"Verdun Mordvium Baliktrum!"
--------
"Mga Ada ng Puno ng Buhay at Pag-ibig"
--------
Walang kamalay-malay sina Paolo sa nangyari kay Merlo. Abala pa rin sila sa pakikipaglaban. Panay ang tingin ng binata sa bilog na buwan. Nasa tapat na ito ng Mordavia. Nilapitan niya ang prinsesa.
" Mahal ko. Samahan mo ako. May gagawin tayo!"
Lumipad ang binata paitaas, sumunod ang prinsesa. Lumayo sila sa palasyo. Bumaba ang binata sa isang malapad na batis na malakas ang ragasa ng tubig.
" Mahal, gagawa ako ng mga hukay. Idugtong mo ang mga batis na daraanan natin " Kahit nag tataka ang prinsesa ay . . .
" Oo mahal ko."
" Espritrum!" Sigaw ng binata. Nabiyak ang lupa, lumawak ang biyak at naging hukay na parang malalim na kanal at palapad.
" Verdum Kanartrum" sigaw ng prinsesa at dumugtong ang batis sa hukay. Dumaloy ang rumaragasang tubig. Pinupuno ang hukay. Sinundan ng prinsesa ang binata. Umikot sila sa buong kaharian ng Mordavia hanggang sa matapos nila ang malawak na kanal na may tubig na.
Nakakulong na ang buong kaharian ng Mordavia ng isang malapad at malalim na kanal. Bumalik sila sa palasyo. Lumapag sila balkonahe. Sa pagod ay napahiga ang prinsesa. Lumapit sa kanya ang mahal na reyna. Awang-awa sa kanilang dalawa. Tumayo at lumapit si Paolo sa prinsesa.
" Aking mahal, dumito ka na muna. Magpahinga ka. May gagawin lamang ako." Yumakap siya sa prinsesa at ginawaran ng halik sa mga labi.
" Saan ka ba pupunta aking mahal?"
" Basta't dumito ka na muna at magpahinga. Hindi ako magtatagal."
Sa silid ng mga manggamot nabunot na nila ang espadang nakabaon sa likod ni Merlo at napaghilom na nila ang sugat ng pantas. Hindi pa nga lang gumigising si Merlo.
Lumipad si Paolo paitaas. Tumingin siya sa ibaba. Nakikita niya ang palasyo na napapalibutan ng mga kalaban nila. Halos nangingitim na ang kulay ng Mordavia dahil sa dami hg mga dwendeng itim at mga alakdan. Tumingin siya sa dako ng disyerto. Sa kalangitan ay may isang liwanag na paparating. Parang isang maliit na bolang araw ang liwanag na paparating. Naghintay siya. Lumalaki ang bolang liwanag at nakapasok na ito sa kaharian ng Mordavia. Napangiti si Paolo. May dinukot siya sa kanyang bag. Isang bolang kristal. Binato niya ito papaitaas pa.
"Espiritrum!"
Sumabog ito at nagbigay ng ibat-ibang kulay na parang fire works sa kalangitan. Napatingala lahat ang nasa ibaba. Tumigil ang mga kawal ni Haring Ergo sa pagtatanggol sa palasyo. Nakikita nila si Paolo sa kalangitan na nakaharap sa tila maliwanag na bolang paparating habang sumasabog pa ang mga kristal.
Huminto naman sa pag-atake ang mga dwendeng itim. Lahat ay nakatingala at nagtataka kung anong nangyayari. Maging sina Haring Dupax, Prinsipe Odek at Medusa ay huminto sa pag-atake sa Baston ni Haring Ergo at napatingala.
Kumalat ang nagkikislapang kulay sa langit. Nakita nila ang bolang liwanag na papalapit. Bigla rin itong sumabog at kumalat. Nagsanib ang mga munting nakikislapang liwanag sa kalangitan. Nagulat ang mga mandirigma itim sa kanilang nakita. Bumaba ang mga maliliit at ibat ibang kulay na nagkikisalapang liwanag. Biglang nagkagulo ang mga mandirigmang dwendeng itim at mga higanteng alakdan. Parang may tumutusok sa kanilang kalamnan.
Bigla silang napapaso at nalalapnos ang mga kanilang mga balat at kalaunan sila ay naaagnas na parang kandila.
Libo-.libong mga ada ang nagliliparang pababa at may dala- dalang tubig na galing sa Puno ng Buhay at Pag ibig. Hinahagis nila ang tubig sa mga dwendeng itim. Parang ulan ang mga ito na bumabagsak sa mga kalaban. Nagtakbuhan ang mga mandirigmabg itim sa iba't-ibang direksiyon papalayo sa palasyo ng Mordavia. Napapaso sila ng tubig na dala ng mga Ada. Napahinto ang mga mandirigma sa gilid ng malapad na kanal. Biglang tumaas ang tubig sa kanal na nagmistulang mataas na pader. Wala ng matatakbuhan ang mga mandirigmang dwendeng itim. Lahat ay nakakulong na!
Wala na rin silang masilungan. Parang lasong kumakalat sa kanilang katawan ang tubig na tumatama sa kanila. Nagkikisay at naaagnas ang mga natatamaan hangang sa tuluyang maglaho. Lumipad ng papalayo sina Haring Dupax, Prinsipe Odek at Medusa para maka-iwas sa mga Ada. Nakita nila ang pader na tubig. May mga higanteng alakdan ang bumabangga sa tubig at sumasabog ang mga katawan. Pati ang mga sakay nilang mga mandirigma ay nadadamay. Naubos ang mga kampon ni Haring Dupax. Ni isa ay walang natira. Lumipad silang tatlo sa takot pabalik sa kanilang kaharian.
***
Nagsigawan at palakpakan ang mga kawal ng Mordavia. Lumabas ang mga mamayan sa palasyo at nagtatalunan sa tuwa.
Bumaba na si Paolo at lumapag sa balkonahe. Sinalubong siya ng prinsesa at niyakap. Tuwang-tuwang lumapit si Haring Ergo.
" Ha ha ha! Maraming salamat Paolo. Maraming salamat! "
Napayakap na rin siya sa binata. Bumaba ang mga ada. May mga tumayo na sa harang ng balkonahe. Nilapitan sila nang hari.
" Maraming salamat sa inyo aking mga kaibigan. Iniligtas ninyo ang Mordavia." Sumayaw ang mga ada sa harap niya at may sinasabi sa hari.
" Ha? Si Paolo ang kumausap sa inyo? Pumunta siya sa Puno ng Buhay at Pag-ibig? Siya ang nagplano ng lahat? Ha ha ha! Hindi ko naisip ang ginawa ni Paolo "
Pumasok silang lahat sa bulwagan, masasaya. Umupo si Haring Ergo sa kanyang trono katabi ang mahal na reyna.
" Maraming salamat sa inyong lahat. Hindi pa tapos ang laban natin. Bukas na bukas din ay tayo naman ang lulusob kina Haring Dupax upang tapusin na ang kanyang kasamaan. Hangga't nabubuhay siya ay hindi tatahimik ang ating mundo. Maraming salamat sa inyo Paolo. Pinatunayan mo na isa ka ngang mabuting tao. Ipinagmamalaki kita. At sayo Merlo ay labis ang aking pasasalamat. Salamat sa inyong mga taga lupa Senen, Cely at Jillian ipinakita ninyo ang tunay na pagmamahal sa kapwa. Labis ang aking pasasalamat sa inyong lahat.
Nagpalakpakan ang mga puting dwende. Masayang-masaya sila sa pagkatalo ng mga lahing dwendeng itim.
Yumakap naman sina Paolo at Prinsesa kina Along Cely at Mang Senen.
Nakangiti na rin si Merlo na malakas na matapos siyang magamot.
" Nasaan si Onyok? ONYOK! ONYOK! Lalabas ka ba o hindi?" Sigaw ng hari.
" Po! Lalabas na ho!"
" Poof!"
" Uha! Uha! Uha! " Kasama niya ang mga sangol na itinago niya para ligtas sila ano man ang mangyari sa Mordavia. Tuwang-tuwa ang mga magulang ng mga sanggol. Kaniya-kaniya sila ng kuhanan sa kanilang mga anak.
***
Tumayo si Haring Ergo, lumabas sa balkonahe at pinagmasdan ang mga kawal at mamamayan sa ibaba. Nagsasayawan na sila sa tuwa. Napangiti ang hari. Tumingin siya sa sa kanilang lupain. Wasak na wasak. Itinaas niya ang kanyang baston.
" VERDUM MORDVIUM BALIKTRUM!"
Nagkaroon ng makapal na berdeng usok at kumalat sa buong Mordavia. Nang mapawi na ay nagbalik ang dating ayos ng lahat na parang walang nangyari. Ngumiti na si Haring Ergo. Naglalabasan na sa palasyo ang mga puting dwende. Pauwi na sa kanilang mga tahanan.
Naghahanda naman si Merlo sa pagpunta sa Krokos. Sasamantalahin nila ang pagkatalo ng Krokos.
Samantalang habang natutulog na ng mahimbing si Paolo sa kama ni Prettymini ay pinagmamasdan siya ng prinsesa. Hinayaan niyang makapagpahinga ang kaniyang mahal.
*****
Sa kaharian ng Krokos ay nakaharap sina Haring Dupax sa bolang apoy. Kumukuha sila ng lakas upang muling makapagsimula. Nakapalibot ang ilang piling alagad nila. Nakatayo si Haring Dupax at nakahubad. Nagbabaga ang kanyang katawan.
" Salamat aking panginoon. Muli kong ibabangon ang Krokos. "
Humarap siya kina Odek at Medusa. Nagliliyab ang kanyang mga mata. Lumabas ang pulang sinag at tinamaan si Odek. Nagbaga rin ang katawan at nagliyab ang kanyang isang mata. Sinunod niya si Medusa. Katulad nila ay ganap na siyang malakas.
" Medusa, simulan mo na ang paggawa ng itim na salamin. Magpaparami tayo ng mga alagad. Ha ha ha ! Sa susunod na pagsalakay natin ay sisiguruhin ko ng matatalo natin sina Haring Ergo."
" Opo kamahalan. Hi hi hi!" Nagliyab ng husto ang bolang apoy!
*******
BINABASA MO ANG
"Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )
FantasyIto ang kwento ng pagmamahalan ng isang prinsesa ng mga dwende at ng isang tao na nagpabago sa mundo ng mga tao at mundo ng mga dwende.