Chapter 4

1.1K 50 1
                                        

A/N:

Before I start this one, I would like to say sorry first, nagka-error po kasi ako sa pagtatype... Kung naalala nyo po sa Chapter 1, Nakasulat don na No. 234 & 235 sina Shienna at Shino. Pero since nauna na sina Cindy, Peyton, Xanjie, at Vien na natawag kahit mas matataas yung numbers nila, papalitan ko na lang yung number nina Shino. Pls. Understand po, nakakalito kasi talaga yung mga numbers especially kung bopols ka sa Math xoxoxo😂 thanks...

------------------------------------------------------

Shino's POV

"434 and 435, you want to sing duet so pls. the two of you may proceed to the AR now."

"Hey Shin, hali ka na tawag na tayo bilis!" Agad akong napatayo ng hilahin ako ni Shienna at nagmamadaling tinungo ang AR.
Bago kami tuluyang nakapasok ay nilingon ko ang kinaroroonan ni Brie. Nakita ko itong nakatingin sa amin ngunit wala akong mabasa sa expression nito. Ganun din ang lalaking kasama nito. "Kundi sana tayo nagkalayo, ikaw sana ang gusto kong maka duet sa isang kanta." Malungkot kong saisip.

Nate's POV

Napansin kong sinundan ni Brie ng tingin and dati nitong mga kaibigan. Nakita kong tumingin din kay Brie si Shino bago ito tuluyang nakapasok sa AR. Muli kong ibinaling ang aking pansin kay Brie na ngayon ay nakatutok na ang pansin sa TV monitor kung saan makikita ang actual na nangyayari sa loob ng AR. Napansin ko ang lungkot sa kanyang mukha habang nakatitig sa lalaking naka-focus sa camera habang ini-interview ng judges. Hindi man nito sabihin ngunit di maikakaila ng kilos nito ang tunay na saloobin. Alam ko na may puwang pa rin sa kanya ang kanyang mga kaibigan. Lalo na si Shino. "Alam kong hindi lang bilang kaibigan ang tingin mo sa Shino na yun Brie. Sana lang wag kang padadala sa iyong nadarama, dahil iyan ang magdadala sayo pabalik sa pagiging talunan at kawawa. Ayokong mangyari pang muli iyon sa iyo Brie. Kaya't hanggat narito ako, pipilitin kong protektahan ka ano mang oras."

"So good luck guys, you may start now!" Narinig kong sabi ni Pres. Royce.

Brie's POV

Tandang-tanda ko pa ang kantang ito na nag-uumpisa ng tumugtog at kakantahin nina Shienna. "Yan ang madalas naming kantahin ni Shino noong mga bata pa kami. Pati rin pala linya sa isang kanta na dapat ay ako ang kumakanta ay inagaw mo na rin!" Di ko napigilang maikuyom ang aking palad dahil sa galit na aking nadarama para sa dati kong kaibigan.

Shino: The wine and the lights
And the spanish guitar.
I'll never forget how romantic they are.

"God! I really missed his voice!" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Naramdaman ko ang pag-akbay ni Nate sa akin.

"Its okay Brie. You can cry on my shoulder." Kinabig ako nito pahilig sa balikat nito.

"Nate?"

"Ssshh! I know you missed your friends already, you can't deny it!" Nakangiti nitong sabi. Hindi ko na napigilan ang tuluyang pag-iyak.

Shino and Shienna: But I know, tomorrow I lose the one I love!

Shino:There's no way to come with you.
Shienna:(Second Voice) Way to come with you.
Shino: Is the only thing to dooooh ooh!

Shienna: Just one last dance.
Shino: Hoo!
Shienna: Before we say goodbye.
Shino: Say goodbye.
Shienna & Shinno: When we sway and turn around and round and round.
Shienna: Its like the first time.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon