon