Kabanata 19... Agaw Buhay

129 12 1
                                    

Sekretum Mahikum Merlum!

-------

"Agaw Buhay"

------

Linggo, napagpasiyahan ng mag-anak na umuwi muna sa kanilang bayan. Inihatid sila ni Mang Erning. Tuwang-tuwa ang kanilang mga kapit bahay ng makita sila. Namudmod ng pasalubong sina Paolo at Prettymini sa mga kakilala nila. Dinumog ng mga kapitbahay ang kanilang bahay ng malamang umuwi ang binata. Walang patid ang kumustahan. Pinasara muna ni Mang Senen ang bakesahop. Nagpaluto siya ng pagkain para sa lahat ng bisita. Humanga sila sa ganda ni Prettymini na ang iba ay gusto pa yatang panggigilang kurutin ang prinsesa. Masaya naman si Merlo, maging siya ay napagkamalang artista dahil sa puting buhok niya at balbas na mahaba. Naka cowboy na sombrero siya at hawaiian na bulalaklaking polo shirt na kulay pula at dilaw. Naka short siya na may maraming malalaking bulsa kung saan niya nilagay ang kanyang mga abubot. Naka rubber shoes siya na mataas ang medyas. Kapag nakakikita siya ng magandang dilag ay itinataas niya ang kanyang shades para matignan niyang mabuti.

Nang maluto na ang mga pagkain ay sa labas sila kumain. May mga nagdala ng mga mangga at pakwan kaya parang fiesta ang bahay nina Mang Senen.

Matapos ang kainan ay nagpaalam sina Paolo at prinsesa kina Aling Cely na pupunta sila sa lawa. Pumayag naman ang mag-asawa. Kasama si Big Foot at Merlo lihim silang tumakas.

Tuwang-tuwa si Merlo ng makita niya ang mataas na talon. Para siyang batang nagtampisaw sa tubig. Naka upo naman sa mga batuhan ang magkasintahan.

" Aking prinsipe, naalala mo pa ba ang talon na yan? Hi hi hi!" Sumandal siya sa balikat ng binata.

" Opo at huwag mo nang sabihin. Nakakahiya. Ha ha ha!"

Nagtatawanan sila habang pinapanood si Merlo na nakikipag habulan kay Big Foot. Mataas ang sinag ng araw. Kaya niyaya ng binata ang prinsesa na lumapit sila sa may talon. Pumayag ang prinsesa. Sa gilid ng mataas na bato ay kumapit ang binata at kasunod niya ang prinsesa. Dahan-dahan siyang tumatapak sa mga naka usling bato hanggang sa marating niya ang likod ng talon. Isang malaking guwang ang kanyang pinasok. Hinawakan niya ang kamay ng prinsesa at tinulungang makapasok sa guwang.

" Ang ganda naman dito Paolo. " nakaharap sila sa talon na rumaragasa ang tubig pababa. Para itong kurtinang tinatabingan ang guwang. Malamig ang loob kahit amoy lumot. Narinig nila ang sigaw ni Merlo. Hinahanap sila.
Sigaw ng sigaw si Merlo.

" Paolo! Mahal na prinsesa!" walang sumasagot.

"Saan kaya nagpunta ang dalawang yun? Hindi ko gusto ang pagdidilim ng langit. May panganib na dumarating!" Iniisip ni Merlo.

"MAHAL NA PRINSESA! PAOLO! NASAAN KAYO?" Sigaw ni Merlo.

Naka-upo ang dalawa sa loob ng guwang sa likod ng talon.

" Mabuti pa aking prinsipe ay silipin na natin kung ano na ang nangyayari kay Merlo. Kanina pa siya nagsisisigaw."

" Okey, Espiritrum!" Nahawi ang tubig ng talon na parang kurtina. Nakita nila si Merlo na nakatayo sa pampang ng lawa. Pero parang dumidilim ang paligid. Nawawala ang araw. Tinawag ng prinsesa si Merlo.

" Merlo! Naririto kami ni Paolo!" Nakita sila ni Merlo. Lumipad siya at pumasok sa guwang. Dala niya ang bolang kristal na may maitim na usok sa loob. At inilabas niya ang kanyang mahiwagang patpat. Umiilaw ang dulo. May nagbabadyang panganib na dumarating.

Tuluyan ng dumilim ang kalangitan. Lumakas ang hangin. Nakita nina Merlo sa bolang Kristal sina Odek at Medusa na may kasamang mga mandirigmang dwendeng itim. Kinabahan si Merlo. Hawak ni Medusa ang kanyang mahiwagang tungkod. Kilala ni Merlo ang tungkod. Dati itong kanya. Si Medusa ay dating puting dwende. Kanya itong estudyante noon. Pero likas kay Medusa ang pala-inggit at kasakiman. Dahil paborito niyang estudyante, halos naituro niya kay Medusa ang kanyang kaalaman sa mahika. Pati na ang pag papa-amo sa kanyang mahiwagang tungkod. Isang araw nawala si Medusa at dinala ang kanyang mahiwagang tungkod. Sumama siya kay Haring Dupax na noon ay nanliligaw pa kay Raya isang taga lupa. Ginamit ni Haring Dupax si Medusa para mapa-ibig si Raya pero natalo siya kay Haring Ergo . Si Haring Ergo ang nanalo sa puso ng taga lupa. Mula noon ay hindi na nagpakita si Medusa sa Mordavia. Tuluyan na siyang naging isang itim na dwende. Ngayon lamang muli siyang pumasok sa mundo ng mga tao.

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon