Brie's POV
Kasalukuyan kaming nasa hallway ngayon kasama ko sina Cindy at Peyton. Wala yung mga boys dahil may activity daw na ipinapagawa sa kanila ang mga teachers. Nakaharap kami sa bulletin board at kasalukuyang binabasa ang mga result ng computations ng grades.
"Pantay pala kayo ng nakuhang grades ni Nate, Dhie oh!" Sabi ni Peyton.
"Oo nga no."
"At si Brie naman may nakapantay sya sa evaluation. At I think isa ang grades nila sa mga makakasali sa Showcase. Pano yun pag lumagpas sa 15 ang mga nakapasa? Diba hindi naman imposible yun?" Tanong ni Peyton.
"Oo nga. Pano nga pala yon? Ba't nakalimutan nating itanong kay sir. Nakakalito nga yon." Sagot ko.
"Mas maganda magtanong na lang tayo kay sir para mas maliwanagan tayo." -Cindy
"Oo nga. Tara na!" Hinila agad kami ni Peyton papunta sa Faculty.
"Brie, sandali!" Napahinto kaming tatlo ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon namin ay nakita ko si Shienna na nagmamadaling lumapit sa amin.
"Ano naman kaya kelangan ng isang to?" Bulong ni Peyton.
"Ah, Brie pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian?" -Shienna
"Eh pwede namang ngayon na lang kayo mag-usap!" -Peyton
"Yung kami lang sana."
"Edi hindi kami sasali!" -Cindy
"Yung dalawa lang sana kami at walang nakikinig!" Tila naiinis ng sabi ni Shienna.
"Eh ano ba kasing-" Pinigilan ko na si Peyton sa mga sasabihin pa sana nito.
"Sige, mamayang uwian." Sagot ko.
"Salamat Brie. Hintayin kita sa Gate mamaya huh?" Nakangiti nitong sabi.
"Oo." Sagot ko. Umalis na rin agad si Shienna at kami ay nagpatuloy na sa paglalakad.
"Ano kaya kelangan nun sayo? Baka may binabalak nanaman yon naku!" -Peyton
"Ewan ko, nagtataka nga rin ako eh. Pero mukhang wala naman syang gagawing masama. Kilala ko sya." Sabi ko.
"Hay naku Brie! Hindi mo basta-basta malalaman ang tunay na ugali ng mga Plastic at Ahas!"
Kibit-balikat lang isinagot ko sa sinabi nito.Pagkarating namin sa labas ng faculty room ay agad ng kumatok si Peyton. Bumukas din agad ang pinto at iniluwa nito si Ms. Valerie.
"Hi po Ms. Val!" Nakangiti naming bati.
"Oh hi! Anong kelangan nyo girls?" Nakangiti nitong tanong.
"Halikayo, pasok muna kayo." Yaya nito sa amin. Tumalima naman kami agad at pumasok sa loob. Naroon pala sina Sir Mark, Ms. Riza at pati si Sir Daeo.
"Hello po teachers!" -Peyton
"Hello!" Sagot din naman ng mababait na guro. Talagang palakaibigan ang apat na gurong narito ngayon, kahit si Ms. Valerie na Vice President ng school ay napakabait sa mga estudyante nya, kahit medyo estrikta talaga pagdating sa mga lessons nya.
"Anong kailangan nyo't naparito kayo?" -Sir Daeo.
"Ah sir, kasi hindi kami naliwanagan kanina tungkol sa mga makakasali sa Showcase. Marami kasi ang nag-tie sa grades. Pano po kung higit pa sa fifteen students ang nakasali sa showcase dahil magkakapareho ang mga grades na nakuha?" Tanong ko.
"Ah, oo nga pala nakalimutan kong ipaliwanag iyon. Ganito yon girls. Kapag lumagpas sa 15 ang mga makakasali sa showcase ay hindi problema yon. Ang pinipili lang namin ay ang Top 15 na highest sa rankings. Sa isang Top minsan dalawa, minsan tatlo, o kung minsan pa nga marami. So may posibilidad talaga na hindi lang kinseng estudyante ang makakasali mula sa bawat Division. Medyo kinulang ako ng bigay sa inyo ng infos kanina, pasensya na." Napakamot pa ito sa batok.
"Ah ganon po ba sir. Eh diba 15 lang naman ang performances ang dapat na meron ang bawat Division? So pano po yun kung marami kami?" -Peyton
"Gagawin nating grupo ang ilan sa mga numbers na gagawin nyo sa showcase. May magpeperform din as duets, or triplets. Pero yung mga highest ranks gaya ng Top 1 to 3 sila yung mga magso-solo sa stage. Kahit 2 o 3students pa ang Top 1 kelangan talaga tig-iisa sila ng performance number. Yung Top 4-15 kahit gano pa sila karami sa isang performance number ay hindi problema. Pero bihira lang naman dumami ang mga nakakasali sa isang Top. Pinakamarami na ang tatlo sa bawat isang Top, kadalasan 2 at karamihan talaga ay isa lang sa bawat Top." Paliwanag naman ni Ms. Valerie.
"Ah ganon po pala." -Cindy
"Oo, at kung sakaling masyado talagang marami ang makakasali sa bawat division ay kailangan na nating gumawa ng collaboration ng bawat division. Magsasama-sama ang mga Singers, Dancers at mga Actors and actresses sa iisang performance. Sila yung mga Top 13-15, ng bawat Division." Paliwanag naman ni Sir Mark.
"Maraming salamat po sa pagpapaliwanag nyo. Naintindihan na po namin!" Nakangiti kong sabi.
"Teka, nakasali ba kayong tatlo?" -Ms. Riza
"Opo Ms. Riza!" Sagot namin.
"Wow! Thanks at pumasa si Brie! Nanalo tayo!" Napa-high-five pa sina Sir Mark at Ms. Riza.
"Pero Top 12 lang po ako at may kapareho." Malungkot kong sabi.
Lumapit si Ms. Riza sa akin at hinawakan ang aking mga balikat."Alam mo, hindi na mahalaga yon kahit na Top 15 ka pa. Ang importante nakasali ka at nanalo tayo sa kasunduan natin nina Pres. Royce!" Sabi nito.
"Kaya mo pa namang bumawi sa mga susunod pang buwan Brie. Ito pa lang ang simula!" -Sir Daeo
"Oo nga naman. Alalahanin nyo, malaki ang chance na may agencies na makapansin sa inyo at bigyan kayo ng contract kapag nagustuhan nila kayo. Maganda yon, habang nag-aaral pa kayo ay may career na agad kayo!" -Ms. Valerie
"Oo nga po!" -Peyton
"Salamat po sa inyo, at sa tulong nyo sa akin! Kung wala kayo malamang wala rin ako dito!" Sabi ko.
"Basta galingan mo pa sa susunod! Para mas lalong mapahiya yung mga nangmamaliit sayo okay?" -Ms. Valerie
"Opo ma'am!" Masaya kong sagot.
------------------------------------------------------
A/N:Happy Valentines nga pala! Feb 14 na pala ngayon? Haha di ko napansin! Anyway thank you nga pala sa mga nagbabasa kung meron man. Pasensya na kung walang thrill at twists. Gusto ko po kasi straight to the point lagi. Ayoko ng pabitin. xoxo 😂
Oh showdown na up next!
Alex or Vien? Sino sa inyo??? Comment naman jan please???
Don't forget to Vote nga pala!! 😘

BINABASA MO ANG
High School Dreams
General FictionDifferent persons, From Different Places. Different Goals, With Different Ways and Attitudes. One School, For Only One Dream. Hali na't subaybayan natin ang mga kabataang pare-parehong nangangarap, nag-aaral at nagsusumikap. Magkakaibang ugali at ka...