Author's POV
Pagdating na pagdating nina Brie sa airport ay nagtaka sila kung bakit napakaraming reporters mula sa iba't-ibang TV stations at Radio stations ang nag-aabang sa kanila, mayroon ding mga naka-guard uniforms na humarang sa mga ito upang bigyang daan silang lahat. Ang ilan ay pilit na inilalapit sa kanila ang mga mikropono ma hawak ng mga ito kahit na itinutulak ito ng mga guards.
"Hey Dreamers! Balita namin naging very successful daw ang MV Shoot niyo para sa Tribute sa Manchester Arena! Anong masasabi nyo para sa maagang spotlight na dumating sa mga careers nyo?!" -tanong ng isang reporter. Nagulat sila kung bakit sila tinatanong ng ganoon ng mga reporters. Sa gulat nila ay nagkatinginan na lamangbsilang lahat habang mabilis na naglalakad palabas.
"Nabalitaan din namin na na-imbitahan kayo para magbperform sa isang ceremony ng isang tanyag na tao sa Manchester? Totoo ba iyon?" -tanong pa ng isa.
Brie's POV
Gulat na gulat talaga kami sa sobrang dami ng reporters na sumalubong sa amin. Hindi namin akalain na sasalubungin kami ni isang reporter man lamang.
"Anong meron?" -bulong ni Peyton habang pahirapan kaming makalakad dahil nagsisiksikan kaming lahat habang hinahawi ng mga gwardya ang mga reporters na makukulit na nagtatanong.
"Ewan ko nga rin eh?! Di ko rin maintindihan!" Sagot ko.
"Ipagpatuloy nyo lang lakad nyo, kelangan nating makarating agad sa sasakyan!" Sigaw sa amin ni Ma'am Val. Pinit naming maglakad ng mabilis patungo sa labas ng Loby kung saan nakaparada ang aming sasakyan papuntang Dream Art School. Agad na binuksan ng isang gwardya ang dalawang sliding door ng Van at isa-isa na kaming nagsipasok.
"Shienna! Shienna!? Nakuhanan ka ng video sa isang Night Disco sa Manchester na tila lasing na sumasayaw habang may kasayaw kang isang lalaki?! Alam mo ba na ito ay kumakalat na ngayon?!" -isang nakakagulat na tanong ang nakapagpatigil sa pagpasok ni Shienna sa Van na syang pinakahuling sasakay. Maging kaming lahat ay tila nagulat, walang nakapagsalita, maging si Ma'am Val ay tahimik. Si Shino ay nakakunot noo, sina Cindy at Peyton ay napatakip ng bibig. Si Vien ay gaya ng nakasanayan, tila walang reaksyon. Si
Nate at ako ang agad na nakabawi at mabilis naming hinatak ang natulalang si Shienna papasok ng Van, ng makapasok ito ay mabilis na isinara ni Nate katulong ang guard na nasa labas nag pintuan ng sasakyan. Tila hinihingal kaming lahat dahil si tensyon na biglang bumalot sa amin. Ibinaling sa iba't-ibang direksyon ang paningin. Idinantay ko ang aking kamay sa balikat ni Shienna.
"May Problema ka Shie?" Mahina kong tanong na punong-puno ng pag-aalala.
"Not now Brie!" Garalgal ang boses na sagot nito. Hinimas-himas ko ang likod nito upang aluin ito at palakasin ang loob. Kinabig ko ang ulo nito pahilig sa akin balikat. Tahimik ang lahat sa buong byahe namin patungong Dream High School.
---------------------------------------------------------
Author's Note!
Sorry po kung After more than 1 year chaka lang ako nalapag update. And Very lame pa!😔
Na uninstalled ko kasi dati app ko and di ko nahanap yung list ng username and password ko. Ngayon ko lang nahanap. And may work na ako so nag try lang akong mag update again kahit maiksi muna para malaman ko lang kung dapat ko pa bang ipagpatuloy tong story or hindi na.
Let me know what's on to your mond fellas! Good or bad. Don't hesistate to put you comments here. Thanks!
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
High School Dreams
General FictionDifferent persons, From Different Places. Different Goals, With Different Ways and Attitudes. One School, For Only One Dream. Hali na't subaybayan natin ang mga kabataang pare-parehong nangangarap, nag-aaral at nagsusumikap. Magkakaibang ugali at ka...
