Kabanata 6 . . . Sumibol ang Pag-ibig

152 19 1
                                    

Erratum!

"Sumibol ang Pag-ibig"

Dumating ang van nila Paolo sa tapat ng malaking gusali ng AVS CBN. Maraming fans ang nag aabang sa labas na naghihintay ng mga paborito nilang artista. Nagsisigawan at iyakan pa ang iba kapag nakikita nilang dumarating ang kanilang mga paborito. Hindi makapasok ang van nina Paolo. May nauuna pang mga sasakyan na nasa gate ng gusali. Isa rito ang sasakyan ni Ricky Alba, ang sikat na action star. Tinitilian ng mga kababaihan. Panay ang kaway ni Ricky. Pinapapasok na siya ng mga gwardiya pero ayaw pa niya. Bumubusina na ang mga kasunod na sasakyan kaya napilitan siyang umabante at pumasok na sa loob ng compound ng istasyon. Ilang sasakyan pa ang pumasok ng sina Paolo na ang nasa gate. Pinahinto sila ng gwardiya. Sinilip kung sino ang mga nakasakay. Nakilala si Esper. Kaya pinatuloy na sila. Walang pumansin sa van nila. Biglang nagtilian na naman ang mga tao. Nakita ang nakasakay sa nakasunod na sasakyan sa kanila. Kumaway ang sexing artistang si Angela Maxim. Pumarada ang van nina Paolo sa isang parkingan na may nakasulat na Paolo Venzon. Nagulat ang binata ng mabasa ang pangalan niya. Bumaba sila. Naglakad sila papunta sa elevator. Nasa loob na sila ng may sumigaw.

" Wait!" si Angela Maxim na nagmamadali  sa paglalakad. Hinintay siya ng elevator girl. Nang makapasok ay humalimuyak ang pabango niya.

" Gosh! Ang daming abala sa gate. Bakit naman kasi pinababayaan ng mga guards yung mga taong yun. Muntik na akong hindi makapasok!" Sabi ni Angela na sadyang nilakasan pa ang boses para marinig siya ng mga katabi sa loob ng elevator.

Napa-ismid si Esper sa sinabi ng artista. Nakita ni Angela si Paolo. Tinignan niya ang binata mula ulo hanggang paa at may naamoy siya. Napakabangong halimuyak. Naisip niyang mayaman ang binata at napakakisig. Mas makisig pa kaysa kay Ricky niya.

" Hi! Bisita ka sa party?" tanong ni Angela.

" Nope. Kasama ko lang naman!" sagot ni Esper"

" Ay! Manay Esper. Sorry ho at hindi kita napansin. Ang gwapo kasi nitong kasama mo. Sino siya? Mukhang pipi yata?"

" Mamaya makikilala mo siya. " sagot ni Esper.

Hindi na kumibo si Angela. Medyo napangiti ang binata sa sinagot ni Esper. Nakasimangot naman ang pilyang prinsesa.

"Gawin ko kayang lukarit ang babaing ito. Napaka-alembong! Kung makatitig kay Paolo akala mo ay kakainin ng buo. Huwag mo akong subukan sige ka. Kung hindi ko pa alam baligtad ang panty mo. Hi hi hi!" sa isip ng prinsesa.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng pagseselos ang prinsesa ng hindi niya alam.

Huminto ang elevator sa 5th floor. Isang maluwang na pasilyo ang kanilang dinaanan. Pumasok sila sa isang malaking pintuan. Sa loob ay malakas ang tugtog. May mga mesa na halos puno sa mga naka-upong mga bisita, mga artista, media people at invited guests. Pumunta sina Paolo sa malaking mesa. Naka-upo na ang CEO na si Mr. Lopes , Miss Santos at iba pang executive officers ng kumpanya. Kinamayan nila ang binata na umupo na rin pagkatapos. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang programa. Tumayo ang main host si Miss Kristel Quinio.

" Ladies ang gentlemen, tonight a new star is born. He is a product of a new generation of young blood to give prestige to us actors and people in film industry, radio and tv. Tonight we welcome him as our new member and brother in art. Let's welcome our new star Mr. Paolo Venzon!"

Palakpakan lahat. Nagtayuan sila. Tumayo ang binata. Ipinokus sa kanya ang lahat ng spot lights, nagkislapan ang mga flash bulbs at gumiling ang mga kamera. Live show ang programa at napapanood sa buong bansa at naka via satellite na pinapalabas sa TPC sa ibang bansa.

Nanonood sina Aling Cely, Mang Senen at Jillian sa kanila. Siksikan sa loob ng sala. Pati sa mga bintana may nakasilip. Sarado ang bakery nila pansamantala. Nang tumayo na si Paolo ay  sigawan ang mga kaibigan nila at kapitbahay. Palakpakan! Napaluha si Aling Cely sa tuwa.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon