Kabanata 26 ... Katapusan ng Kasamaan"

136 13 1
                                    

"Verdum Sagradum!"

----------

"Katapusan ng Kasamaan"

----------

Kinabukasan maagang naghanda sina Haring Ergo, Paolo at Merlo sa kanilang pagsalakay sa kaharian ng Krokos. Nasa bulwagan sila ng
palasyo. Sila lang ang aatake sa Krokos.Yumakap sa binata ang prinsesa.

" Mag-iingat ka Paolo. Maghihintay ako rito para sayo. Mahal na mahal kita."

" Asahan mo aking mahal na prinsesa. Mahal na mahal rin kita" Yumakap ang prinsesa sa kanya at hinalikan niya.

Yumakap rin ang mahal na reyna sa mahal na hari. Hinalikan niya sa mga labi. Nang magkahiwalay sila .

" Mahal kong reyna."

" Ano ho yun mahal kong hari. "

" Isa pa nga! He he he!" at pinagbigyan naman.

Yumakap si Paolo Kina Jillian at mga magulang. Pinag-iingat nila ang binata.

Lumapit si Onyok sa kanilang tatlo at...

" Oras na po mahal na hari"

" Oo Onyok tayo na!"

" Erratum!"

" Poof!" at nawala na ang apat .

Lumitaw sila sa bunganga ng kwebang itim. May naririnig silang mga boses na nagmumula sa loob ng kweba.

" Hhmmm! Hhmmm! Hhmmm!" parang may seremonyang nagaganap sa loob ng kweba. Dumukot ng pulbos si Merlo sa kanyang bag at sinabog sa kanilang apat.

" Verdum Invisitrum!"

Hindi na sila makikita maliban kung sila ay kikilos ng mabilis. Marahan silang pumasok. Nasa huli si Onyok na nagtatakip ng mga mata. May mga sulo sa gilid ng kweba. Walang gwardiya. Patuloy ang kanilang paglalakad hanggang sa makarating sila dulo ng kweba. May kaluwagan ito.

Nasa ibaba ang mga nakatalukbong na alagad ni Haring Dupax. Wala ang hari at si Odek. May parang binubuong salamin na itim at si Medusa ang gumagawa. Kalahati na ang nagagawa niya. Pinasisinagan ng isang lumulutang na malaking bolang apoy ang salamin. Tumahimik ang mga alagad pero nakatayo pa rin sila sa tabi.

Kinalabit ng hari si Onyok at sinenyasan at itinuro ang mga alagad. Tumango si Onyok. Lumapit siya ng marahan sa dalawang nasa hulihan at hinawakan ang mga damit.

" Poof!" nawala silang tatlo.

" Poof! " lumitaw si Onyok na nag-iisa. Muli niyang hinawakan ang dalawa pa

" Poof!" nawala ulit sila.

Paulit ulit ang ginagawa ni Onyok hanggang sa walang natirang nakatalukbong. Hindi napansin ni Medusa na nag-iisa na lamang siya.

Lumapit sila ng dahan-dahan. Biglang nagpalabas ng apoy ang bolang apoy at sila ang tinira.
Itinaas ni Merlo ang kanyang tungkod.

" Verdum Blaktrum!"

Isang liwanag na bolang berde ang lumabas sa kanyang tungkod at sinalubong ang bolang apoy na paparating sa kanilang apat. Sumabog ito sa gitna. Nakita na sila. Humarap sa kanila si Medusa na nagliliyab ang mga mata.

"AYEEEEEEEE!"

Suminag ang kanyang mga mata.

" Whriiisshh!"

Sinangga ni Haring Ergo ng kaniyang baston. Lumabas ang berdeng sinag mula rito at sinalubong ang pulang sinag ni Medusa. Muling nagpakawala ng bolang apoy ang lumulutang na bolang apoy.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon