Verdum Nortrum Dikyum!"Pilyang Prinsesa"
----------
Bumalik si Paolo sa hotel. Pagpasok niya sa suite ay umupo siya sa sofa.
" Mahal ko! Mag-usap tayo! " sabi ng binata.
Lumipad ang prinsesa at lumapag sa mesita. Umupong kaharap ang binata.
" Ano po ang pag-uusapan natin mahal ko?" aniya.
" Yung ginawa mo kanina na ibinuyangyang mo ang katawan mo sa mata ng maraming lalake!"
" Hi hi hi! Iyun ba? Sorry po! Ikaw kasi eh! "
" Ano ako kasi? Bigla ka na lang nawala kanina. Hanap ako ng hanap sayo iyun pala . Naku! Ang sarap mong mahalin!"
" Bakit ikaw? Nakita mo lang ang katawan ni Angela nakalimutan mo na ako! "
" Ayun! Nagselos ang pinakamamahal ko! Alam mo naman na ikaw at ikaw lang ang tanging laman ng puso ko magseselos ka pa! "
" Sino naman ang hindi magseselos. Isang hiling lang ni Angela ay lumukso ka na agad. Niyaya kitang maligo hindi mo na ako pinansin!"
" Hay yay yay! Ang aking mahal. Si Angela ay kapareha ko lang at ni katiting man wala akong nararamdaman para sa kanya. At pwede ka palang lumaki rito sa daigdig."
" Bihira lang pong mangyari yun. Kapag nagawa ko na ng minsan ay hindi na mauulit kailangan ko pang maghintay sa susunod na kabilugan nang buwan! "
" Ha? Sayang! "
" Ano hong sayang? "
" He he he ! Wala aking mahal. Pero ang dami mong mga matang pinaluwa kanina. Muntik pa akong makipag-away dahil sayo! "
" Hi hi hi! Hindi na ho mauulit yun. Nakita ko na ang mga ugali ng ibang lalake! "
" Dapat lang! Halika ka nga rito!"
Lumipad ang prinsesa at hinalikan niya ang labi ng binata.
" Uhmuah! Pinakamamahal kita aking prinsipe. "
" Pinakamamahal din kita aking pilyang prinsesa! "
-------
Kinabukasan ay nasa location shooting na ang binata. Ang eksena, maghahabulan sila sa tabing dagat ni Angela. Matutumba sila at gugulong na magkayakap sa dalampasigan. Maghahalikan sila. Bubuhatin ni Paolo si Angela at papasok sila sa isang dampa at kunwari ay magniniig sila.
Nakikinig mabuti sina Paolo at Angela kay Direk Guillena habang sinasabihan sila kung ano ang gagawin. Naririnig din ni Prettymini ang sinasabi ni direk at tila nagbago ang mukha. Namula ang dulo ng ilong niya at nakatingin siya kay Angela.
" Okey! Ready na kayong dalawa? Go at pumunta na sa pwesto ninyo. Kapag sinabi kong action ay tumakbo ka na Angela at tumawa ng malakas. At habulin mo na siya Paolo. "
Lumakad na ang dalawa. Nakaready na ang lahat. Signal na lang ni direk ang hinihintay.
" Mahal! Kailangan pa bang halikan mo siya? " bulong ng prinsesa na nakatayo sa balikat ni Paolo.
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.