Chapter 19

890 24 2
                                        

Nate's POV

Nagmamadali akong gumising ng makita kong maliwanag na sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang wall clock at nakita kong mag se-seven na ng umaga. Agad akong bumangon at dali-daling nag-shower at nag-toothbrush. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform at nagsuot ng medyas at sapatos. Paglabas ko ng kwarto ay nagmamadali akong bumaba ng hagdan para tumungo sa kusina at mag-almusal sandali. Pagdating ko sa baba ay nakasalubong ko si Brie na paakyat naman. Ngumiti ito ng makita ako, ngunit mugto pa rin ang kanyang mga mata dala siguro ng pag-iyak nito kagabi. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ito o hindi.

"Oh? Ba't di ka pa nakabihis?" Tanong ko ng mapansin kong nakapantulog pa rin ito.

"Hindi muna ako papasok ngayong araw, gusto kong magpahinga."

"Pero malapit na yung Showcase. Baka mag-umpisa na ang practice natin anytime!"

"Hayy, ano pipilitin kong pumasok kahit mukha akong naghiwa ng isang drum na sibuyas?" Yun ang nagustuhan ko sa isang to eh, bukod sa maganda na, magaling pang magdala ng problema. Napangiti na lang ako sa sagot nito.

"Okay sige, i-e-excuse na lang kita sa school, basta magpahinga ka huh? Tama na yang iyak na yan. Para bukas makapasok ka na okay?"

"Opo!" Sagot nito. Umakyat na ito at ako naman ay tumuloy na sa kusina. Kinain ko kung ano yung available dun sa ref. Pagkatapos ko ay muli akong nag-toothbrush at nagmamadaling tinungo ang pinto bago lumabas. Pagbukas ko ay biglang may tumawag sa akin.

"Hoy Sir sandali!" Si Brie lang pala na may dalang suklay.

"Hali ka nga muna at baka maraming ma-discourage jan sa mahaba mong buhok. Mukha kang na-rape!" Agad nitong sinuklay ng simple yung buhok ko. Wow! Sino ba naman ang hindi mafa-fall sa isang to. Kung hindi lang ako nagpipigil talagang liligawan ko to eh! Kaso hindi naman pwede kasi Brother and Sister na ang turingan namin.

"Edi sasabihin kong ikaw ang nang-rape sa akin!" Biro ko rin.

"Buang ka!" Tinuktok nito ang ulo ko gamit ang suklay.

"Aray!"

"Oh ayan tapos na sige largo!" Pagtataboy nito.

"Wala bang kiss?"

"Sira ka talaga! Isusumbong kita kina Tita!" Banta nito. Napahalakhak ako sa sinabi nito at tinungo ko na ang aking sasakyan. Papalabas na ako ng gate ng lumingon pa ako kay Brie na nakatanaw pa rin.

"Bye!" Kaway nito. Kinawayan ko rin ito. At tmuloy na ako sa pagmamaneho. Naaawa ako rito dahil kitang-kita sa mukha nito ang hirap na dinadala nito. Alam kong gusto na nitong makasama ang mga dating kaibigan ngunit nakakulong pa rin ito sa mapait na dinanas nito sa buhay, lalo na ang pagkamatay ng nanay nito. Kaya't gustuhin man ni Brie na patawarin ang kanyang mga kaibigan ay hindi nito magawa. Kung sana lang ay buhay pa ang ina nito, hindi sana nasa ganitong sitwasyon si Brie, alam kong gaya ni Brie ay hindi rin nito gugustuhing magtanim sila ng sama ng loob sa nga taong naging bahagi na ng buhay nila, lalo na't nagpahayag na ng pagsisisi si Shienna. Naguguluhan man ako kung bakit pati si Shino ay naisali sa galit ni Brie ay mas minabuti ko na lang na hindi na mas ungkatin pa ang dahilan, dahil alam kong masasaktan lang ako kapag nalaman ko ang katotohanan. "Kahit na alam ko naman na talaga."

Cindy's POV

Ganito pala ang feeling na sinundo ka ng crushipay mo para isabay ka sa school!!! Aaahhhyy.

"Thanks huh!" Sabi ko pagbaba namin sa kotse. Ngiti lang ang isinagot nito na muntik nanamang magpatalsik sa undy ko!

"Tara na!" Yaha nito. Agad naman akong sumunod ng magpatiuna na ito sa pagpasok sa building. Nakasabay namin si Nate at napansin kong nag-iisa lang ito.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon