"Verdum Nobium Nostrum!"
----------
"Puno ng Buhay at Pag-ibig"
--------
Dumilim ang kalangitan at nagtago ang namumulang bilog na buwan dahil sa lagim na nagaganap. Nakatayo si Medusa sa tapat ng bahay nina Paolo at nakataas ang hawak niyang tungkod na umiilaw na pula ang dulo. Binibigyan nito ng lakas ang mga libo-libong mga paniki at bayakan.
Kumapal ang mga paniking nakakapit sa harang. Panipis ng panipis ito. Marami pa ang mga nagdaratingang mga paniki at bayakan. Iniikutan nila ang buong bahay. Sa loob, bumulong si Merlo.
" Verdum Nobium Nostrum!"
Biglang lumiwanag ang mga katawan nina Paolo at prinsesa. Dumaloy ang maliwanag na aura sa kanilang mga kamay na naghahawakan ng mahigpit. Nagbago ang liwanag sa dulo ng mahiwagang patpat. Naging kulay berde ito at naglabas ng makapal na berdeng sinag na tumama sa nakasaradong pinto. Nabutas ang pinto. Tumama ang berdeng sinag sa likod ng bahay ng pagong na nakatayo. Nagsilbi itong parang salamin at bumalik ang berdeng liwanag at dumami ito. Kumalat sa ibat-ibang direksiyon. Binalot ang buong bahay ng berdeng liwanag. Lumaki ito at sumanib sa harang. Kumakapal ang harang.
Lumiwanag na parang kulay berdeng ilaw ang buong bahay.Nagpakawala ng berdeng liwanag ang harang. Nagmistula itong parang mainit na hanging tumama sa mga paniki at bayakan. Nagbagsakan ang mga nakakapit sa harang at bumulusok sa lupa ang mga lumilipad. Nagkikisay at nasunog ang mga paniki hanggang sa maging abo.
Nawala ang mga ngisi nina Odek at Medusa. Lumapit si Prinsipe Odek sa bruha upang tumulong. Mula sa kanyang mga mata ay may lumabas na pulang sinag. Tumama ito sa berdeng harang. Pinasinagan na rin ni Medusa ng kanyang tungkod ang berdeng harang.
Nagsimulang magbaga ang berdeng harang. Kumakalat ang pulang sinag palibot sa harang.
Naramdaman nina Merlo ang lakas ng mga pulang sinag nina Medusa st Prinsipe Odek. Nanginginig na ang kanyang kamay na may hawak ng patpat. Nakita ito nina Paolo at Prettymini.
"Mahal ko. Pumikit ka." Sabi ni Paolo sa prinsesa at siya ay sumunod.
"Espiritrum!" Sigaw ni Paolo.
Lalong lumiwanag ang berde sa katawan nila ng prinsesa. Dumaloy ito kay Merlo at lumaki ang sinag na nagmumula sa dulo ng mahiwagang patpat.
Biglang lumakas ang berdeng harang at sumabog ito. Tumilapon sina Prinsipe Odek at Medusa at tumama sa pader na semento ng katapat na bahay nina Paolo. At patuloy silang nasisinagan ng berdeng liwanag na nagmumula na sa pintuan ng bahay.
Nagkawarak-warak ang kanilang mga damit at sabog-sabog ang kanilang buhok. Namaga ang kanilang balat na tagos sa kanilang kalamnan ang sakit at hapdi. Sumigaw si Medusa.
" Malak Aluskak!"
" Poof!"
Bigla silang nawala ni Odek.
Lumiwanag na ang langit. Naglitawan na ang mga bituin at lumabas ang bilog na buwan. Nawala na ang malakas na hangin. Nawala na rin ang berdeng liwanag. Nakahinga na ng maluwag si Merlo. Bumitaw na ang dalawa at nagyakapan sila. Hinalikan ng binata ang prinsesa." Ahem! Ano ho ba ang inisip ninyo mahal na prinsesa at bakit napakalakas ng inyong mga aura?"
" Hi hi hi! Si Paolo lang naman!"
" At ikaw rin ang iniisip ko aking mahal, ha ha ha!" Nakitawa na rin si Merlo.
Lumabas si Merlo sa bahay. Nakita niya ang gibang sementong pader. Kinumpas niya ang kanyang mahiwagang patpat. Lumabas ang nagkikislapang munting liwanag at tumama sa gibang pader. Nabuo itong muli na parang walang nangyari. Maging ang butas sa pinto ay nabuo na rin. Napangiti si Merlo. Pinuntahan niya ang pagong at dinampot. Lumabas ang ulo nito sa bahay.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.