A/N
Ang sa-silent nyo naman... Vote and comment naman jan oh??? 🙏...
------------------------------------------------------
Brie's POV
Friday...
Kasalukuyan na kaming naghahanda ngayon para sa gaganaping Party mamaya. Kanya-kanya na suot ng costumes nila. May nakasuot ng pang pulis, taga-walis, naka consecutive/tuxedo suit, may mga naka-uniform lang ng pang-estudyante, at kaming tatlo nina Cindy ay parang nakanormal attire lang para kunwari makikihalubilo lang kami. At marami pang iba. Pati si Shino rin ay kasali na. Ewan kung ano ginawa ng isang 'to at biglang pinarusahan din nila Ma'am Val, well kung parusa ngang matatawag 'to. Para kasing hindi eh. Nakaka-enjoy kaya!
"O basta alam nyo na ha? Ikaw Shino kunwari DJ ka at ikaw ang kukontrol sa Sound system. Magagalit sa pinapatugtog mo si Xanjie at mag-aaway kayo sa gitna ng maraming tao. Darating ako para umawat biglang magbabago yung tugtog tapos sasayaw na tayong tatlo. Hahawiin ng mga janitor ang mga tao at kunwari mapapasayaw din sila. Papasok ang business man, at ang tatlong babaeng naka-normal suit. Tapos sunod-sunod na okay? Ikaw Shienna kunwari itinutulak mo ang wheelchair ni Shaquil na kunwari pilay, pero nung napadaan kayo bigla syang tumayo at sumali sa sayaw, habang ikaw ay napasayaw na rin lang okay?" Mahabang instruction ni Nate na sinang-ayunan naman naming lahat.
"Okay!" Sabay-sabay naming sagot.
Hindi ko alam kung pano napasali si Shino at Nate, basta ang nabalitaan ko lang nag-away daw ang dalawa sa room at ipinatawag ang mga ito sa faculty. Hindi ko alam ang napag-usapan nila don. Nagtataka lang ako kasi base sa nakikita ko mukhang hindi naman sila nag-away eh? Mukha ngang nagkakasundo pa silang dalawa.
Author's POV
7pm...
Marami ng tao sa loob ng stadium kung saan gaganapin ang Acquaintance Party. Nagsisimula ng magsidatingan ang mga estudyante ng Dream Art School na ngayon ay napakagagara ng mga kasuotan. Lahat sila naka-casual suits. Hindi pa nagsisimula ang party. Kanya-kanyang grupo ang bawat naroon. May mga nag-uusap sa kanilang mga mesa, may mga naglalakad-lakad, may mga nasa gilid ng stadium at nakatambay, bawat isa may mga sariling mundo. May mga janitor na naglilinis. Sa mga visitors seats naman ay naka-upo na ang matataas na tao, mga naka-executive suits ang mga ito. Pumasok na si Shienna na may itinutulak na isang pilay na lalaki na nakabenda pa ang kanang paa. Napatingin ang karamihan dito.
"Ano nangyari sayo Shaq?" Tangong ng iba.
"Ah wala, medyo konting disgrasya lang😁!" Sagot ng lalaking naka-wheel chair.
Nag-umpisa ng magpatugtog ang DJ, may mangilan-ngilan ng sumasayaw sa gilid. Ilang saglit lang ay may lumapit na estudyante sa DJ at kinwelyuhan ito. Napatingin ang lahat at napatigil sa mga ginagawa.
"Ang pangit naman ng tugtog mo! DJ ka ba talaga? Ba't di mo alam ang magandang tugtog na babagay sa okasyon na to ha?" -Estudyante
"Eh ikaw? Hindi mo rin ba alam kung ano ang dapat na suot para sa okasyong ito? Ba't naka-uniform ka pa rin?" -DJ
"Aba't loko ka ah!" Nagtulakan ang dalawa. Biglang may pumito, dumating ang isang pulis at inawat ang dalawang nagtutulakan pa rin. Nakarating na sila sa gitna habang nagtutulakan. Nahawi ang mga tao sa takot na madamay. Biglang tumugtog ang isang music. HOLD ON By Wilson Philips ang kasalukuyang tumutogtog. Nagulat ang lahat ng sumayaw bigla ang dalawang nag-aaway ng nag-intro na ang kanta.
Shino: I know this pain. Why do you lock your self
up in this chains?

BINABASA MO ANG
High School Dreams
General FictionDifferent persons, From Different Places. Different Goals, With Different Ways and Attitudes. One School, For Only One Dream. Hali na't subaybayan natin ang mga kabataang pare-parehong nangangarap, nag-aaral at nagsusumikap. Magkakaibang ugali at ka...