Brie's POV
"Hey Nate! Brie! Look at this! Grabe sikat na tayooo!" Nagtititiling salubong sa amin ni Cindy habang dala ang isang news article. Kadarating lang namin ngayon dito sa room at wala pa naman kaming teacher kaya't may kanya-kanyang mundo muna ang bawat naroon.
Ipinakita nito sa amin ang article kung saan ay naroon ang isang balita tungkol sa mga naganap nung Saturday night sa Showcase. Lahat ay detalyadong nakasulat dito kabilang na ang mga pangalan ng mga awarded students."Aba oo nga no!" Tuwang bulalas ni Nate.
"At teka akina!" Inagaw muli nito sa akin ang article at inilipat ng page.
"Here!" Nang mahanap nito ang hinahanap ay muling ibinalik sa amin ang papel at itunuro ang isang balita. Napakagandang balita!
"Dream Art Schools ay pinagkakaguluhan ngayon ng iba't-ibang mga sikat na kumpanya ng mga TV stations at mga talent companies!" Anang sulat.
"W-what does it mean?" Tanong ko.
"It means marami ang gustong mag-offer ng opportunities sa mga students ng DAS!" Bulalas muli ni Nate.
"Yup, that's right!" Tuwang sagot ni Cindy. Biglang pumasok si Sir Daeo at binati kami ng magandang umaga. Sumagot naman kaming lahat nagsibalik na sa aming mga upuan. Kumpleto na pala ang lahat. Naroon na rin sina Shienna at Shino na kadarating lang at kumaway pa sa amin. Si Vien ay tahimik lang na naka-upo sa pwesto nito.
"Once again, let me congratulate you para sa paghakot ng Division na ito ng napakaraming awards! At halos hinakot yon ng section ninyo guys. I'm very proud of you!" Pahayag ni Sir habang pumapalakpak.
"At gaya ng inaasahan namin, ang DAS ay nakakuha ng napakaraming pansin mula sa media hanggang sa mga Talent companies!" Tuwang-tuwa naman kaming nagpalak-pakan.
"At ang araw na ito ay itatalaga naming Vacant for all subjects sapagkat ngayong araw ay bibisita ang mga companies na interesadong mag-offer ng contract sa isa sa inyong mga students na nagperform that night!" Lahat kami ay sobrang tuwa dahil sa napakagandang balitang iyon.
"So, iiwan ko muna ulit kayo upang tumulong sa paghahanda upang salubungin ang mga repsresentatives ng mga companies na interisadong mag bigay ng opportunities sa mga talents ng DAS. Anyway you can go anywhere, but don't leave the school dahil baka ipatawag namin kayo kapag may mga opportunities na nakalaan para sa inyo okay?"
"Yes sir!"
"And one more thing. Please don't be so very noisy huh? Para Formal ang maging tingin ng mga visitors sa atin kahit paano." Nakangiting paalala ni sir bago tuluyan ng lumabas. Agad tumayo si Shienna upang lumapit sa amin. Sumunod naman sina Shino at Vien.
"Oh tumayo na kayo, its gala time na!" Yaya ni Shienna.
"Oo nga, para naman di tayo maboring." -Nate
Patayo na sana ako ng biglang pumasok si Ms. Valerie at inagaw ang aming pansin habang ipinapalakpak pa ang mga kamay nito."Hello everyone!" -Ms. Val
"Hello po Ma'am Val!" Sagot ng lahat.
"Well, nandito ko ngayon to make some introductions para sa dalawang mga bago nyong classmates!" Nagulat kaming lahat sa ipinahayag ni Ma'am.
"There are two students who requested na payagan daw silang lumipat mula sa Dancer's Division to Singer's Division. At dahil nakakuha sila ng award sa naganap na showcase ay sinubukan namin silang bigyan ng test kung pwede ba sila sa Divisiong ito. And they did! Kaya't pinayagan silang magtransfer dito sa inyo."
Tahimik lang ang lahat na nakikinig sa sinasabi nito.

BINABASA MO ANG
High School Dreams
Fiksi UmumDifferent persons, From Different Places. Different Goals, With Different Ways and Attitudes. One School, For Only One Dream. Hali na't subaybayan natin ang mga kabataang pare-parehong nangangarap, nag-aaral at nagsusumikap. Magkakaibang ugali at ka...