Verdum Marposum!
---------
"Kapangyarihan ni Paolo"
---------
Isang press conference ang nagaganap sa AVS CBN para sa unang tambalan nina Paolo at Prettymini. Masayang ini-interview ang dalawa at ang mga kasama pa nilang ibang artista. Nakapokus ang mga kamera sa mga naka-upo sa mahabang mesa. Live ang press conference kaya napapanood nina Aling Cely sa kanilang bakeshop.
Dumating sina Odek sa gusali ng studio. Nalaman nila na nasa press conference sina Paolo. Nagpunta sila roon. Habang kinakausap ni Miss Kristel si Paolo ay bumukas ang pintuan ng malaking silid at pumasok sina Odek.
" Hoy pasikat! Tignan ko ngayon kung gaano ka kagaling. " Sigaw ni Odek.
Napalingon lahat kay Odek ang mga tao sa loob ng silid. Sa buong akala ng lahat ay si Ricky ang nasa harapan nila. Maging ang prinsesa ay nagulat at napahawak siya sa braso ni Paolo. Nakita niya na iba ang aura ni Ricky. May parang maitim na aninong nakadikit sa likuran niya.
" Paolo, hindi siya si Ricky. Siya si Odek!" bulong ng prinsesa sa binata.
Isang security guard ang lumapit kay Odek para ilabas siya sa silid. Pinitik lang sa baba ni Odek at tumilapon. Babangga sana sa dingding na semento ng biglang magkaroon ng makapal na kutson sa dingding. Dito tumama ang security guard pero tulog pa ring bumagsak sa sahig.
" Eeeeee! Eeeeee! Eeeee!" Sigawan ang mga tao sa loob ng silid.
Nagkagulong bigla. Nagpulasan ang iba papalabas ng malaking pintuan. Nagtayuan ang mga artista na naka-upo sa mahabang mesa. Maging sina Direk Guillena at Esper ay napatayo na rin . Dinampot ni Odek ang isang silya at ibinato kay Paolo. Hinarang ng binata ang kamay niya at tumigil sa ere ang silya at nahulog na lang ito sa sahig.
"Aba! May kapangyarihan ka rin pala. Ha ha ha ! Maganda ito. Malak Gambalak!" Sigaw ni Odek.
" POOF!"
Biglang lumitaw ang isang higanteng gagamba. Natakot lahat ang mga tao sa loob ng silid.
" Odek! Sa labas tayo maglaban kung gusto mo!" Sigaw ni Paolo.
Isang reporter ang nataranta sa takot ang nadapa at nilalapitan ng higanteng gagamba. Kakagatin na lang ito ng gagamba ng. . . .
" Verdum Mariposum!" Sigaw ng prinsesa.
" Poof!"
Naging magandang mariposa ang higanteng gagamba. Lumiit ito.
Patuloy pa rin ang pagkuha ng video ng mga kamera men kahit nagkakagulo na sa loob ng silid kaya napapanood sa tv ang nagaganap. Nagsisigawan na rin ang mga manonood pero ang iba ay nagtatawanan pa rin. Ang akala nila ay isang palabas lamang ang nangyayari. Natakot sina Aling Cely na nanonood sa kanilang pwesto sa mall. Napayakap siya kay Mang Senen. Nag-alala siyang bigla. Napapanood nila na lumalapit si Ricky kay Paolo. Hindi nila alam na sinaniban ni Odek ang katawan ni Ricky. Sinakal bigla ni Odek si Miss Kristel.
" Ha ha ha. Sige sa labas tayo
pero isasama ko ang isang ito."Umangat silang dalawa ni Angela sa sahig at lumipad silang bigla patungo sa malaking bintana. Sumabog ang salamin ng malaking bintana. Lumipad palabas sina Odek at yakap niya si Kristel na sumisigaw na sa takot.
" Eeeeee! Tulungan ninyo ako!" Sigaw ni Miss. Kristel na nagpupumiglas.
Lumipad papaitaas sa mga ulap sina Odek. Nagkagulo na rin ang mga tao sa labas ng gusali ng AVS CBN dahil sa pagsabog ng malaking salamin. Nakita nilang may lumabas na dalawang tao at lumilipad. Sabay namang umangat sina Paolo at Prinsesa PrettyMini. Lumipad na rin sila. Sinundan nila sina Odek at Angela sa kalawakan. Napanganga sina Direk Guillena at Esper sa kanilang nakita. Hinimatay naman si Miss Charito Santos sa kaniyang nasaksihan. Lumabas naman sa ilalim ng mesa si Mr. Roman kung saan siya nagtago ng makita ang higanteng gagamba kanina. Sumusunod pa rin ang mga camera men hanggang sa bintana. Ang iba ay nagtakbuhan palabas ng silid para umakyat sa roof top ng gusali. Gusto nilang makuhanan ng maganda ang kababalaghang nangyayari sa labas. Nakukunan nila ang apat na naghahabulan sa ere.
Mabilis ang lipad nina Odek at Angela pero malapit na rin silang abutan nina Paolo at Prinsesa Prettymini.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasíaIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.