Verdum Softrum!
"A Star is Born"
-------
Nagri-ring ang cellphone ni Paolo nang lumitaw sila. Nakatayo sina Onyok at Prettymimi sa headboard ng kama. Katabi ng prinsesa ang cellphone kaya nagulat siya at agad nagtakip ng tenga. Katulad niya ay nagulat din si Onyok kaya bigla itong nawala. Dinampot ng binata ang cellphone habang nakatingin siya sa mahal niya na lumiit na naman.
" Hello!" sabi ng binata.
" Hello! Paolo. Si Esper ito. Kanina pa ako tumatawag. Nasaan ka ba? "
"Bumaba lang ako saglit. Bumili ako ng gatas. Naubusan na pala ako!" Alibi ng binata.
" Parating na ako riyan. Mamimili tayo ngayon ng mga damit mo. Remember? "
" Oo nga pala. Sige at maliligo na ako."
" Okey! Within one hour nariyan na kami ni Mang Erning. Bye! "
" Bye!" Ibinaba ng binata ang cellphone.
" Aking prinsesa, maliligo muna ako. Aalis ako mamaya. Mamimili muna kami ni Esper. Sama ka mahal?"
" Oo mahal ko. Sige maligo ka na."
Pumasok ang binata sa banyo na nasa loob ng kwarto. Pumasok naman si Prettymini sa kanyang minihouse. Humarap siya sa salamin sa kanyang silid. Tinignan niya ang kanyang sarili. Kailangan niyang maligo at magbihis na rin. Yung bihis na katulad ng mga tao.
"Nostrum Watatrum!" Nawala ang lahat niyang kasuotan. May bumubuhos sa kanya na parang nasa ilalim siya ng isang dutsa. Nagsa-shower ang prinsesa sa loob ng kanyang silid. Pero hindi nababasa ang sahig. Kakaiba ang tubig na may mabangong amoy. Nang tapos na siya ay . .
" Nostrum Palitrum!" Umikot siya.
" Poof!"
Tuyo na ang buo niyang katawan. Iba na ang kasuotan niya. Nakajeans siya ng maong na nakatupi ang laylayan. Naka leather boots na tulis na mataas ang takong. Naka red blouse siya fit na fit sa katawan niya. Naka-ayos ang buhok na mahaba na may taling ribbon at naka head cup siya ng pula.
" Hmmm! Hindi na masama. Paglabas niya ng minihouse ay nakasuot na ng pantalong maong ang binata. Kumuha ng isang white shirt with collar sa mga naka hanger na damit sa closet. Isinuot. Fit na fit sa katawan niya na litaw ang muscle.
"Paolo, ang gwapo mo lalo hi hi hi!"
Lumipad siya at huminto sa tapat ng mukha ng binata. Pinagmasdan siya ni Paolo na napangiti. Lumulutang sa ere ang munting prinsesa. Umikot siya.
"At napakaganda mo mahal kong prinsesa." sabi ni Paolo.
Lumapit ang dalaga sa mga labi ni Paolo at hinalikan ito.
"I love you Paolo!"
"I love you too prinsesa ko. Tara na mahal ko!"
Lumipad ang prinsesa at lumapag sa balikat ni Paolo. Hinalikan niya ulit sa pisngi ang binata saka siya umupo. Paglabas nila ng kwarto ay siya namang may kumatok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto. Si Esper at may dalang isang basket na mga prutas.
" Here Paolo."
" Hi Esper. Thanks!". Kinuha ng binata at ipinatong sa center table sa sala.
" Let's go na! " Yaya ng binata.
Lumabas na sila. Sa Mall of Asia sila pumunta. Namimilog ang mga mata ng prinsesa sa mga nakikita niya. Pumasok sila sa isang sikat ng men's aparrel shop. Maraming tao sa loob. Namili si Paolo. Sa tuwing may dinadampot siya..." Pangit iyan mahal!" Bulong ng prinsesa. Ibinabalik ng binata at pumipili siya ng iba. Halos lahat ng napili niya ang prinsesa ang nag appoved. Nagpalipat-lipat sila ng mga shops. Si Mang Erning ang tagadala sa sasakyan. Ang ibang binili niya ay para sa mga party na si Esper ang pumili. Sa paglalakad nila ay nakita ni Prettymini ang ice skating rink. Ngayon lang siya nakakita ng yelong tinatapakan.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.