Kabanata 7 . . . Pag-ibig ng Prinsesa

153 13 1
                                    

Portrum Litrum!

" Pag-ibig ng Prinsesa"

--------

Nakapasok ang tatlo sa mundo ng mga dwende. Nagulat pa sina sina Leo at Lea ng makita ang mahal na prinsesa.

"Mahal na Prinsesa Prettymini salamat po at umuwi na kayo! " sabi ni Leo na isang rebultong bubuwit pa rin. Nagulat pa si Paolo ng makitang nagsalita ang rebulto.

" Bakit Leo, anong nangyari sa inyo ni Lea. Mga daga na kayo? Hi hi hi! "

" Parusa ho ito ng inyong amang hari! Dahil po hinayaan namin kayong pumasok sa daigdig ng mga tao. Hu hu hu!"

" Kawawa naman kayo Leo, Lea." Sabi ng prinsesa.

" Sabi ho ng inyong amang hari ay manunumbalik lamang kami sa dati naming anyo kung naririto na kayo. Bakit wala pa hong nagbabago sa amin ni Leo?" sabi ni Lea.

" Ganun ba? Sige, akong bahala. Postramus Verdum Baliktum! "

" Poof! Poof!"

Nagbago ang anyo ng dalawang rebultong bubuwit. Naging rebultong leon na naman sila at unti-unting nagbabago ang kanilang katawan. Buhay na leon na naman ang dalawa.

" Maraming salamat po mahal naming prinsesa. Teka ho! Sino ho ang kasama ninyong lalaki? Tao po siya!" Sabi ni Leo.

" Siya si Paolo at kaibigan ko. Ipapasyal ko lang siya sa buong reyno at babalik din siya sa kanyang mundo! Paolo sila ay sina Leo at Lea."

" Baka ho magalit ang inyong amang hari. "

" Huwag kang matakot Leo, akong bahala kay ama!"

" Mahal ko, isa kang prinsesa?" tanong ng binata.

" Opo aking Paolo. Patawarin po ninyo ako kung hindi ko sinabi sa inyo aking mahal."

" Prinsesa ka man o hindi ay hindi na mahalaga. Nang mahalin kita ay ikaw na at hindi na magbabago ang pagtingin ko sayo, aking Prinsesa!"

" Oh aking Paolo, labis mo akong pinaligaya. Pakamamahalin kita hanggang kamatayan aking mahal! " Yumakap siya sa binata ng buong higpit.

" Patay na talaga ako nito!" Bulong ni Onyok na nagtakip na naman ng mga mata. Maging ang dalawang leon ay nagtakip ng dalawang mata. Napansin sila ng prinsesa.

" At bakit kayo nagtatakip ng inyong mga mata?"

" Para ho kapag tinanong kami ng mahal na hari ay wala ho kaming alam at nakita. Nagkaka-ibigan na ho ba kayo ng tagalupa? "

" Oo Leo! Mahal na mahal namin ang isa't isa! "

" Kayo ho ang masusunod mahal na prinsesa. " sagot ni Leo.

" Tayo na mahal ko. Teka lang, madilim na sa bahaging yun nang kweba."

" Portum Litrum!" Lumiwanag ang buong kweba. Naglakad na ang tatlo palabas.

*********

Sa kaharian ng Krokos ay dumating ang espiya ni Prinsipe Odek. Nalaman niya na wala ang prinsesa sa kaharian ng Mordavia. Galit na galit ang prinsipe.

"Bakit hindi mo kaagad ipinaalam sa akin?" Sigaw ng prinsipe ba nanlilisik ang mga mata sa galit.

"Patawad mahal kong prinsipe. Hindi ako maka-alis. Lagi akong ipinapatawag ni Haring Ergo." Sabi ng espiya.

"Ahhhh! Bwisit! Alamin mo kung nasaan ang prinsesa. IKAW KAWAL lumapit ka rito. DALI!" Sabay turo niya sa kawal na nakatayo sa gilid ng pintuan. Nagmadaling lumapit ito sa kanya.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon