Kabanata 10 ... Bayani

139 15 1
                                    

Verdum Mortum!

"Bayani"

----------

"Pooff"

Lumitaw ang mag-anak sa sala ng condo. Masayang-masaya sila. Nakadamit pang dwende pa rin silang lahat.

" Ay! Nawawala sina ate prinsesa at Onyok!" sabi ni Jillian.

" Narito kami Jillian. Hi hi hi!" Sigaw ng prinsesa na nakatayo na sa mesita sa gitna ng sala. Itinabi ni Jillian sa isang sulok ang dala niyang isang supot. Binuksan ang isa. Dumukot ng mga tsokolate.

" Ate prinsesa, ang sasarap naman ng mga pagkain sa inyo. Kailan tayo babalik doon.?"

" Na kay kuya mo yan Jillian. Ang sarap namang pakinggan na ate na ang tawag mo sa akin. Salamat Jillian. Salamat po Inay at Itay! Hi hi hi!"

" Aba syempre, ate na kita mula ngayon! "

" Salamat din sayo Prettymini. Kami naman ng Itay mo ay walang tutol sa inyong dalawa ni Paolo. Kaya lang, papaano na kaya kayo magkaka-anak niyan? Hi hi hi!"

" Hi hi hi! Ang inay naman. Darating din po kami riyan. At makikita rin po ninyo! " namula ang pisngi ng prinsesa. Lumipad siya at umupo sa balikat ni Paolo.

" At gusto ko ho muna ng ganito ako rito sa mundo ninyo para lagi akong malapit ng ganito sa aking Paolo! Uhmuah! " Hinalikan niya ang binata. Napatingin ang binata sa relo niya. Mag-aalas sais na ng hapon.

" Inay, bukas na lang po kayo umuwi sa atin. Ang mabuti ho kaya ay dito na kayo matulog. "

" Oo anak at saka gabi na. Teka, saan naman kami matutulog dito?" Lumakad ang binata at binuksan pa ang isang kwarto.

" Dito ho inay."

" Ay, wala kaming dalang mga damit! Akala ko kasi uwian kami. Paano ba ito?" sabi ng inay niya.

" Labas muna ho tayo at mamili." Tinawagan niya sa cellphone si Mang Erning at nagsabi ang matanda na parating na siya sa condo. Tinignan naman ni Mang Senen ang laman ng malaking supot na dala niya. Mga tinapay at maliliit na cakes at may kasamang isa pang supot, ang pulbos na panangkap. Napangiti siya! Tinikman niya ulit ang isang cupcake. Masarap talaga na kapag kinakain ay malambot sa dila at parang gusto mong kumain pa ng isa.

Ilang minuto pa ay dumating na si Mang Erning. Nagulat pa siya ng makita ang kasuotan ng mag-anak.

Bumaba na sila sa condo at sumakay sa van. Nagpunta sila sa QUAD Malls sa Makati. Akala ng mga tao ng pumasok sila ay galing sila sa isang costume party. Napapatawa ang iba. Nakasuot ng dark glasses si Paolo para hindi siya makilala. Sa isang clothing botique sila pumasok at namili. Nang matapos sila ay pumunta sila sa main lobby . Mga kainan ang mga nakapa-ikot. Isang pwesto ang nakita ni Mang Senen ang may paskel na 'For Lease'.

" Siguro maganda rito na may pwesto tayo ng bakery natin. " bulong niya kay Aling Cely na narinig naman ng binata.

" Gusto ho ba ninyo Itay?" tanong niya sa ama.

" Oo sana. Mas maraming tao rito. At dito na rin kami maninirahan ng Inay mo. "

" Sige ho! Gusto ko ring dumito na kayo para sama-sama tayong lahat. "

Natuwa naman si Jillian sa kanyang narinig. Lumapit siya sa tila fountain sa gitna ng lobby at natuwa dahil sumasabay ang pagsulpot ng mga tubig sa tugtog. Dumapo sa balikat niya ang prinsesa.

" Maganda rin dito sa mundo ninyo Jillian. Ngayon ko lang nakita yan. "

" Ate, mas gusto ko sa mundo ninyo. Masasaya kayo. Parang wala kayong problema. Hindi tulad dito. Iilan lang ang nakapupunta sa ganitong lugar. Karamihan ay nasa probinsiya. " habang nag-uusap sila lumapit si Paolo.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon